"Bakit hindi ka umalis?"Nabitin sa ere ang pag-inom sa alak. Nagagawa pa siyang natigilan bago ako lingunin at malungkot na ngumiti.
Isang malalim na buntong-hininga at pagbaba ng bote ng alak ang kaniyang ginawa bago malayo ang tinging sinagot ako.
"Sa tingin mo ba hindi ko sinubukan?"
Ano naman ang natigilan. Madilim ang kalangitan. Ang buwan—natatakpan ng mga ulap at ang tanging liwanag na nagsisilbi ay ang poste ng ilaw na ilang metro ang layo sa aming dalawa.
"May pag-asa pa," nakatingin sa kaniyang bigkas ko sa mga salitang malungkot niyang ikinatawa.
"Negatibo ang pag-asa. Unti-unti ka nitong hihilahin hanggang lumubog ka. Tanging pagbagsak mo ang magiging resulta. Ang pag-ahon ay muling paglubog. Uubusin ka hanggang sa wala nang matira pa. Iyon ang gawain ng pag-asa, Mikael. Lalamunin ka nang buo hanggang maubos ka nang tuluyan. Malakas kang bubuwagin at hindi titigil hanggang sa maupos ka."
Tungin siya sa nag-iisang talang nagliliwanag sa madilim na kalangitan bago nakatingalang ipinikit ang mga mata.
"Gusto ang pangalang Malaya. Gusto kong maging katulad ni Malaya. Gusto kong maging malaya."
BINABASA MO ANG
Broken Wings
BeletrieIt's too cold outside... for angels to fly, for angels to die.