HUNYO 19
Originally, ganito ang nangyari: two days ago, dinukot ang mga kaibigan ko. Gustong makuha ng Mafia ang time machine mula sa akin. Nang araw ding iyan, nag-time travel ako patungo sa June 16 para pigilan ang pangyayaring iyon. Naging tagumpay naman ito dahil mukhang nakalayo na sila at nakapagtago na nang maayos. Unfortunately, naubusan ng chemicals ang time machine, dahilan para ma-trap ako sa past," pagbubuod ko sa mga nangyari.
"Okay, it sounds like we are in a movie," kalmado niyang komento na para bang hindi kagulat-gulat ang pahayag ko. Ni hindi man lang siya nagulat o nasorpresa. Siguro'y dahil hindi naman siya naniniwala sa akin sa umpisa pa lang. At hindi ko siya masisisi kung ganoon nga ang iniisip niya.
"As I said, alam kong hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi ko, pero aasa ako na maniniwala ka sa akin."
"Okay. Are you really that sure na hindi na-kidnap ang mga kaibigan mo? It doesn't make sense na hindi sila nag-online for days para lang magtago. Hindi naman siguro iha-hack ng National Security ng Pilipinas ang mga phone nila kapag nag-online sila. Unless alam nilang gano'n ka-powerful ang Mafia."
May punto ang sinabi niya. Halos araw-araw ay nag-uusap kami sa group chat. Lalo pa't ngayong kritikal ang sitwasyon namin, kailangan namin ng komunikasyon. Pero kung nadukot nga sila, kailangan nila akong makausap for ransom. Wala pa akong natatanggap na tawag mula sa kanila. Itong phone na nakapatong sa bedside table ay hindi ko pag-aari kung hindi pag-aari ng Claire na nawawala.
"Hindi ko pa sigurado ang bagay na iyon. Pero puwede bang habang hindi pa sila nagre-reply sa chat mo, tulungan mo ako?"
"Tsk," he muttered. Naiinis na siya. "What favor?"
"Pumunta ka sa condo unit ko. Hindi mo ako makikita rito dahil invisible ako. Pero narito lang ako. Gusto kong buksan mo ang time machine para sa akin."
"Sure. Address?"
Ikinatuwa ko ang sinabi niya.
"Naniniwala ka sa akin?"
"Interesting ang kuwento mo. Gusto ko iyong paniwalaan kaya gusto kong ako mismo ang magpatunay no'n." Salamat at maayos siya kung mag-isip!
"Salamat kung gano'n!"
Sinabi ko sa kaniya ang address ng condo unit ko. Maging ang passcode nang sa ganoon ay makapasok siya. Naghintay ako ng ilang oras.
"Narito na ako," sabi niya.
Hinanap ko siya sa buong kuwarto ngunit hindi ko siya makita. "Sigurado ka bang tamang kuwarto ang pinasok mo? Hindi kita makita."
"Here we go again. Nasa Epic Condo ako. Twentieth floor. Room 120. Nakapasok na nga ako dahil sa password na ibinigay mo."
Hindi naman kaya isa rin siyang ghost na katulad ko kaya hindi ko siya nakikita?
"Teka lang? Katulad mo rin ba ako? Hindi ka rin ba nakikita ng mga tao?"
"Of course not. I am a hundred percent human."
"Okay, I don't know what's going on. Pero may makikita kang time machine sa ilalim ng kama," sabi ko.
"Anong hitsura ng time machine na sinasabi mo?"
Sinabi ko sa kaniya ang hitsura ng time machine. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay siya na ang makatutulong sa akin.
"Okay, nakita ko na. Paano 'to paandarin?"
"Isandal mo siya sa dingding."
"Okay, wait—done. What's next?"
"Pindutin mo ang on button. May makikita kang test tube diyan na may lamang liquid. Isaksak mo iyon sa isang slot diyan at may lalabas na portal sa taas ng time machine.
BINABASA MO ANG
Time Conflict (Wattys 2020 Winner)
Ciencia FicciónAng akala ng siyentistang si Claire ay matutupad na ang pangarap niyang magawaran ng Nobel Prize bilang kauna-unahang taong naka-imbento ng time machine. Ngunit ang inakala niyang magbibigay ng parangal sa kaniya ay siya palang magbibigay ng bangung...