TIME CONFLICT| Chapter 12

3.2K 248 25
                                    


HULYO 5

NGAYON ang araw ng interbyu ni Psyche. Tinawagan siya ng mayora ng mansyon na si Mrs. Granger kagabi at sinabing may interbyu siya ngayon.

Kasama ni Psyche sa labas ng bahay ang lima pang aplikante. Mukha silang maga-apply sa isang kumpaniya. Napaka-formal ng mga damit nila.

Itinatak ni Psyche sa isip ang mga impormasyong inimbento nila nina Red at Jacob. Kailangang niyang isaulo ang lahat ng iyon nang sa gano'n ay hindi mapansin ng mayora na may mali sa mga detalyeng inilagay niya sa kaniyang resume.

Matapos ang dalawang oras nang paghihintay ay pinapasok na ang limang aplikante sa loob ng mansyon. Pinaupo sila sa salas at nakatayo naman si Mrs. Granger na noo'y isa-isang inobserbahan ang mga aplikante. Matapang ang mga tinging ibinibigay niya sa lahat. May halo itong pananakot.

Umupo nang maayos ang mga aplikante. Lahat ay kabado maliban kay Psyche na taas-noo at nakaupo nang matuwid—Pati ang isa pang aplikante na si Hana. Mukha itong Hapon. May singkit itong mga mata, makinis at puting balat, manipis na labi na kulay pink, at medyo may katangkaran.

Nakatayo lamang si Mrs. Granger, nagpapaikot-ikot sa harap ng mga aplikante habang magkahawak ang mga kamay sa likod.

"Akin na ang resume ninyo!" utos niya. "Ikaw sa kaliwa, kolektahin mo ang mga resume nila at i-abot sa akin," sabi nito kay Psyche dahil siya ang nasa dulo sa kaliwa. Nakangiting sinunod ito ni Psyche. Isa-isa niyang kinuha ang mga resume at inabot kay Mrs. Granger.

Isa-isang pinagmasdan ni Mrs. Granger ang resume. Lahat ng detalye ay tinitingnan niya. Mula sa typos, capitalization, punctuations, formality, at pagkakagawa. Ni hindi na niya tiningnan ang content ng resume at itinuon niya ang atensyon sa mga nabanggit. Tila may detector ang mga mata niya at mabilis niyang namataan ang mga bagay na hindi kaakit-akit sa paningin niya.

Matapos ay ibinalik niya ang dalawang resume sa dalawang aplikante. "Puwede na kayong umalis."

"Huh? Ba-bakit naman po?" protesta ng isa.

"Oo nga, ni hindi pa nga kayo nagtatanong, eh."

"Ay weh? Gano'n ba? Kung gano'n, sinong favorite singer mo?" May tinging katulad ng sa tigre ang mga mata ni Mrs. Granger.

Kumunot ang noo ng babae at mabilis na hinablot ang resume kay Mrs. Granger. Sinamaan niya ng tingin si Mrs. Granger at saka umalis. Umalis na rin ang isa pa at sinamaan din ng tingin si Mrs. Granger.

"Okay, ngayong tatlo na lang kayong natitira—"

Nagtaas ng kamay si Psyche. "Puwede ko po bang malaman kung bakit nag-fail iyong dalawa?"

"Hindi ko gusto ang resume nila. May mga typos at may mali-maling punctuations."

Nagtaas ulit ng kamay si Psyche. "Anong kinalaman no'n sa nature ng trabaho namin? Hindi naman namin inaplayan ang pagiging writer o editor?"

"Isa pang tanong at bukas ang pinto para sa 'yo."

Nanahimik si Psyche. Hindi niya inasahang ganito ka-istrikta ang mayora.

"Okay, simulan na natin ang pagtatanong." Muli niyang pinagmasdan isa-isa ang mga resume. At pagkatapos ay inamoy isa-isa ang mga aplikante. Matapos ay inabot niya ang isang resume sa isa pang aplikante.

"Puwede ka nang umalis."

Nanlaki ang mga mata ng babae at tinanggap pabalik ang resume. "Ba-bakit po?"

Time Conflict (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon