Chapter 70:Pakipot

10.4K 434 41
                                    

Tyra's P.O.V

"Oyy dora tabi tayo!"ani ko kay Vien pero nag kunot noo ako ng inilingan ako nito at yumakap sa bewang ni brixx.

Oo sabihin na nating gusto--m-mahal k-ko sya!
Pero hindi ibig sabihin nun na bati na kami!Aba!walang mang aagaw ngayon solong solo ko sya kaya okay lang na mag sungit,saka na ako gagawa ng bakod kapag may mga linta ng umaaligid.

"Wag ka ng maarte insan pumasok kana at umupo sa tabi ni lead para makaalis na tayo"
Tila inip na ani ni daniel na naka akbay kay gwindy.

Nangasim ang mukha ko sa mga itsura nila,pwe!!!edi kayo na may lablyp!hintayin nyo lang pagkami na ni Midnight,gaganti ako mga ang haharot!

Padabog akong pumasok at umupo sa tabi ni midnight,eh kakaibang karwahe naman kasi ito eh...parang bus lang,dalawa sa isang upuan.

"Alis na po tayo Manong.."sabi ni Zeice na syang nasa pinaka harap na upuan kasama si Purple.

Umaandar na ang karwahe..teka karwahe ba to?oh...ayy oo karwahe to minodel lang na parang bus.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pocket pants ko at ito muna ang pinagtuonan ng pansin,pero biglang bumigat ang kanang balikat ko,nang lingunin ko ito ay napa simangot ako.

"Dun ka sa bintana sumandal" naka simangot kong ani nararamdaman ko ring nag iinit ang buong mukha ko,binaliwala lang ng kupal ang sinabi ko at komportableng isinandal ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Matutulog lang ako saglit babe" a-ano raw?nanlalaki ang mga matang inilayo ko ang aking balikat kaya bahagyang na hulog ulo ng kupal.

Tinakpan ko ang aking mga pisngi gamit ang dalawang palad ko,grabe feel ko ang pula pula ko na.

Napa singhap ako ng hapitin nito ang bewang ko kaya halos magkadikit na kami--Ayy erase dikit na dikit na pala kami parang magnet.

Kailangan ko ng cooler...sobrang init ng face ko!

"Ano--"magbubunganga nanaman sana ako pero bigla ako nitong hinalikan sa pisngi kaya halos hindi na ako huminga.

I NEED COOLER!!!

"Wag ng maingay"may pa bedroom voice effect pa ito at muling sumandal sa balikat ko habang naka yakap sa bewang ko,napa simangot ako at tumingin sa mga kasama namin na natatawang naka tingin pala sa amin,bw!s!t di manlang ako sinaklolohan.

"Daniel!palit tayo"ani ko kay daniel sabay pout pero hindi ako nito pinansin imbes ay sumandal nalang ito kay gwindy,tinignan ko naman si gwindy pero nag wave lang ito,Aba!pinagtutulungan ba nila ako?

Lumingon ako kina brixx pero nag shade ito habang naka akbay sa naka sandal na si Vien,adik ba sya?mag she-shade sya sa loob ng karwahe?

Tinignan ko naman si Zeice at bumulong ng 'please' saka nag pout,"ahh..sige palit na tayo"pag payag nito kaya napa ngiti ako at tatayo na sana pero nakalimutan kong naka yakap pala sa akin si kupal na Anpa at mas lalo pang humigpit.

Naiilang ako..at ngayon ko lang nararamdaman to sa buong buhay ko.

"Zeice"rinig kong matalim na usal ni purple kaya napa tingin ako kay zeice na umiling-iling sa akin at kinindatan ako saka inakbayan si purple at di na lumingon pa.

"Wag masyadong magalaw babe.."napapikit nalang ako,sa boses nya parang may kakaiba akong naiisip na 🔞 haysss...

"Pinagtutulungan nyo talaga ako mga walang awa!lalo kana Daniel pinsan pa naman kita!mabaog ka sana panget mo!che!"iritang sabi ko at mag kro-crossarms sana pero hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa pagkakadikit ng katawan ni Anpa.

The Long Lost Badass Princess (Blooming Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon