Kabanata 13

50 4 0
                                    

Kabanata 13

Unexpected

Maaga akong gumising upang ipagluto ng breakfast sina Lolo at Lola. Gusto ko silang pagsilbihan. Kung may bakante akong oras sa trabaho gusto ko silang paglutuan ng kakanin. Para naman hindi nila masyadong mamimiss ang buhay sa probinsya.

Nagluto ako ngayon ng egg omelette, fried rice, adobo, chop suey. Pababa naman sina Seri at Pumela na nakabihis na. Habang hinihintay pa namin sina Lolo at Lola. Ang iba namang kasambahay ay nagsimula ng maglinis habang ang naassign sa kusina ay tinutulungan naman akong maghain ng pagkain at maghanda sa mesa.

Maagang tumawag sina Inay dahil may pupuntahan daw sila sa kabilang nayon upang bisitahin ang kaibigan nina Amang na pumanaw na. Namatay siya sa sakit sa puso, hindi siguro naagapan ng maaga kaya pagdating sa hospital ay patay na.

"Ang bango naman!" salubong ni Seri.

Kinuha naman niya ang ibang kubyertos na dinala ng kasambahay at tinulungan niya itong maghanda sa mesa. Nilagay ko na sa lalagyan ang fried rice na niluto ko. Habang hinihintay ko pang maluto ang adobo.

"Sempre! Magaling 'to eh!" sabi ko sabay turo sa sarili.

"Nakakatakam naman." wika rin ni Pumela.

"Gisingin mo na si Lolo at Lola dahil malapit ng maluto ang adobo." wika ko.

"Sege." paalam ni Pum.

Pagkatapos naming ihanda ang hapagkainan ay bumaba na sina Lolo at Lola. Binati nila kami ng 'magandang umaga' bago umupo sa upuan. Pinagtimpla ko rin ng kape si Lolo habang tsaa naman ang ginawa ko kay Lola.

"Hindi ba kayo malalate?" tanong ni Lolo.

"Hindi po, Lolo." sagot ko naman.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasan isipin ang huling mensahe ni Luhence sa akin kagabi. Nasisiguro kong spanish talaga ang lengwahe na 'yun hindi ko nga lang alam kung ano ang ibig sabihin.

"Masarap ka talagang magluto, Ligaya." puri ni Lola sa luto ko.

"Salamat po." sagot ko naman.

"Hindi ba nakakapagod ang trabaho niyo?" tanong ni Lolo.

Umiling ako "Hindi po."

"Ayos naman po." si Seri.

"Okay lang po." si Pum.

Pinatuloy na namin ang pagkain namin. Nang matapos na ako ay agad kong niligpit ang pinagkainan ko saka nagtungo sa sala. Ngunit, paparating palang ako sa sala ay agad ng tinawag ni Lolo si Luhence na kanina pa nakatayo sa pintuan.

"Napadalaw ka? Kamusta ang trabaho apo?" salubong sa kanya ni Lolo. Sasagot na sana si Luhence ng biglang umubo si Lolo.

"Ayos lang po ba kayo?" nag-alalang tanong ko.

Ngumisi lamang siya at umiling.

"Ayos lang ako. Huwag na kayong mag-alala. Baka malate pa kayo!" sabi niya. Bakit niya ba kami inaalala? E siya nga 'tong inubo.

"Kumuha na po ng tubig si Seri." sabi ko.

"Ayos nga lang ako." sabi niya at umupo sa sofa.

"Luhence, kamusta na? Hindi ka na ba gaya ng dati?" tanong niya sa apo.

"I'm okay! Medyo ko naman nacocope ang stress ko." sabi niya kay Lolo.

"Mabuti naman at naagapan muna ang stress mo. Sabi ko naman sayo huwag mong iistress ang sarili mo sa trabaho." saad naman ni Lolo.

Fly High, Kat (TJOAP Series #1)Where stories live. Discover now