Chapter 44:Collaborate

10.1K 476 9
                                    

4 days had passed...

Vien's P.O.V

Hayss...ilang araw na talaga to eh!!! Ayaw talagang mamansin,tsk dibale pagnatanggal na yang bracelet na yan ay makakatikim talaga sa akin si Freny,bahala ng magalit sya basta babatukan ko sya ng sobrang lakas hmph!

Ang tagal din kasi ng mga primes mag plano!kung sabihin na lang kaya nila sa akin na hilahin ko yung bracelet mula sa wrist ni Freny tutal magkatabi naman kami.

Hay!ang tanga ko talaga!kung sakaling ganon ang plano ay mabibigo lang kami dahil mabilis ang reflexes nitong si freny!

"Good morning students!"agad akong napa tingin sa harap ng marinig si Sir Gavon,grabe hanga talaga ako kay sir!isipin nyo kaya nyang gumawa ng elemental potion at bihira yun,swerte nya kung tutuusin.

Kaso may mga elements talaga syang hindi magawagawa,tulad ng Color Elements!hindi nya yun kayang gawin at hindi naman siguro talaga nag-e-exist ang ganyang kapangyarihan...

Pero...anong tawag dun sa Pink Elementalist nung leveling? Ayy....baka nga totoo yung Color Elements di pa ngalang sure...

Ang gulo ko!

"This is your new classmate" biglang nagising ang diwa ko ng marinig yun,hala kanina pa kaya ako tulala?"actually class isa sya sa mga nakakuha ng mataas na score sa leveling,and please be good to the Pink Elemental user!" literal na napa nganga ako, hanuuuu daw?Pink Elemental user?so totoo nga?!OH HEM GEEH!classmate ko ang Pink Elementalist!

Mayumi itong ngumiti at bahagya pang kumaway bago magsalita"Hi!everyone my name is Mari Lindsay please be goo--"bago pa man matapos ni Maria?-Mary? ang kanyang sasabihin ay biglang sumingit si....

"Chakabelssss"si Sheyla,hala walangya oh...pink elementalist pinagsasabihan nya ng ganyan!alam nya bang sobrang lakas nung Maria?Mary?haysss...

Sumama naman yung tingin ni Maria-Mary ayy basta!sumama yung tingin nya kay Sheyla, may tinatagong sungay si ghorl,so ano props lang yung Mayuming Ngiti nya kanina?waoh...may tinatagong kaplastikan si ate ghorl mga freniees.

"Don't interrupt me while I'm spe--"naputol nanaman ang sasabihin nito ng biglang pumalakpak yung katabi ko.

Frenieesss alam nyo na kung sino...

"Pink Elemental User?aba!iba rin...may sungay ah..."mapang-
asar na sabi ng katabi ko,hala ka! Anong ginagawa mo Freny?!

"Anong may sung--"inis na ani sana nung Maria-Mary pero agad itong naputol dahil kay....

"Oo nga no?chakabelss na nga sungaybelsss pa!HAHA" mapang-asar na sabi ni sheyla sabay tawa at nag apir pa sila ni Freny tutal nasa harap lang naman namin si sheyla kasama ang mga alipores nya.

Pero!WHAT IS THE MEANING OF THAT?!NAG APIR SILA!ANO TO NAG COLLABORATE ANG DALAWA?!

O M G!WHAT IS HAPPENING?!

Maldita+Maldita=BITCHES!

Padabog namang nag walkout yung Maria-Mary at mukhang galit na galit sheeeshh...napa tingin naman ako sa dalawang may kagagawang ng lahat pero back to normal lang ang dalawa.

Okay?????

Nangyari ba talaga ang mga nakita ko ngayon?o baka gawagawa lang ng imagination ko?

Para malaman kung totoo ba o hindi yung mga nangyari ay lumingon ako sa mga primes na naka tingin din pala sa dereksyon namin ni freny.

"Totoo yun?"walang boses kong tanong,as if on que,silang sabay sabay na tumango kaya parang tanga rin akong tumango tango.

"Totoo yun..."hindi pa maka move on kong bulong at tinignan ang katabi kong kasalukuyang nagbabasa."That was crazy" wala sa sariling ani ko ng tuluyan ng mag sink in ang lahat.

***

Midnight's P.O.V

Hindi na ako makatiis!I think I need to do this my self!kung noong nakaraang araw ay nakakasama pa naming mag lunch break si Tyra ngayon ay hindi na,ewan ko ba at kung saan pumupunta ang pink na yun sa tuwing tapos na ang klase.

Hindi naman umuuwi agad yun, pano ko nalaman?lagi akong naka masid sa balkonahe ko,sa tuwing nasa bahay kasi ito ay naka on lahat ng ilaw lalo na sa music room nito,pero ng gamit nya na ang itim na purseras na yun ay late na syang umuuwi, minsan ay oras na ng curfew ito kung umuwi.

At kadalasan ay madungis ito at puno ng sugat,ngunit ang mga iyon ay nawawala sa oras  pumasok ito sa loob ng kanyang bahay,tss akala ko nga ay namamalikmata lang ako.

I think I need to follow her,para malaman ko ang pinaggagawa ni  Pink ng mga nagdaan na gabi,at ngayon ay naglalakad ito palabas ng building ng nga classrooms at hindi papuntang Blooming Village ang lakad nito kundi sa boundary ng Academy at ng Gloomy Forest.

Ano naman kaya ang gagawin nya dyan?

Hindi na muna ako gumawa ng hakbang,inobserbahan ko nalang muna ang mga galaw nya o kung ano man ang gagawin nya.

Pero laking gulat ko ng makitang may dumating na galing sa loob ng gloomy forest,yun yung babae kanina na Pink Elemental user na kinutya nina Tyra at Sheyla.

Nagkubli ako sa dilim dahil isa naman akong dark user pero hindi ako masama okay!yun lang talaga ang kapangyarihan ko,at dahil best friend ko ang dilim ay hindi nila agad mapapansin na andito lang ako sa paligid kahit lumapit man ako.

"Melowbel!nice seeing you again!" Sarcastic na ani nung babaeng Pink Elemental user.

"Well...I don't like seeing you bimbo,ilang gabi ko ng nakikita yang pagmumukha mo at nagsasawa na ako"napa kunot ang noo ko at patuloy na nakinig.

"Hayss!Melowbel naman kasi! Bakit hindi pa kasi kita mapatay patay!"inis na sambit nung babae,anong ibigsabihin ng babaeng yun?

"Sabi ko naman kasi sayo na hindi ako magpapatalo!BOBA!" parang nanggigilaiti na sigaw ni tyra, anong nangyayari sa kanya?hindi naman sya ganyan kahit masungit sya.

"Just give me the bracelet!and let me kill you!para ako na ang mahalin at maging reyna nya!! Kaya ibigay mo na yan!!!"sigaw nung babae at dahan dahang nag babago ng anyo.

Ang light pink na buhok nito ay naging itim at ang maputing balat nito ay nilabasan ng mga itim na ugat.

Hindi sya ako tanga para hindi malamang na isa syang Huwad!
At anong pinagsasabi ng babaeng yun?Mahalin?Reyna?lalake ba ang pinag aawayan nila?!

"Sabi ko na sayong bobang ka! hinding hindi ko ibibigay to!dahil bigay to ng papa ko!at ako lang ang dapat na maging reyna wala ng iba!!"may diing sabi ni tyra at agad na sumugod at may hawak itong itim na espada,black magic?

SH!T!

"Ako lang ang magiging reyna nya!!!kaya mamatay kana Melowbel!!!"sigaw nung huwad na Pink Elemental user na may hawak na mga dagger sabay sugod.

Shit!shit!shit!bvllshit!kailangan ko silang pigilan!

Please Vote naman kayo...
nawawalan tuloy ako ng ganang mag-isip ng next scene ng istorya.

👇🏻⭐

The Long Lost Badass Princess (Blooming Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon