R E D
HULYO 17
"HELLO, Claire," sabi ko sa walkie-talkie. Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Madeline. Katabi ko siya sa backseat.
Nagkaroon muna ng crack na tunog saka sumagot si Claire.
"Anong nangyari diyan? Tagumpay ninyo bang nakuha ang AG stone?"
"Ah... parang gano'n na nga," sabi ko na lang.
Inagaw sa akin ni Madeline ang walkie-talkie at inilapit sa bibig nito.
"Ako 'to si Madeline. Alam kong alam mo kung sino ako. I will give him the AG stone in one condition, gusto kong gamitin ang time machine na inimbento mo," pagdideretsa niya. Walang paligoy-ligoy.
Marahil ay nagtataka ngayon si Claire kung bakit ko kasama si Madeline. Hindi nga lang niya alam kung paano magtatanong.
"Ipangako mo sa akin iyan dahil kung hindi, ako mismo ang papatay sa mga kasamahan mong 'to, naiintindihan mo?" saad ni Madeline at pagkatapos ay isinuksok sa baga ko ang walkie-talkie. Kinuha ko naman iyon at itinapat sa bibig ko.
"Hello, ako na 'to ulit."
"Anong nangyari?"
"Unfortunately, nahuli niya kami. Pero nang ipaliwanag ko sa kaniya ang usage ng AG stone, pumayag siyang ibigay ito sa akin."
"Ah... kung gano'n' gano'n lang pala kasimple ang buhay, sana sinabi mo na lang sa kaniya iyon sa umpisa pa lang," komento niya. Tila nakahinga rin siya nang maluwag dahil tapos na ang problema namin sa AG stone.
"I agree. Hindi ko rin alam na gano'n pala siya kadaling kausap."
"Anyway, ano ng ginagawa mo ngayon diyan?"
"Papunta na ako sa mansyon nina Madeline. Kukuhain ko na sa kaniya ang AG stone."
"Okay. Sasabihin ko sa 'yo kung paano ili-liquify ang AG stone na siyang gagamitin para gumana ang time machine, okay? It will take about seven days at kailangan nating mapangalagaan iyon. Baka mahuli tayo nina Mr. Vera, kilala mo siya, marami siyang mata't tainga sa paligid."
"Okay, mag-iingat ako. Kumusta na ang paghahanap mo sa mga kaibigan mo, are they okay now?"
Dama ko ang pagkadismaya nang matahimik siya ng tatlong segundo. "Unfortunately, tama nga ang hinala mo. Kinidnap nga ang mga kasama ko."
"Wala naman bang malalang nangyari sa kanila?"
"Inutusan ni Mr. Vera ang isa sa mga kasamahan ko na gumawa ng time machine. Ang kemikal na lang ang kulang—at iyon ang dahilan kung bakit nila kinukuha kay Madeline ang AG stone."
Naintindihan ko na ngayon. Unti-unti ko na nang napagtatagpi-tagpi ang mga senaryo.
"Anong plano mo ngayon? Paano natin sila maliligtas?"
"Na-natin?" paniniguro niya na tila hindi makapaniwala, at the same time ay lubhang natutuwa.
"Oo. Since we're already here, gusto kong tumulong."
"Kung gano'n maraming salamat! Hindi sapat ang mga salita para ma-express kung gaano ako ka-grateful na nariyan ka!"
"No problem."
BINABASA MO ANG
Time Conflict (Wattys 2020 Winner)
Science FictionAng akala ng siyentistang si Claire ay matutupad na ang pangarap niyang magawaran ng Nobel Prize bilang kauna-unahang taong naka-imbento ng time machine. Ngunit ang inakala niyang magbibigay ng parangal sa kaniya ay siya palang magbibigay ng bangung...