Kabanata 2
Tour guide
Pagkatapos ng aming kantahan at biruan ay agad akong nagtungo sa mansion dahil nag text si Manang Dezza sa akin. Pinapapunta na ako sa mansion para ipasyal ang mga apo ni Lolo. Iniwan ko ang basket na dala ko at nagpaalam sa mga kaibigan upang magtungo ulit sa mansion.
"Pwede ba akong sumama?" tanong ni Seri. Tumango ako bilang sagot.
"Ako rin." wika naman ni Pumela. Ngumiti ako sa kanila at nagtungo na sa mansion.
"Manang, papasok rin sila." sabi ko kay manang.
"Oo, Hali kayo pasok!" naiwan ang mga lalaki sa tambayanan kaya tuluyan na kaming pumasok sa loob ng mansion.
Kahit ilang beses na akong pumapasok dito ay hindi ko pa rin maitatanggi ang ganda ng mansion. Ang pamilyang ito ang pinakamayaman sa aming lugar. Business ang kanilang pinagkukunan ng pangkabuhayan. Sabi ni Lolo fino nagsimula sila sa mababang negosyo hanggang sa lumawak ito. Hindi nga lang niya nabanggit kung anong negosyo ang meron sila. Nagkaroon ng tatlong anak si Lolo Fino at Lola Cia. Dalawang lalaki at isang babae. Nabanggit rin ni Lolo ang pangalan ng kanilang tatlong anak.
Si Uncle Rafael, Uncle Ruficio at Aunt Candria. Hindi ko sila nakikita dito sa mansion. Madalang lang kasi silang umuuwi.
"Lolo Fino! I miss you!!" masiglang wika ni Seri sabay yakap. Natawa ako sa naging reaction ni Niana. Hindi na ako ang magiging target ni Niana kundi si Seri at Pumela na. Ewan ko lang talaga sa batang ito.
"Mabuti at dumalaw kayo!" malungkot na wika ni Lolo Fino. Habang nagkakamustahan sina Lolo at Seri ay biglang sumigaw si Lola Cia.
"Seri! Pumela! Namimiss ko kayo!" wika ni Lola Cia. Napangiti naman ako.
"Wahhhh!! I miss you! Lola Cia! My pretty Lola!" sigaw ni Seri. Tumawa si lola dahil alam niyang binobola siya ni Seri.
"Nakakamiss talaga ang Megaphone mong boses!" salubong niya kina Seri at niyakap.
"Nalulungkot kami kung wala kayo! Mabuti at dinala kayo ni Ligaya ngayon." sabi ni Lola Cia at niyakap ako. Kanina kasi hindi ako nayakap ni Lola dahil busy siya sa pagpili ng kakanin.
"Anyway, lola at lolo! Bakit niyo pinatawag si Ligaya? May kasalanan ba?" tanong ni Pumela.
"Hindi! Ipapasyal natin ang mga apo ni Lola at Lolo!" wika ni Seri sabay tingin sa mga apo ni Lola.
"Ahem! Lolo fino! Baka naman... Ahem! Pwedeng ireto mo Ahem! ako sa mga apo mo." inuubong wika ni Seri dahilan sa pagtawa ni Lolo. Siraulo talaga 'tong si Seri. Magbibiro pa talaga sa harapan ng mga apo ni lolo.
"Oo naman! Pwedeng pwede!" taas kilay sabay tawa ni Lolo at Seri. Minsan iniisip ko baka apo rin ni Lolo itong si Seri. Pareho kasi silang palabiro.
"Lolo, bakit ka nagpayakap sa kanya?" taas kilay na wika ni Niana. Tumawa lang ako ng kaunti dahil sa reaction ni Niana.
Heto na naman tayo.. Lumabas na naman ang maattitude na apo ni Lolo at Lola.
"Apo---" naputol ang sasabihin ni Lolo ng magsalita si Seri.
"Ganyan rin ba ang nangyari kanina?" tanong niya sa akin. Hindi pasigaw ngunit tama lang na marinig sa lahat. Hindi ako umimik.
"Well, i am Seri and she's Pumela. For your information na kasanayan na naming yumakap kay Lolo at Lola." taas kilay na sabi ni Seri. Napakamot na lamang ako sa aking ulo.
"I don't care! Ang bantot ng pangalan niyo!" si Niana sabay irap.
"Ganon din ba ang sinabi niya sa pangalan mo?" tanong niya ulit sa akin. Hindi ulit ako nagsalita.
YOU ARE READING
Fly High, Kat (TJOAP Series #1)
RomantiekThe Journey of a Probinsyana Series #1 Introducing Katrilia Rico also known as Ligaya. Ang babaeng gustong lumipad para maging malaya. She wanted to fly high like a kite. But little did she know, that kites also has a string to keep them from freedo...