010

11 2 0
                                    


Maingay ang lahat. May kaniya-kaniyang mundo. Walang lugar para sa mga estranghero.

Hinanda ko ang gitara at isinabit ito sa kaliwang balikat bago lumabas at salubungin ang parehong senaryo. Bawat gabi ay tulad nito. Tila walang pinagbago.

Iilan lang ang lumingon—ang iba ay nagpatuloy. Inayos ko muna ang mikropono bago pa man maupo at pumikit bago umpisahang tumugtog.

"White lips, pale face," nakapikit ako at dinarama ang bawat salita sa liriko, "breathing in the snowflakes."

Nanatili lamang akong nakapikit at dumilat lang nang umabot na ako sa koro. At sa pagdilat kong iyon, nahuli ko ang pinakamalungkot na mga matang nakita ko.

"It's too cold outside for angels to fly, to fly, to fly... for angels to die."

Natapos tumugtog ay umalis na ako sa entablado. Nakuha ko na ang bayad. Tapos na ang trabaho ko dito.

Pag-uwi—ito na dapat ang sunod kong gawin ngunit tila ba may pumipigil sa aking mga paa na magpatuloy at nag-uudyok sa aking bumalik—nagtutulak patungo sa iisang direksiyon.

"Nag-iisa ka ata," nasabi ko na lang nang malapitan ko siya—ang babaeng minsan kong nakilalang may pinakamalungkot na pares ng mga mata.

Madilim ang langit ngunit sa kabila ng pagiging natatangi sa kalangitan ay nanatili itong maliwanag—mas maliwanag kaysa aking inaakala.

Isang ngiti. Puro luha. Tapos na ang paghihirap, Malaya.

"Malaya ka na, Aya."

Siya si Luningning.

Siya si Malaya.

Siya si Aya.

At nakilala ko siya bago pa man lubusang magkita. At nakita bago pa man lubusang makilala.

Siya si Aya.

Minsang naghangad maging si Malaya.

Pero,

Nagkukubli bilang isang Luningning.

Isang babaeng napundi ang sinagtala.

Ngunit muling magniningning bilang ang pinakamaliwanag na sinagtala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon