"Ano iyang hinahawakan mo?" tanong ng isang batang lalaki.
Matangkad siya at halatang mas matanda pa sa akin. Kasama niya ang isang babaeng may edad na rin. Siguro ay yaya niya ang babaeng ito. Halata sa mukha ang takot na baka ano ang mangyari sa batang inaalagaan niya.
"Saranggola." sagot ko.
Tinaasan ko ang sinulid na nasa mga kamay ko. Saka hinayaan ang saraggolang lumipad. Inangat ko ang tingin ko sa saranggola upang tingnan ang kanyang pwesto sa itaas. Nang makita kong maayos naman ay agad kong sinimulang tumakbo para madala ang saranggola ng mga hangin.
Ang saya tingnan ng saranggola. Malaya siyang nakakalipad. Gusto ko tuloy gumaya sa saranggola. I want to fly high like the kite. I want to experience something na bago sa akin. I want to go somewhere. I want to explore.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo ng napansin ko ang batang lalaking nakatingala sa langit habang tinitingnan ang saranggola. Lumapit ako sa kanya, kaya agad naman niyang nakuha ang presensya ko.
"Gusto mong subukan?" tanong ko.
Tumango siya sa akin at kinuha ang kahoy na kanina ko pa hinahawakan. Doon nakatali ang sinulid na nagsisilbing control ng saranggola para lumipad. Bumaba ang saranggola dahil sa ginawa niya. Hindi siya marunong humawak ng saranggola. Hindi niya binabalanse ito sa hangin, kaya agad itong nalalaglag sa lupa.
Ilang beses niyang sinubukan pero hindi niya parin nakukuha ang pagbabalanse nito. Hindi niya napapalipad ang saranggola kaya inis siyang humarap sa akin.
"Your kite is stupid!" sabay tapon niya sa saranggola patungo sa akin.
Nagulat naman ako sa ginawa niya. Nagalit ba siya sa akin dahil hindi niya napapalipad ang saranggola? O nagalit siya sa akin dahil napapahiya siya?
"Hindi stupid ang saranggola ko. Ikaw 'yong stupid dahil hindi ka marunong magpalipad." naiinis kong sabi sa kanya.
"Teach me how to do it." utos niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin at pinalipad ko nalang ang saranggola ko. Kung naiinis siya dahil hindi siya marunong huwag niya sa akin ibuntong. Sunod ng sunod sa akin ang lalaki. Halata sa mukha niyang nakokonsensya siya.
"I'm sorry. Can you please teach me how to do it?" pagmamakaawa niya.
Bumuntong ako ng hininga saka tumingin sa kanya. Hinayaan kong makarating ang saranggola patungong lupa. Dahil naaawa ako sa kanya.
"Sege." sabi ko.
Binigay ko ulit ang saranggola sa kanya saka ko siya tinulungan humanap ng hangin para mabalanse niya ang saranggola. Nang maramdaman ko ang lakas ng hangin malapit sa banda namin ay agad kong itinapon ang saranggola patungong ere saka ko siya pinatakbo.
Tumakbo naman siya at hindi naman siya nadismaya dahil lumipad naman ang saranggola. Nakita ko ang kasiyahan niya sa mukha. Sobrang tuwa niyang napalipad niya ang saranggola. Ngumiti naman ako dahil may naturuan ako. Ang saya lang ng maibahagi mo ang natutunan mo sa iba.
"Luhan!" sigaw ng isa pang batang lalaki.
Hindi ko masyadong nasisilayan ang kanyang mukha dahil nakatagilid siya sa akin. Siguro ay kapatid niya iyon.
"Bakit?"
"Tawag ka ni daddy!" sigaw ulit ng batang lalaki.
Agad naman siyang nagtungo sa kinaroroonan ko saka binigay ang saranggola sa akin. Tinanggap ko naman iyon saka siya binalingan ng tingin.
"Thank you!" sabi niya.
Tumango na lamang ako saka nagbabye sa kanya. Tiningnan ko ang likuran nilang dalawang unti-unting nawawala sa aking paningin.
"Tulala ka na naman!" sigaw sa akin ni Seri.
"May naalala lang ako." sabi ko.
"At sino naman? Yung batang nakalaro mo noon sa dalampasigan?" tanong niya sa akin.
Nasa bahay kaming dalawa. Kahit gabi na bumibisita pa rin dito, baka nga hinahanap na siya ng nanay niya. Naalala ko lang naman ang unang lalaking nagpapatibok ng puso ko.
"Tulog na ako! Goodnight, Seri." paalam ko sa kanya. Nasa sala kasi kami at gusto ko ng matulog dahil kanina pa ako inaantok.
"Teka lang, ligaya. Hindi pa tayo tapos magterang." sabi niya.
"Bukas ulit."
"Magbibinta ka diba? Ngayon na tayong magterang." pagmamakaawa niya.
"Ewan ko sayo. Kailan ulit natin bibisitahin si Lolo?" tanong ko.
"Pagkatapos mong magbinta ng mga kakanin." sabi niya.
"Sege, goodnight." paalam ko saka pumasok sa kwarto.
Rinig kong pinapauwi na siya ni Amang at Inang. Nagpaalam siya at umuwi na. Humiga na ako sa kama at pinatay ang ilaw.
---
Ang storyang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Lahat ng ito ay walang katotohanan.This story is unedited, so expect typo graphical errors, grammatical errors, wrong spellings and more errors. I'am not a professional Author, don't expect too much. Remember, too much expectation can kill you. If you're not willing to read this story, then, you're free to leave.
YOU ARE READING
Fly High, Kat (TJOAP Series #1)
RomanceThe Journey of a Probinsyana Series #1 Introducing Katrilia Rico also known as Ligaya. Ang babaeng gustong lumipad para maging malaya. She wanted to fly high like a kite. But little did she know, that kites also has a string to keep them from freedo...