Final Chapter

10.6K 437 18
                                    

Tyra's P.O.V

Pagabi na at heto nag lalakad parin kami,bakit naman kasi may nullifying spell pa ang gubat na to?

"Malayo pa ba?"tanong ni vien.

"Malapit na"sagot naman ni brixx sa kanya,buti pa ang dalawang to hindi masyadong showy kanina lang,di tulad nung Zeice at Daniel and haharot!

"Pagod kana ba?"napa lingon ako sa katabi ko at umiling,napa kagat labi ako habang naka tingin sa dalawang bag na dala nya,yung isa sa akin yung isa naman sa kanya.

Ang tigas din naman kasi ng ulo! Sabing ako na ang mag dadala tutal akin naman yun at hindi naman masyadong mabigat, tapos ayun ginawa nya pang excuse yung sinabi ko,"kaya nga hindi naman mabigat kaya ako na ang mag dadala" pagmamatigas nya.

"Uyy ako na mag dadala nyang bag"pang ilang ulit ko ng sabi yan kaso...

"Wag na mapapagod ka lang" yan lagi ang sagot nya walang kupas.

"Midnight..."pabulong ngunit may pagmamatigas kong usal.

"Andito na tayo"sabi nya't huminto napa tingin ako sa harapan at nakita ko ang isang kubo na pinapaligiran ng mga puting nag liliparang mga naggagandahang insekto.

"WOW"mahang usal ko ganon rin ang iba,sa dilim paligid ay na ngingibabaw parin ang mga umiilaw na insekto sa piligid na syang kay gandang pagmasdan.

"Tara na"aya ni midnight at hinawakan ang kamay ko,bigla akong naka ramdam ng kakaibang koryenteng dumadaloy sa aking buong sistema habang naka tingin sa aming mag kahawak kamay.

Napa ngiti nalang ako at marahang pinaglalaruan ang aming mag kahawak kamay,tumingin ito sa akin ng may kakaibang kislap sa mga mata na aking nginitian lamang at nag patuloy sa paglalakad ng may ngiti sa aking mga labi.

Nang makarating kami sa harap ng kubo ay nilapitan ni Brixx ang pinto at marahang kumatok,"Tao po"napa kunot noo ako sa inusal ni brixx.

"May kasama ang Enchantress dito?"tanong ko sa katabi ko.

Tumango ito bago mag salita,"Hmm...yung Pamangkin nya na isa ring enchanter"sagot nito at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

*crickkkk....*

Tumingin muli ako sa may pinto ng marinig ang tunog ng pagbukas nito at bumungad ang isang kasing edad lang namin na lalake."sino sila?"tanong nito at isa-isa kaming tinignan,ngunit ng tumingin ito sa akin ay ngumiti ito.

Bigla namang humarang sa harap ko si midnight kaya hindi ko tuloy makita yung lalake,
"Ipinadala kami rito ng headmaster Knight para ipaabot ang pagpapasalamat at pamamaalam ng academy at ng buong Dannejelle sa Old Enchantress."cold na sabi ni midnight,porblema nito?

"Ahh...sige pasok kayo at sa loob na tayo mag-uusap-usap"sabi nung lalake,maglalakad na sana ako upang sundan sina daniel papasok pero pinigilan ako ni midnight,kaya kunot noo ko itong tinignan.

"Porblema mo?"tanong ko,nag pout naman ito,alam ko namang cute sya pero ngawit na ngawit na paa ko at gusto ko ng umupo.

Mag sasalita na sana ako ng unahan ako nito,"may masusuntok talaga ako prinsesa ko"sabi nito na lalong nag pakunot ng noo ko.

"Bakit?"naguguluhan kong tanong,"bigla kang naging weird midnight"deretsong sabi ko at inalis ang pagkakahawak ng kamay nya at tumalikod na,"ngawit na paa ko pumasok na tayo sa loob"ani ko at hahakbang palang sana ng hawakan nito pulsuhan ko marahan akong hinila papunta sa kanya kaya.....

------ --

*Tugdug...*

*Tugdug...*

Nagkadikit ang aming mga labi, pumikit ito habang ako naman ay kulang nalang ay lumabas na ang mga mata ko at etong puso ko at halos hindi na makagalaw sa aking kinatatayuan.

Hindi ko alam kung gano katagal
ang halik na yun bago nya inilayo ang kanyang mga labi,tinignan ako nito deretso sa aking mga mata at nag kagat labi.

Gustong gusto ko na syang sampalin at itulak palayo sa akin ngayon pero ewan ko ba at hindi ako makagalaw habang naka titig sa kumikislap nyang mga mata.

"Prinsesa ko...Mahal kita"ani nito na nag pagising sa diwa ko.

A-ano raw?

M-mahal nya a-ako?

"P-paki ulit nga ng sinabi mo" mas bumilis ang tibok ng aking puso at parang hindi parin maka paniwala.

"Mahal na mahal kita Tyra ang nag iisang Prinsesa at Pink sa buhay ko"sabi nito at hinaplos ang aking pisngi.

Napa kagat labi ako para pigilan ang maiyak,OA sigurong pakinggan pero ganon talaga kapagdumating ang isang bagay o tao na hindi mo aakalaing darating sa buhay mo.

"I love you more my Antipatiko" usal ko at matamis na ngumiti at tumingkayad ng kaunti at dinampian ng halik ang kanyang labi ng may galak sa aking puso.

Gago naman kasing lalakeng to,sana matagal ko ng nahalikan to kung umamin na agad tsk tsk tsk.

Epilogue na susunod mga beshieesss...grabe matatapos na talaga to tapos bitin pa.
😂😭😘

#StaySafe😌
#Lovemore💕
#Smilemore😊
#Blessings😇
#NextTheEnd😭🤩

👇🏻⭐

The Long Lost Badass Princess (Blooming Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon