Chapter 51:King,Queen & Princess

10.5K 578 20
                                    

Tyra's P.O.V

"My princess please listen to mommy....please baby..."pakiusap nito at mahigpit parin ang yakap sa akin,hinarap ko ito at nang huhusga itong tinignan.

"Bakit?kailangan pa ba yun?"I know I'm being rude,pero gusto kong ipamukha sa kanya/sa kanila na wala na silang matatawag na Princess o anak.
"Hindi pa ba sapat na iniwan nyo ako?"pagak na tanong ko.

"Please...let me explain princess..."mangiyak ngiyak nitong pakiusap at hahaplusin sana ang buhok ko pero inilayo ko ang ulo ko at inalis ang kanyang pagkakayakap sa akin at tumayo.

"No,save you explanation for the bet--"hindi ko na naituloy ng magsalita si papa at alam kong sa sasabihin ni papa danie ay hindi na ako makakapalag pa.

"Listen first Dannejelle Tyra!" maawtoridad nitong utos,wala na akong nagawa at bumalik sa kinauupuan ko ng hindi manlang inaantay na makatayo ang magaling kong ina.

"Okay"pilit kong sabi at blangkong tinignan ang mag-asawa na magkatabi na ulit.
"Now speak"tila walang pakialam kong sabi,sabihin na nilang bastos ako o kung ano pa man,wala na akong pakialam sila ang dahilan ng lahat ng ito kaya hindi nila ako masisisi kung ano pa man ang iaakto ko sa harap nila.

Wag sila mag expect na anghel anghelan ako,akala ko nga kung wala ang bracelet ay mahina ako pero na realized ko na,I can manage my emotions really well,at wala na akong iba pang kailangan.

"Princess...."bulong nung Reynang.umabandona.ng.
walang.ka.muwang.muwang.na. sanggol.

Napuno ng katahimikan ang buong silid at wala manlang sinong gustong bumasag nun, tatayo na sana ako para umalis ng magsimulang mag kwento ang Hari,kaya naupo nalang ako at na kinig,why not give a chance,right?at nang nasa bahagi na ng kwento kung saan,kinailangan nila akong ilayo sa kanila para sa aking kaligtasan ay hindi ko na mapigilang mapaiyak.

Nadudurog ang puso ko,hindi dahil sa galit sa aking mga magulang kundi sa aking sarili,nagsisisi ako kung bakit ko sila hinusgahan ng ganon ganon lang,ang akala ko ay tuluyan na nila akong inabandona pero sa ikinukuwento ng Hari ay hindi nila ako kinalimutan.

Nakatakda nila akong kunin noong walong taong gulang ako pero hindi natuloy yun dahil sa nanganib na naman ang buhay ko,napuno ng hagulgol ang buong silid pagkatapos mag kwento ng Hari,ng aking Ama.

Itinakip ko ang aking dalawang palad sa aking mukha at humagulgol,naramdaman kong may biglang yumakap sa akin at ito,ito ang yakap na kay tagal ko ng inaantay,ito ang yakap na gustong gusto kong maranasan.

Ang yakap ng isang ina...

"M-mommy..."sambit ko at sinuklian ang yakap ng aking ina at humagulgol.

"O-our p-princess"sabi nito sa pagitan ng pag-iyak at hinaplos haplos nito ang aking buhok at humalik doon,naramdaman kong may isa pang matikas na braso ang yamakap sa akin.

Tumingala ako at nakita ang naluluhang mga mata,ang mata na katulad ng sakin,"D-daddy.." usal ko at humagulgol,"I-I'm s-sorry"puno ng pagsisisi kong paghingi ng tawad.

"It's not your fault princess"naka ngiting ani ng aking tunay na ama,napa ngiti ako hindi manlang nito tinago ang mga luhang dumadaloy mula sa kanyang asul na mga mata.

Ilang minuto rin kaming nag yakapan hanggang sa kumalma narin at nag simulang mag kwentuhan,may mga parte rin ng aming mga puso na napunan ang kalungkutan ng saya dahil sa muli naming pagkakasama.

Nag paalam narin si papa danie nung araw na yun,lubos akong nag papasalamat kay papa dahil sa kanyang pag-aalalaga sa akin noong mga taong nanganganib ako,ayaw ko pa sanang umalis si papa ngunit kinailangan nya dahil sa dalawang bubwit na naghihintay sa kanyang pagdating.

Namimiss ko na rin ang dalawang ampon ni papa danie...
Ang mga makukulit kong kapatid na sina samiya at saniya,kamusta na kaya ang dalawang yun?

"Princess.."agad akong napa lingon sa entrada ng balkonahe ng kwarto ko ng marinig ko ang boses ni mommy.

"Mom,dad"tawag ko ng makita sila,naka akbay si daddy kay mommy at naka ngiting naka tingin sa akin.

"Uhmm...can we ask something?" Tanong ni mommy ng naka ngiti, isang linggo narin ang nakalipas at komportable na ako dito sa palasyo.

Tumango lang ako habang nag aantay ng susunod na sasabihin ni mommy,naka ngiti parin ito ng matamis bago mag salita,"pwede mo bang alisin ang mask na yan baby?isang linggo na naming inaantay na alisin mo yan,heto nga oh nag pupustahan na kami ng daddy mo kung sino ang mas kamukha mo eh..."sabi nito at natawa naman si daddy.

Napa crossarms naman ako at taas kilay na tumingin sa kanila,
"Magkano ba pusta nyo?"tanong ko di kalaunan,kaya malakas na napa tawa ang dalawa napa kibit balikat naman ako."seryoso ako!!"sabi ko at nag papadyak ng hindi parin sila tumitigil sa pagtawa.

"Secret na muna"mapaglarong sabi ni mommy at nag taas baba naman ang kilay ni daddy.

Pabiro akong umirap na kanilang ikina tawa,dahan dahan kong tinanggal ang mask ko at napa ngisi ng tulala sina mommy at daddy.

"Ang ganda ng anak nyo HAHAHA...wala yang katulad" sabi ko at malakas na tumawa pero laking gulat ko ng biglang lumapit ang dalawa at kiniliti ako kaya halos sumalampak ako sa sahig."Hahahah...wait hahahah....taympers hahahah..." kiniliti nila ako ng kiniliti hanggang sa magmakaawa na ako kaya tumigil na sila at tawang tawa habang ako ay naka simangot at nag habol ng hininga dahil sa kakatawa.

"Ang ganda ganda ng anak natin Flare...akalain mong ganyan ang kalalabasan no?manang mana sa atin"mapagmalaking ani ni mommy,inalalayan kami ni daddy na tumayo,habang naka ngiti itong naka tingin sa amin ni mommy.

"Wala na akong maihihiling pa.." bulong ni daddy at ikinulong kami ni mommy sa yakap.
"My life's perfect with my queen and princess..."

So please hit the star⭐below👇🏻comment💬follow➕Me👧🏻

👇🏻⭐

The Long Lost Badass Princess (Blooming Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon