Kabanata 19
Darling
Maaga akong gumising habang sinasalubong ang sinag ng araw na nanggagaling sa labas ng bintana. Pagkabangon ko ay nakita ko si Seri na lumabas galing sa banyo. Tapos na siyang maligo habang ako ay kagigising pa lamang.
It's sunday that's why i wake up late. Wala kasi kaming trabaho tuwing sunday kaya medyo nakakarelax kami sa ganitong araw. Gagawa ako ngayon ng kakanin para kina Lolo at Lola. S'yempre kasama na rin sina Nanay flora at ibang kasambahay.
Nagtoothbrush lang ako saka bumaba. Mamaya na ako maligo dahil marami akong gagawin ngayon araw. Kailangan kong tumulong sa paglilinis at iba pa. Gusto ko rin tumulong sa pagdedesinyo ng mga bulaklak. Pagkababa ko ay agad kong kinuha ang ingredients ng kakanin na lulutuin ko.
Bumungad sa akin si Pumela na masayang nagtitimpla ng kape. Binigyan naman niya ako ng kape kaya tinanggap ko naman iyon. May pagkain na sa hapag kaya hindi na ako nagluto ng pagkain pang-breakfast. Sinimulan ko na ang pagluluto ng kakanin.
"Kumain na ba kayo?" tanong ni Lolo.
"Hindi pa po." sagot ni Pum.
Lumapit sa akin si Lolo habang tinitingnan ang ginagawa ko. Ngumisi naman siya dahil parang alam na niya ang ginagawa ko.
"Parang gusto ko ata ang niluluto mo, Ligaya." wika ni Lolo.
"Namimiss ko na po kasi ang kakanin." sabi ko.
"Sege, maghihintay ako diyan sa kakanin mo." sabi ni Lolo saka nagtungo sa sala.
Sinaing ko ang malagkit na bigas habang inilabas ang brown sugar at peanut. Hinintay ko naman ang coconut milk na ginawa ni Lea. Gusto kong lagyan ng peanut ang kakanin na lulutuin ko dahil nakadagdag sarap pag mayroong mani. Special kasi ang kakanin na 'to sa'kin.
Napag-isipan ko kagabi na baka pinili lamang ni Luhence na makalapit sa'kin dahil gusto niyang pagselosin si Nathalie. Kagaya no'ng sa pagbisita ni Tita Candi sa bahay ni Lolo. Hinalikan niya lang ako dahil nandoon si Nathalie. Kung nakalimutan na niya si Nathalie bakit magkasama sila sa araw na 'yon.
Si Luhence ay para lang kay Nathalie. Baka nga tama ang sinabi ni Carla na may gusto sa akin si Luhence. Pero hindi kagaya sa pagkagusto niya kay Nathalie. Alam kong hindi niya pa nakakalimutan si Nathalie dahil siya ang first love ni Luhence.
Pagkatapos ng ilang minuto ay hinalo ko na lahat ng sangkap sa kakanin. Coconut milk, brown sugar, peanut saka ko nilagay ang malagkit na bigas at buong lakas na hinalo 'yon lahat.
"Nakakatakam ang luto mo Miss Ligaya." sabi ni Lea. Kaedad ko lang si Lea pero nirerespeto niya ako gaya nina Lolo at Lola.
"Huwag mo na kasi akong tawaging Miss. Ligaya nalang!" sabi ko.
"E? Baka magalit si Don Rufino." sabi niya.
"Pag nandyan si Lolo saka mo lang ako tawagin Miss. Pero pag wala? Ligaya nalang." sabi ko.
"Talaga? Mis---- Ligaya?" natatawa ako sa kanya.
"Sege! Haloin mo." utos ko sa kanya. Hinalo naman niya ang kakanin.
Ilang minuto sa paghahalo ay hinayaan ko muna ng ilang minuto bago nilagay sa lagayan saka nilagyan ng topings na mani. Kumuha ako ng ilang piraso saka nilagay sa isang platito.
"Lea, tawagin mo na ang ibang kasambahay at ipatikim mo na ang bagong lutong kakanin." sabi ko.
"Sege, Ligaya." sabi niya saka tinawag ang mga kasama.
Tumungo ako sa sala at hinatid ang kakanin kina Lolo at Lola. Agad ko naman silang nakita na busy sa pagbabasa ng ilang article.
"Kakanin po, Lola." abot ko sa kakanin.
YOU ARE READING
Fly High, Kat (TJOAP Series #1)
RomanceThe Journey of a Probinsyana Series #1 Introducing Katrilia Rico also known as Ligaya. Ang babaeng gustong lumipad para maging malaya. She wanted to fly high like a kite. But little did she know, that kites also has a string to keep them from freedo...