Kakaiba. Masasabi kong kakaiba ang gabing ito kumpara sa iba. Sinalubong ako ng usok at ng ingay ng mga taong nagpupunta roon. Isang patay-sinding ilaw na nasa kulay ng pula ang tanging liwanag na bumabalot sa paligid.Pasado alas dose iyon at ang lahat ay nagsisimula pa lamang magsaya. Dahil sa mga nakakailang tinging iginagawad sa akin ay napilitan akong maupo sa bakanteng mesang isang dipa lamang ang layo sa entablado.
Nag-umpisa ang hiyawan at sinundan ng mga pagsipol nang tinutukan na ng puting ilaw ang gitna ng entablado. Doon ay lumabas ang babaeng nakamaskara ng pula. Kulot ang kaniyang buhok—ang labi ay pulang-pula. At ano nga bang masasabi ko sa kaniyang saplot? Ah, manipis—at kakarampot. Sa kabila noon ay iisang bagay ang pinakanakapukaw ng aking atensiyon. Hindi iyon ang makurba niyang katawan kung hindi ay ang nakakurba niyang labi—bagay na kasalungat ng ipinaparating ng kaniyang mga matang nagsusumamo.
"Luningning," nasabi ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
Broken Wings
General FictionIt's too cold outside... for angels to fly, for angels to die.