TIME CONFLICT| Chapter 10

3.8K 272 46
                                    



HUNYO29

NAKAUPO si Mr. Vera sa itim na sofa ng sala set. Nasa 50th na palapag ito ng isang condominium. Nakaharap sa dingding na gawa sa salamin ang sofa at tinatanaw niya ang kalayuan habang hawak-hawak ang isang champagne glass. Nagliliwanag ang mga ilaw ng mga gusali mula sa mga nagtataasan at malalayong gusali. Alas-sais na ng gabi.

Nasa center table na gawa sa salamin ang phone niya. Nag-vibrate iyon. Ipinatong niya sa center table ang champagne glass, kinuha ang phone at binasa sa isip ang pangalan ng tumatawag.

Mr. Lazaro.

Sinagot niya.

"Hello?"

"Hello, sir!"

"Kung tumawag ka na sa akin ngayon, ang ibig sabihin lang nito'y may update ka na tungkol do'n sa babaeng pinapahanap ko sa'yo."

"Opo, sir! Anak pala siya ni Mr. Segovia."

"Anak siya ni Fransisco Segovia?" pag-uulit ni Mr. Vera na may paglilinaw. Nababakas sa mga mata niya ang bahagyang pagkasorpresa.

"Yes, Sir. Hindi na nakakapagtaka kung paano niya nabili ang AG stone nang gano'n-gano'n na lang."

Napangiti dahil sa sobrang inis si Mr. Vera. "Sige. Salamat!'

Ibinaba niya ang phone niya.

"Mukhang nakatadhana na talaga sa atin, Mr. Segovia ang pagiging mortal na magkaaway sa larangan ng lahat ng bagay."

Uminom siya ng champagne at pinaikot-ikot ang laman ng champagne glass. Muli niya itong ipinatong sa center table at nag-dial ng numero sa phone niya.

"Hello!" sagot ng nasa kabilang linya.

"Mr. Plato."

"Yes, sir?"

"I have something for you to do," sabi niya at sinabi na ang kaniyang plano kay Mr. Plato.

Ang utos niya, kailangang makumbinsi ni Mr. Plato ang anak ni Franscisco Segovia na si Madeline na ibenta sa kaniya ang AG stone ano man ang halaga.


HUNYO 30

NAGBIHIS nang pormal si Mr. Plato upang makipagkita kay Madeline. Nakasuot siya ng kulay asul na amerikana, puting polo at pulang kurbata. Nasa mid-30's na siya ngunit binatang-binata ang hubog ng katawan niya. May tangkad siyang 178 cms. Matangos ang kaniyang ilong. Nakatayo ang buhok niya sa may anit. Napaka-presentable niyang tingnan. Mukha siyang makikipagkita sa isang kliyente sa trabaho.

Naghintay siya sa labas ng school gate. Uwian na kaya't makikita ang mga estudyanteng naglalakad palabas ng school gate. Ang ilan pa ay napapatingin sa kaniya dahil sa pagiging presentable ng hitsura niya. Idagdag pa na hindi maitatangging guwapo siya kahit na may edad na.

Nag-abang siya ng halos sampung minuto sa school gate. Makalipas ay nakita niya si Madeline na lumabas ng school gate.

Hinarangan niya sa paglalakad si Madeline, dahilan upang mapahinto sa paglalakad ang dalaga at nangunguwestiyon siyang tiningnan sa mga mata.

"Hello!"

Mayamaya'y napa-aray sa sakit si Mr. Plato nang may biglang humila sa braso niya at ibinaligtad patungo sa likod niya.

Time Conflict (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon