Kabanata 7

67 4 0
                                    

Kabanata 7

Mood

Natapos na ang fireworks at nandito pa rin kami nakatayo sa ilalim ng puno. Tahimik lang habang minamasdan ang mga taong nagpapalutang ng water lantern. Dahil natapos na ang fireworks maraming mga taong nandito sa maliit na lawa dahil nagpapalutang sila ng water lantern. Ginagawa nila ito upang matupad ang kanilang hinihiling sa buhay.

Simula bata pa ako wala na akong ibang hinihiling kundi ang makita ang batang lalaki na nakalaro ko noon sa dalampasigan. Pagkatapos kasi siyang tawagin ng batang lalaki para umuwi ay hindi ko na siya nakita simula noon. Kaya hinihiling kong makita siya ulit. Kamusta na kaya siya?

"Isulat mo dito ang wish mo." napa-angat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

Agad ko naman napansin ang dala niyang water lantern. Saan niya nakuha ang water lantern? Bakit hindi ko namalayan na may dala pala siyang ganon?

"Saan mo ito nakuha?" tanong ko.

"Bumili ako doon. Isulat mo na ang kahilingan mo." malumanay niyang sabi.

Tumango naman ako at kinuha ang dala niyang pen saka sinulat ang kahilingan ko sa kabilang bahagi ng water lantern. Habang sinulat naman niya ang sa kanya sa kabilang bahagi. I wonder kung ano ang kahilingan niya.

"Palutangin na natin." sabi ko.

Nagtungo na kami malapit sa lawa upang ilagay ang lantern na dala namin. Pagkatapos naming ilagay ay sabay naming tinulak ang water lantern patungo sa gitna. Magandang pagmasdan ang mga water lantern sa gitna. Dahil sa ilaw na nasa loob nito ay nagbibigay attract ito sa mga mata ng mga tao.

"Ano nga pala ang hiling mo?" tanong ko sa kanya.

"Bakit mo gustong malaman?" seryoso niyang tanong sa akin.

"Ahh! Wala lang." sabi ko nalang.

Tahimik ulit kami. Hindi pa kami masyadong close. Hindi ko nga alam kung kaibigan ba ang turing niya sa akin. Para kasing wala siyang pakialam sa mundo. Mag-isa lang ba siya sa buong buhay niya? Nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan kahit nakangiti siya. Bakit siya malungkot?

"Oi! Nandito lang pala kayo." bungad ni Conor.

Tumingin ako sa kanila at pinandilitan ng tingin si Seri. Hindi ko talaga matatanggap ang ginawa niya sa akin. Halatang alam naman niya kung bakit ganon ang tingin ko sa kanya dahil sa ngiti niyang mapang-asar.

"Nandito ka rin pala, Luhence. May pinag-usapan ba kayo?" mapang-asar na wika ni Seri.

Siraulo talaga!

"Nasaan pala sina Malachi? Hindi niyo kasama?" tanong ni Gevanna sa akin. Wala din pala si Niana. Siguro nagsama silang dalawa.

Dumadamoves na pala si Achi.

"Hindi ko alam. Iniwan lang ako ni Malachi dito kanina." sagot ko.

Tumango naman si Gevanna habang tahimik lang ang iba. Nandito na din pala sina Jake at Aldrin.

"Nga pala, bukas napagusapan naming maligo tayong lahat sa waterfalls ng matay. Ano game kayo?" wika ni Pumela.

"Sege, sasama ako." sagot ko.

"Pag-iisipan ko pa." singit naman ni Jexie. Akala ko ba napag-usapan na nila.

"Sumama ka na Jexie. Huwag kang KJ." nakangising wika ni Seri habang pinipilit si Jexie.

"Pag-iisipan ko pa." seryosong sabi ni Jexie.

"Ano ba iyan hindi na ako nagaganahang sumama." bulong ni Seri na rinig ko naman.

Fly High, Kat (TJOAP Series #1)Where stories live. Discover now