Chapter 57:Meet The Princess

10.5K 445 8
                                    

Third Person's P.O.V

Puno na ang Throne Room sa pagsapit ng alas otso ng gabi,masaya at hindi na makapag hintay ang mga panauhin.

Matagal ng hindi nag daraos ng kung anong kasiyahan sa kaharian kaya naman masayang dumating ang mga panauhin at matiyagang inaantay ang kanilang Hari at Reyna.

Hanggang sa marinig ang pag aanunsyo ng isang kawal na syang naka bantay sa tarangkahan.

"Papasok na ang Mahal na Haring Flare Arty at ang Mahal na Reynang Danne Madez Arty lahat ay mag sibigay galang"anunsyo ng kawal at sya namang pagbukas ng tarangkahan at doon sumilay ang naka ngiting mga Kamahalan.
Agad na nag bigay galang ang lahat maliban sa isa na nakatago sa dilim,naka ngising pinapanood ang Hari at Reyna na nakangiting tinatahak ang daan patungo sa kanilang trono,ang tronong matagal na nyang inaasam-asam.

Nang makarating ang mga kamahalan sa kanilang trono ay malapad parin ang mga ngiti nito na syang hindi inaasahan ng lahat,alam ng lahat ang kalungkot lungkot na nangyari sa Hari at Reyna kung kaya't hindi nila lubos maisip na sisilay pa muli ang napaka gandang ngiti ng mga ito.

"WELCOME LADIES AND GENTLEMAN...Ngayon ay idinadaos natin ang isang napaka espesyal na pangyayari sa buong kaharian"panimula ng Hari habang puno ng pagmamalaki itong naka tayo sa harap ng lahat."Marami man sa inyo ang nagtatanong kung anong pangyayaring iyon at malalaman nyong lahat kung ano iyon,ngayon ay mag saya tayong lahat sa muling pagbubukas ng kaharian,simulan na ang kasiyahan..."ani ng hari at pumalakpak naman ang lahat.

Maraming natuwa sa sinabi ng hari ngunit marami ring nagtatanong kung ano ang pangyayaring sinasabi ng hari upang mag bukas muli ang kaharian sa selebrasyong tulad ngayon.

Maraming nag sasayawan, nagkakamustahan at
nagbibiruan,maraming masayang kumausap sa Mahal na Hari at Reyna habang nag lilibot ang mga ito upang kamustahin ang mga panauhin na syang buong kaharian.

Hanggang sa nakarating ang mga kamahalan sa Table ng mga tiga Academy,"Headmaster Czach kamusta kana?"pagkamusta ng hari sa malapit na kaibigan, nakipag kamay pa ito.

"Heto tumatanda narin mga kamahalan"ngiting sagot ng Headmaster.

"Nako ang gwapo mo pa po kaya lolo"matamis na ngiting singit ng reyna at niyakap ang headmaster na syang sinuklian rin ng matanda.

"Naku ikaw talaga kamahalan wag po kayong maingay"ani ng matanda at tumawa pa na sinabayan ng mga kamahalan.

"Oh...lolo sila na ba ang mga Estudyante sa Academy?"tanong ng reyna na tinanguhan ng Headmaster.

Tumayo halos lahat ng mga tiga Blooming Academy at sabay sabay na nag bigay galang na nag patuwa sa mag-asawa,napa ngiti ang headmaster ng makita ang mag-asawa na naka ngiti at inisip nito na siguro ay nakikita na naman ng mga kamahalan sa mga estudyante ang nawawalang prinsesa,ngunit wala itong alam......

"Ang gaganda at ang gwagwapo nila no mahal?"naka ngiting ani ng reyna ngunit isa lang naman talaga ang nakakuha ng pansin nito.

"Oo nga.."pagsangayon ng hari at hinaplos ang buhok ng reyna at hinalikan ito sa noo.

Habang ang reyna naman ay napa ngiti nalang habang tinitignan ang binatang mukhang malalim ang iniisip na syang hindi nya sinasadyang basahin.

'Lubos na nyang minamahal ang aking prinsesa'naka ngiting naisaisip ng mahal na reyna.

"Mahal tara na at oras na..."bulong ng hari sa kanyang minamahal na reyna,nag paalam na ang mga kamahalan sa headmaster at sa mga Estudyante.

Hindi mapalis ang ngiting nasa mga labi ng Hari at Reyna habang nakatayo sa harap ng lahat,marahang pinatunog ng hari at reyna ang kopinang hawak gamit ang maliit na kutsarita.

"We would like to get your Attention everyone..."ani ng hari at patuloy sa pagpapatunog hanggang sa makuha na nito ang atensyon ng lahat,"This is the Perfect time to tell you everyone the very root of this celebration...."bahagyang huminto ang hari at nginitian ang reyna bago nag patuloy.
"We would Love to Introduce you  Ladies and Gentleman our one and only LONG LOST PRINCESS....
She's finally found and got to came back into our arms.....
PLEASE WELCOME OUR PRINCESS DANNEJELLE TYRA MADEZ ARTY...."anunsyo ng Hari na nagpagulat sa lahat.

Hindi pa man nakakabawi ang lahat sa gulat ay bumukas na ang tarangkahan at tila kumalat ang isang napaka nalakas na Aura na syang hindi inaasahan ng lahat,napuno ng katahimikan ang kabuuan ng silid habang inaantay ang pagpasok ng sinasabing prinsesa.

***

Tyra's P.O.V

Pagkabukas ng tarangkahan ay hindi muna kami deretsong pumasok ni Butler,nakakasilaw ang ilaw na nag mumula sa loob,"tara na young maiden,just relax"ani ni butler johann kaya tumango ako at humingang malalim,kinakabahan ako.

Sobrang tahimik ng paligid,nag simula akong humakbang papasok at doon ko nakita ang napakadaming tao,nag patuloy ako sa paglalakad,halos wala akong marinig na hininga ang mga hakbang lang namin ni butler johann ang halos maririnig sa buong silid.

Nag simula kong igala ang aking paningin,halos lahat sila ay nag bibigay galang may iba na nag nanakaw ng tingin at biglang matutulala,okay?alam ko namang maganda ako,what's the problem you guys?

Nahagip ng aking mga mata si Papa danie na naka ngiting naka ngiti sakin na ginantihan ko naman,buhat pa nito si sami at sani na kinakawayan ako habang si aunt dana ay tulala lang at naka 'O' ang bibig,alam ko,oo maganda ako...

Iginala ko ang aking mga mata at hindi ko halos kilala ang mga narito,tamik lang silang naka tingin o tulala sa akin,okay...ang weird nila no?

Hanggang sa malapit na ako sa harap ay napa tingin ako sa gawi na mukhang pamilyar sa akin ang mga naroroon,at ng tignan ko ng maayos,andun nga sila napa ngiti ako ng makita sina Anpa,Vien,Daniel,Brixx,Gwindy,
Purple,Ziece at yung HM na lolo ni Anpa,in fairness ang gwagwapo at ang gaganda nila ngayon,at lahat sila'y naka tingin sa akin,naka nganga pa halos...
Napa iling iling nalang ako at mahinang napa tawa ng makita si Espasol Leader na halos hindi na kumurap.

"Our Princess...."bungad nila mommy at daddy.

"Mom,Dad"ani ko at hinalikan sila sa pisngi,nilingon ko si Butler johann at nginitian ito.

"Thank you Johann..." pagpapasalamat ni daddy tinanguhan sya ni butler at nag bigay galang bago nag lakad patungo sa pwesto ng mga tagapamahala ng kaharian.

"Anak dito ka..."inalalayan ako ni daddy at pumagitna ako sa kanila ni mommy habang naka harap sa lahat.

Mukhang naka bawi na sila dahil nagagawa na nilang ngumiti,magbulungan may iba pang mukhang kinikilig at nag tutulakan.

"I want everyone of you to meet our one and only daughter Princess Dannejelle Tyra Madez Arty"ani ni mommy,sabay sabay na nag bigay galang ang lahat habang ako ay napa ngiti nalang...I feel very Welcome.

Nararamdaman kong may iba na nag dadalawang isip ngunit karamihan naman ay naniniwala at TAPAT maliban sa.......never mind,mahuhuli ko rin sya soon.

Hahayaan ko munang mag saya ang Intruder...

HI!!!Pahaba na ng pahaba ang story nato...at sure ako hahaba pa siguro mga 80 chapters?kaya nyo pa po kayang subaybayan?sana...😇

Btw...Pa thankU ko sa mga nag comment at nag message sa akin,check the multimedia👆🏻

Sa mga nag advice I love You all❤thank you talaga sa inyo at nagawa nyong pagaanin ang kalooban ko😊

Kina jatsjehson at min_shin06 thank you at para sa inyo ang chapter nato and so on😇pasensya na at di ko kayo ma-reply-an epal kasi yung pa verify verify na yan eh!pahamak😂😂di ko tuloy kayo ma thankU-han😅

#SS

👇🏻⭐

The Long Lost Badass Princess (Blooming Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon