005

14 3 2
                                    


Ika-apat na gabi. Apat na magkakasunod na gabi kaming nagkikita ni Aya. Totoo ngang mas magiging komportable kang magsabi sa isang estranghero. Walang takot ng panghuhusga. Walang pagdadalawang isip kung pagsisihan ba.

"Nakatapos ka pero pinili mo ang musika?"

"Tulad mo, sumubok din ako, Aya. Ngunit siguro, may mga tao talagang hindi pinapaburan ng tadhana. Wala na akong alam bukod dito. Dito lang ako naging kwalipikado. Sa mundong ginagalawan natin, hindi mahalaga ang ano kung hindi ay sino. Wala akong pangalang nabuo kaya nasadlak ako sa lupang kinamulatan ko."

Napangiti siya bago tumayo at pinagpagan ang sarili damit at kuhanin ang jacket.

"Mauna na ako, Mikael," sambit niya bago tumakbong paalis.

"Ano ito?" natanong ko sa sarili nang makakita ng isang maliit na kwaderno. Marahil ay nahulog ito niya ito.

Binuksan ko ito at nakita ang pangalan niyan sa unang pahina. Nang ilipat ko sa susunod ay may nakasulat pa palang iba.

Hija,
Sige at sumayaw ka.
Umindak,
gumiling
sa saliw ng musika.
Sumabay
sa ritmo ng bawat kanta
at magpatuloy
hanggang malulong ka na.

Hija,
Sige at sumayaw ka.
Hindi pa ba pagod ang mga paa?
Hanggang kailan ka iindak para mapasaya ang iba?
Tila ba nakapagtataka.

Hija,
umindak ka.
Ipadyak ang mga paa,
'wag kalilimutang tuso ang mga buwaya,
Siguraduhing ligtas at magpanggap na alila.

Hija,
gumiling sa saliw ng musika.
Isiping ang bawat ungol ay kapalit ang pera.
Masama man sa mata ng iba,
Kailangang itodo ang giling, huwag lang tumirik ang mga mata.

Hija,
sumabay sa ritmo ng bawat kanta.
Sabayan ang pag-iisip nilang mahina ka.
Hayaan ngunit 'wag ipipikit ang mga mata.
Hindi pa tapos ang palabas, mag-iingat ka.

Hija,
magpatuloy lang sa ginagawa.
Magpanggap at sumabay sa agos na itinakda.
Hindi ka mahina tulad ng sabi ng iba.
Hayaang malulong sila—panahon mo na ito para makaahon ka.

Si Aya. Siya si Aya.

Broken WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon