AGOSTO 1| 2:47 A.M.| JUSTY'S ROOM
NASA underground basement si Justy at pinagmamasdan ang screen sa kaniyang computer monitor. Isa iyong surveillance camera na nakapuwesto sa harap ng school. Hinak iyon ni Justy kung kaya't nakikita nilang dalawa ni Madeline sa monitor ng kaniyang computer ang kasalukuyang nakikita sa CCTV.
Sa screen, nakikita ang isang kotse na nakabantay sa labas ng school. Hindi kita ang loob ng kotse kaya't walang ideya sina Justy at Madeline kung ilang tao ang naroroon. Hindi rin nila alam kung gising ba ang mga ito at ginagawa nang maayos ang mga trabaho o tulog pa.
Sa tabi ni Justy, nakaupo si Madeline.
"Mabuti na lang pala't nagbaon ako ng back-up plan in case man na maging careful si Mr. Vera," sabi ni Madeline sa sarili.
Sumubo ng sitsirya si Justy. Napakalutong no'n kung kaya't sinamaan siya ng tingin ni Madeline.
"Huwag ka ngang ngumuya nang ganiyan! Naiinis ako!"
"Teka, wala kang karapatang magreklamo dahil lungga ko 'to!"
"Tingin mo ba, after nito, hahayaan ko lang na manatili 'tong ang illegal na business mo na 'to? Ire-report kita sa pulisya."
Nag-smirk si Justy. "Tsk, alam na alam mo talaga kung ano ang kahinaan ng ka-argumento mo. Kung basagin ko ang bungo mo ngayon, tingin mo ba makakapagsumbong ka pa sa pulisya?"
"Tingin mo ba makakalabas ka ng buhay rito after mong basagin ang bungo ko? Nasa computer shop ang bodyguard ko."
"Hindi ako takot mamatay. Tutal, maaga rin naman talaga akong mamamatay dahil sa habit ko."
Sinamaan ng tingin ni Madeline si Justy. Wala na siyang alam na puwedeng pambawi sa binata.
"Huwag ka ngang magsalita," sabi na lang ni Madeline at pagkatapos ay nag-dial ng phone. Nakailang dial muna siya saka may sumagot.
"Hello?" sabi sa kabilang linya. Si JC. Nababakas sa boses nito na kagigising lang niya.
"Maga-alas tres na. Maghanda ka na."
"Nakahanda na ba ang SUV na susundo sa akin sa may gate?"
"Oo. Nakahanda na. I-exercise mo na ang katawan mo dahil baka kailanganin mong tumakbo mamaya."
"Ah, sige. Mabuti na lang at nagdala ako ng baon dito."
"Eksaktong alas-tres ng madaling araw, kailangan nasa may gate ka na."
"Okay, madame!"
Ibinaba na ni Madeline ang phone niya. At nag-dial na naman siya ng panibagong numero. Limang segundo lang ay may sumagot na kaagad.
"Hello?"
"Mr. Khel. Nasaan ka na?"
"Narito sa convenience store. Nagkakape."
"Okay."
"Wala na tayong problema. Oras na lang ang hinihintay ko."
"Good," sabi ni Madeline at pinatay na ang phone.
3:00 A.M.| LIMBON HIGH SCHOOL
SUOT-SUOT ni JC ang backpack niya kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Nakasuot din siya ng face mask at sumbrero. Naglalakad na siya ngayon pababa sa hagdan. Nang marating niya ang main entrance ng school building ay tinanaw muna niya ang paligid kung may tao ba. Nang makumpirmang wala ay doon na niya ipinagpatuloy ang paglalakad.
BINABASA MO ANG
Time Conflict (Wattys 2020 Winner)
Science FictionAng akala ng siyentistang si Claire ay matutupad na ang pangarap niyang magawaran ng Nobel Prize bilang kauna-unahang taong naka-imbento ng time machine. Ngunit ang inakala niyang magbibigay ng parangal sa kaniya ay siya palang magbibigay ng bangung...