Kabanata 20

47 2 5
                                    

Kabanata 20

You're mine

"Darling, Let's talk!"

Bago pa ako makasagot ay pinaharorot na niya ang kotse niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hinayaan ko lang kung saan niya ako dalhin. Marami akong naging kasalanan sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ko siya iniiwasan. Hindi ko gusto na maulit ang pangyayari noong gabi na 'yon.

Ayaw kong dumadagdag sa problema ni Lolo. Kahit man hindi niya sinabi nararamdaman kong may tinatago siya sa amin. Gusto niya lang na huwag kaming magproblema sa problem niya.

Mangha akong napatingin sa kulay asul na karagatan. Hininto niya ang kotse malapit sa dalampasigan. Gusto kong lumabas para tumakbo sa mga buhangin. Pero nararamdaman kong iba ang namumuong atmosphere sa loob ng kotse. Kaya pinili ko nalang tumahimik at kinalma ang excitement sa sarili ko.

"Bakit mo ba 'to ginagawa sa'kin, Ligaya?" galit na tanong niya.

I look at him and i saw in his blue eyes that he's furious. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit sa'kin. Pinakalma niya ang kanyang sarili saka bumuntong ng hininga.

"Bakit mo ba ako pinaparusahan ng ganito?" he asked.

Hindi ko naman siya pinaparusahan. Iniiwasan ko lang siya dahil ayaw kong magkagulo ang bawat pamilya niya. Mas mabuting ako nalang ang umiwas para wala ng gulo.

"Hindi kita pinaparusahan." sabi ko.

"And why are you avoiding me?" giit niya. Kinakabahan ako sa boses niya dahil parang nararamdaman kong sobrang nasaktan siya sa pinaggagawa ko.

"Hindi kita iniiwasan! Sadyang busy lang ako." i lied.

"Ginagawa mo ba akong gago!!!??" naestatwa ako sa sinabi niya. Medyo nagulat ako dahil parang alam niya na nagsisinungaling sa kanya si Carla.

"Pumunta ako sa bahay nina Lolo kahapon dahil sinusundo kita! Sabi ng guard maaga ka raw umalis kaya nagtungo ako sa restaurant ni Mama. Tinanong ko si Carla kung nasaan ka! Sabi niya inutusan ka raw ni Louise. Pumunta ako sa lugar kung saan ka nagtungo pero wala ka do'n! Alam mo bang sobra akong nainis dahil para akong ginagawang gago! Alam mo ba 'yon!" sigaw niya sa akin.

Hindi ko alam na magagawa niyang puntahan ang lugar na wala ako. Hindi ko alam na makakaya niya palang hanapin ako kahit saan ako magtungo.

"Bakit ka pa pumunta roon." sabi ko.

"Damn! Ligaya! Araw-araw kitang namimiss kung alam mo lang!" sabi niya habang napakamot sa batok niya.

Kitang kita ko talaga sa kanya na sobrang irita siya sa mga pangyayari.

"Bumalik ako sa restaurant sa oras ng pag-uwi mo. Pero wala ka na! Rinig ko pang sabi ng isang waitress na hinatid ka raw ng isang chef! Alam mo bang pagkarinig ko no'n para akong nabagsakan ng langit at lupa. Gabi ng pinuntahan kita sa bahay ni Lolo pero ang sabi ni Lolo maaga ka raw natulog kaya umuwi nalang akong walang iniisip kundi ikaw!" patuloy niya.

"Hindi ko alam na nagtungo ka sa mansion kagabi." sagot ko.

"Hindi mo alam kasi hindi mo inalam! Tapos kanina hindi mo ako matingnan! Hindi mo ako pinapansin! Bakit ka ba ganyan! Ligaya! Bakit mo ba ako iniiwasan?" parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa mga sinasabi niya.

Hindi ko inakala na ganito pala kalala ang epekto sa pinaggagawa ko.

"Tapos mas pipiliin mo pang makasama ang lalaki na 'yon kesa sa'kin? Saan ang hustisya Ligaya? Hindi ka ba masaya na ako ang kasama mo? Ba't mo ba ako pinaparusahan ng ganito?"

Fly High, Kat (TJOAP Series #1)Where stories live. Discover now