Chapter 58:The B.A's Table

10.3K 453 3
                                    

Tyra's P.O.V

Grabe hindi talaga nauubusan ng sasabihin ang iba sa mga bisita, inaya kasi ako nina mommy at daddy na mag libot at guys... kinikilabutan ako dun sa mga may anak na lalake,nirereto ba naman sa akin...huhuhu...

May isa pa nga na nireto sa akin tapos bekla syempre nakisama ako kaya halos mapa iyak yung bekla kasi nga boy yung hanap nya Hahaha!!kung hindi lang talaga ako inawat ni mommy baka hindi na ako umalis doon Hahaha!!!

Nasa table na kami nila papa danie at walang ano man ay agad kong niyakap si Papa habang naka talikod ito,bahagya pa itong nagulat pero napa iling nalang ng makitang ako lang pala,umupo ako sa tabi ni papa at tinignan ang dalawang bubwit na kumakain habang si aunt naman ay naka yuko lang.

"Baby...maiwan ka muna namin ng daddy mo pupuntahan lang namin ang ninang Cezy mo"ani ni mommy sabay turo dun sa babaeng mukhang fairy god mother,tumango lang ako at ngumiti saka sila umalis.

"Papa bakit ang layo nyo dun sa table ng mga tiga academy?dapat nasa harap kayo"ani ko pero natawa lang si papa at ginulo ang buhok ko.

Habang si aunt dana naman ay mukhang nag lo-loading pa...
Pabiro ko itong inirapan at nakita naman iyon ni papa na napa tawa lang.

"Aunt dana...hindi mo talaga ako makilala?"tanong ko at nag crossarms,nanlaki naman ang mga mata nito at biglang nasa tabi ko na agad at mahigpit akong niyakap.

"Tyra!!!!!"tili nito,napa lingon sa gawi namin ang iba at mukhang horror na horror at lalapit na sana pero ngumiti lang ako at umiling.

Ginantihan ko ang yakap ni aunt at ng maghiwalay na kami ay mukhang hindi parin ito maka paniwala."oh...ano ang ganda ko no?"biro ko at malawak itong napa ngiti.

"Buti naman at di kana masungit!"ani ni aunt at pinitik pa ang noo ko.

"Aray"mahinang hiyaw ko at hinaplos ang noo ko ng may narinig naman akong napa singhap at nakita ko ang tukmol kong pinsan."oh...anong tinatayo tayo mo dyan?"tanong ko kay daniel,mukha naman itong nataranta at agad na yumuko.

Pigil ang tawa ko at ganon rin sina aunt dana at papa danie habang magana parin ang dalawang bubwit na kumakain.

"Pasensya na po kamahalan"ani ni daniel na nanlulumo,napa tawa na ako ng tuluyan kaya napa tingala ito ng tuluyan naring matawa ang mga katabi ko.

"Engot...ano ka ba?di mo ba ako nakikilala?"tanong ko,napa kamot ito ng noo at tinitigan ako.

Tumayo ako at niyakap ito, "daniel ako to gago!"natatawa kong bulong at bumitaw sa pagkakayakap at tinignan ang reaksyon nito.

"T-ty?"nauutal at di siguradong ani nito at tumango lang ako,walang anu man ay niyakap ako nito ng mahigpit at halos hindi na ako maka hinga.

Hanggang sa bigla nalang itong bumitaw,"ayy pasensya na hindi ko dapat ginawa yun,hindi ka pala ordinaryo,Pasensya na Mahal na prinsesa sa aking kapangahasan"ani nito at yumuko,bigla akong nalungkot sa inakto ni daniel.

"Para kang timang dyan umayos ka nga"ani ko at tinapik ang balikat nito."dan pinsan mo parin ako okay?at ano ka ba prinsesa lang ako at walang anuman ang mag babago kaya tigilan mo yan at samahan mo nalang ako dun sa table nyo may namimiss ako eh..."ani ko at nag paalam muna kina papa,aunt at dun sa dalawang bubwit na hinalikan ako sa pisngi na bahagya ko pang pinanggigilan.

"Tara na"ani ko kay daniel ngumiti ito at mukhang hindi parin ito masyadong nakaka pag adjust pero wala namang dapat i adjust eh...wala namang nag bago."insan"tawag ko kay daniel na agad akong nilingon.

Sinamaan ko ito ng tingin at alam kong nakuha nya ang pinapahiwatig ko,"eh...Prinsesa hindi ko lang lubos akalain na isang prinsesa ang pinsan ko haysss...sana hindi nalang pala kita binabatukan noon baka pugutan ako ng ulo ng hari at reyna haysss ayaw ko pang mamatay mahal na prinsesa!may girlfriend ako at papakasalan ko pa yun!"Naka simangot na ani nito agad ko itong binatukan at nginiwian.
"Prinsesa naman..."bulong nito habang hinahaplos ang ulo nito.

"Tawagin mo nga ako sa pangalan ko daniel nako!mapupugutan ka talaga ng kinabukasan kung di ka umayos"pananakot ko at dali dali itong tumango,kumapit muli ako sa braso nito at sumandal sa balikat nito,"alam mo insan di ko rin lubos maisip na magiging ganito pala buhay ko"bulong ko at mahinang natawa.

Patuloy kami sa pagkwekwentuhan at nararamdaman kong bumabalik na sa dati ang trato nya sa akin di tulad ng kanina na para ibang tao ako.

Hanggang sa makarating kami sa table ng Academy ang paaralang puno ng kabaliwan,halos lahat ng nasa table ng blooming academy ay napa hinto ng makita ako at agad na napa tayo at nag bigay galang.

"Magandang Gabi mahal na prinsesa"sabay sabay nilang bati,bumitaw ako sa pagkakakapit kay daniel at nag ka tinginan pa kami.

"Magandang gabi rin sa inyo" ani ko at ngumiti,"sige maupo na kayo at mag patuloy"ani ko at alanganin pa silang umupo pero nag pasalamat rin.

"Princess Dannejelle"tawag nung si.....kilala ko sya eh...ow..si HM..si Mr.Czach,sa pagkakaalam ko ay isa sya sa mga Ninong ko ayon kay mommy.

"Hi po"ani ko at ngumiti.

"Mahal na prinsesa tara saluhan nyo kami"ani ni Mr.Czach at pinaghila ako ng upuan na syang pinaka harap.

"Uhm...thank you po,pero HM Tyra nalang po itawag nyo sa akin"ani ko at matamis na ngumiti,ginantihan nito ang aking ngiti at tumango.

Saka ako umupo sa pinaka harap ng table ng academy,napa hinto naman ako ng makitang lahat silang taga academy ay naka tingin sa akin.

"Ang ganda ganda nya sa malapitan no?"

"Tyra...kapangalan nya si Tyra Melowbel no?"

"Kapangalan nya yung babaeng laging may mask"

"Ang ganda nya,maki selfie tayo mamaya"

"Sa table mismo natin umupo ang prinsesa dannejelle"

"Huy!Kied galaw galaw baka pumanaw"

Mga bulungan ng mga estudyante at isa dun si Espasol leader hahaha...nagagandahan rin pala sa akin.

Napa tingin ako sa gawi nina Vien at ng mga primes na ganon rin naka tingin rin sila sa akin pero agad ring nag iwas ng titigan ko sila.Naiiyak tuloy ako ng makita ang best friend ko na mukhang hindi ako makilala.

I think I should Introduce my self once again to them....

Luvlots💗

#SS

👇🏻⭐

The Long Lost Badass Princess (Blooming Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon