R E D
JUSTY'S PLACE
HULYO 16| 8:00 A.M.
NASA basement ako at pinagmamasdan ang laptop. Nasa tabi ko si Justy na naglalaro ng online games habang kumakain ng sitsirya.
Mamayang tanghali ilalabas ni Madeline ang AG stone at pinaghahandaan na namin kung paano namin ie-execute ang plano.
"Ngayon ninyo na nanakawin ang bato?" tanong ni Justy habang ngumunguya pa. Nakatingin siya sa kompyuter niya.
"Oo."
"Kung gano'n, ano'ng plano ninyo?"
Nakatingin ako sa Cam 5 kung saan nakatutok ang camera sa kuwarto ni Madeline. Natutulog pa roon si Madeline. At base kay Psyche ay hindi puwedeng pumasok sa loob ng kuwarto ang kahit na sino kung wala ang pahintulot nito. Maliban na lang sa oras ng paglilinis na naka-fix na ang schedule. Weekdays, every 8:00-9:00 A.M. At wala namang schedule every weekend. Nangangahulugan ito na pinagbabawalan ang kahit na sino na pumasok sa kwarto nito ngayong araw.
"I don't want to say my plan, it may end up failing."
"Good. Well, good luck. Just make sure na walang masamang mangyayari kay Psyche, okay?"
"Hello! Hello!" sabi ko. Gusto kong kumonekta kay Psyche. Idiniin ko rin ang earpiece sa tainga ko.
"Hello!" sagot ni Psyche.
"Ano na ang lagay mo diyan?"
"Nasa restroom ako. Hinihinaan ko lang ang boses ko."
"Nasaan si Hana?"
"She's still in her room."
"Ano'ng ginagawa niya?"
"Aba, malay ko. She must be awake by now."
"Naisaulo mo naman iyong plano natin, 'di ba? Kailangan mong itago sa backpack mo ang AG stone, at huwag kang magpapahuli sa kaniya, naiintindihan mo?"
"Copy," sabi niya. "Pero paano ko naman siya mapapalabas sa kuwarto niya, kailangan ko pang hintaying mag-lunch?"
"Mayroon ba siyang sariling restroom?"
"Yes, she has."
"Okay, mapapa-narrow down no'n ang possibility na lumabas siya ng kuwarto niya." Nag-isip ako. "Sa pagkakaalam ko, one o 'clock ang rendezvous nila. Wala lang akong ideya kung anong oras siya aalis ng bahay pero siguradong kakain siya diyan ng lunch."
"Lunch?"
"Oo. Kuhain mo ang pagkakataong iyon para kuhain ang AG stone."
"Copy; Pa'no ako makakalabas ng bahay? Magiging kahina-hinala ako sa mga guwardiya."
"Kinausap ko na si Jacob tungkol diyan."
"Jacob! Hello! Hello!" sabi ko sa pagbabakasakaling nasa kabilang linya na si Jacob
"Yes?"
"Just stay in line," sagot ko sa kaniya. "Nasaan ka na?"
"On the way na."
Binalikan ko si Psyche. "Psyche, ilang guwardiya usually ang mayroon sa guard booth?"
"Tatlo. Pero mamayang lunch, magiging dalawa na lang dahil may thirty-minute-break ang mga guwardiya starting from eleven-thirty."
BINABASA MO ANG
Time Conflict (Wattys 2020 Winner)
Science FictionAng akala ng siyentistang si Claire ay matutupad na ang pangarap niyang magawaran ng Nobel Prize bilang kauna-unahang taong naka-imbento ng time machine. Ngunit ang inakala niyang magbibigay ng parangal sa kaniya ay siya palang magbibigay ng bangung...