TIME CONFLICT| Chapter 17

2.5K 221 9
                                    


R E D

JULY 16

"JUSTY! Pahiram ako ng bisikleta mo!" Punong-puno ng tensyon ang mukha ko. At maging si Justy na napatayo pa dahil sa sobrang nerbyos.

"Sure! Iligtas mo si Psyche!"

"I will do my best," sabi ko at lumabas na. Kinuha ko sa parking area ang bisikleta ni Justy at minadali iyong pinedal.

"Hello, Jacob!?"

"Oh, Red?"

"Nahuli nila tayo, Jacob. Nasa panganib ang buhay ni Psyche ngayon!"

"Ano? Te-teka, paano nangyari iyon?" taranta niyang tanong. Hindi siya makapaniwala.

"Hindi ko alam kung paano. Pero all this time, alam na pala nila ang tungkol sa plano natin. Hindi lang natin napansin, maging ng kay nila Hana."

"Wait sinong nila? Sila Madeline?"

"Oo!"

"What the! Kung gano'n, ano ng gagawin natin ngayon?" Ramdam ko sa presensiya ng pananalita niya ang pagiging tensyonado at kabado.

"Pupunta na ako diyan. Sa ngayon, pigilan mo siyang makaalis—"

"Teka—may kotseng palabas ng gate," sabi ni Jacob.

Pagkatapos ng ilang segundo ay nakarinig ulit ako sa kaniya.

"Sakay no'ng bagong labas na kotse si Madeline, at dala niya ang AG stone."

"Habulin mo siya. Sabihin mo ang plano nina Mr. Vera. Walang garantiyang maniniwala siya pero siguradong magdadalawang-isip siya."

"Hahabulin ko lang si Madeline."


J A C O B

HINABOL ko ang kotse ni Madeline.

"Madeline! Madeline!" tawag ko habang tumatakbo.

Binilisan ko ang pagtakbo ngunit binilisan din ng kotse ang pagpapatakbo hanggang sa tuluyan na akong napag-iwanan.

Narating namin ang bungad ng mahabang kalsada na pag-aari pa rin ng residence area nina Madeline. Naroroon ang kotse ko. Naroon din ang driver ko na kanina pa ako hinihintay. Pumasok ako roon at sumakay.

"Kuya, habulin ninyo ang kotseng iyon!" tensyonado kong utos na mabilis namang sinunod ni kuya.

"Anong mayroon, sir? Bakit ninyo hinahabol ang kotseng iyon?"

"May gusto lang akong kuhain mula sa kanila."

"Gusto ninyo bang businahan ko sila?"

"Sige, kuya. That would be better."

Bumisina si kuya ng maraming beses.

Nasa sampung metro ang layo namin sa kotse ni Madeline. Marami ang kotseng nasa kaliwa't kanan.

Ayaw kaming pakinggan nina Madeline. Alam kong alam nilang sinusundan namin sila. Sadyang ayaw lang nila kaming bigyan ng pansin.

May pulang kotse sa harap namin. Bumusina si kuya upang mapatabi iyon at tumabi naman. Nilagpasan namin ito. Ginawa pa namin iyon ng ilang beses hanggang sa pumantay na kami sa kotse nina Madeline.

Time Conflict (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon