Kabanata 29

34 2 0
                                    

Kabanata 29

He's gone

What?

Patakbo akong pumasok sa loob ng hospital at agad tinanong ang pangalan ni Lolo. Hindi ko alam pero naguiguilty ako dahil mas inuna ko pa ang kaligayahan ko kesa kina Lolo. Wala ako sa tabi nila noong kinakailangan nila ako. Hindi ko alam pero ang sikip-sikip ng dibdib ko.

"Nasa private room siya number 7." sabi ng Nurse sa'kin.

"Sege, salamat."

Agad akong tumungo sa kinaroroonan ni Lolo. Unang nakita ko sa labas ng room ay si Seri, Conor at iba pang pinsan. Wala si Luhence.

"Ligaya!" tawag ni Seri sa'kin.

"Okay na si Lolo?" tanong ko.

"Wala pang siguro pero ipagdasal nalang natin." wika ni Conor.

"Sorry! Sorry kung ngayon lang ako." hingi ko ng tawad.

"Saan ka ba galing?" tanong ni Seri.

Kasalanan ko dahil hindi ako nagpaalam sa kanila. Kasalanan ko dahil nilihim ko ang pagpunta kina Nathalie.

Alam kong nakarating na si Nathalie sa kinaroroonan niya. Gusto ko lang naman na aalis si Nathalie na walang hinanakit sa puso.

"Ligaya, gusto mo makita si Lolo Fino?" bungad ni Lola Cia sa'kin.

Agad akong yumakap kay Lola Cia at humingi ng tawad. Pinatahan naman niya ako.

"Huwag kanang umiyak! Sege na, puntahan mo na si Lolo mo." wika ni Lola Cia.

"Sege po."

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan habang humihikbi. Hindi dapat siya nakahiga riyan. Wala dapat mga apparatus ang nakasabit sa kanya. Hindi ko pa nasusuklian lahat nang tulong niya sa akin.

"Lo, gumising ka na ha." wika ko.

Bakit kailangan ikaw pa? Alam kong aksidente ang nangyari pero alam ko naman na gigising ka. Alam kong matatag ka!

"Lo, gigising ka diba? Sorry, kung wala ako sa oras na kailangan mo ako. Sorry, kung mas inuna ko ang kaligayahan ko kesa sa inyo." sabi ko sa gitna nang hikbi ko.

"Ligaya?" isang boses ang narinig ko galing sa pintuan.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng boses. At sa gitna ng mga mata kong lumuluha nasisilayan ko ang taong alam kong magpapagaan sa pakiramdam ko.

"Luhence..." bulong ko.

Walang pag alinlangan niya akong niyakap. Ang bigat-bigat ng puso ko.

"Sshh! Don't cry. Everything is gonna be okay." he said.

Katabi ko ngayon sa sofa si Luhence. Alam kong may kasalanan pa ako sa kanya. Alam kong galit siya sa akin pero pinilit niyang hindi magalit dahil sa nangyari. Hinihintay ko siyang magsalita. Hinihintay ko siyang sabihin niyang galit siya sa akin.

"Where have you been?" finally he asked.

"I've been in Nathalie's hotel. She invited me sa farewell party niya. Pumunta siya sa restaurant upang humingi ng tawad. Actually, hindi ako makapaniwala na hihingi siya ng tawad. She's sorry for what she did in the past. Nang inimbita niya ako, pumayag ako. Sa totoo lang masaya akong kaibigan ang turing niya sa akin." sabi ko.

Tahimik lang siya habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Well, kilala niya si Nathalie kaya siguro hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"I'm sorry for not telling you about Nathalie. I'm sorry dahil hindi ako nakapag-paalam sayo. Gusto ko talaga sabihin sayo pero hindi kita makontact. I was drunk last night and my cellphone got low battery. I'm sorry, Luhence." hingi ko ng tawad.

Fly High, Kat (TJOAP Series #1)Where stories live. Discover now