Kabanata 34
Chain up love
Staring at my mirror para tingnan ang dress na binili ko para sa birthday ng inaanak ko. Ngayong araw ang unang birthday ni fraulein. I also brought a gift for her. Nakita ko lang siya sa picture lang at hindi ko pa siya nakikita sa personal. Hindi kasi siya dinala ni Seri sa airport para raw mathrill ako. Parang ginawa naman niyang multo ang anak niya.
Kasama kong tumungo roon si Harry dahil sina Inay ay nandoon na.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako habang dala ang sling bag ko. Nakita ko kaagad si Harry na busy sa pagbabasa ng libro. Kahit saan talaga siya pumunta may dala siyang libro.
Dumating kami sa bahay nina Seri na puno ng tao. Ang dami ng bisita nila. Agad kong nakita si Pum kaya lumapit na ako sa kanya.
"You look so gorgeous, Ligaya." wika ni Pum.
"Don't call her, Ligaya, Camille. Call her Lia." pagbibiro ni Conor.
"Shut up! Conor!" tawang sigaw ko.
"Hahahaha!"
Lumapit sa akin si Harry at inakbayan ako. Hinayaan ko nalang dahil palagi naman niyang ginagawa sa akin ang pag-akbay. We're friends naman kasi.
"Ow! Kayo na pala?" taas kilay na tanong ni Conor.
"Hahahahaha!" tumawa kaming dalawa ni Pum.
"Hindi ko inakala na pupunta kayo sa unang kaarawan ng anak ko! I am happy that everyone are here with us celebrating the first birthday of our daughter. I hope you will enjoy the day like our sweet fraulein." panimula ni Hermes.
He really love his daughter.
"Baby, meet tita Ligaya." bungad ni Seri sa akin habang dala-dala ang anak niya. Ow! Ang cute naman pala ni Fraulein.
"She's so pretty, Seri. She's pretty like me." saad ko.
"Oh! come on! She's pretty like me." wika naman ni Pum.
"Hahahaha! Kamukha ko kaya!" awat naman ni Seri.
Binigay ko naman kay Seri ang regalo ko sa anak niya. Pagkatapos ay nakikipagkwentuhan ako kina Pum. Nandito sina Malachi and Niana. Sobrang tagal na nilang dalawa at mahahalata mong masaya silang magkasama.
"Kailan ang concert mo at bibili na ako ng ticket." tanong ni Malachi.
"Next week." saad ko.
"Aasahan mo, Ligaya. Pupunta kaming lahat." sabi ni Niana.
"Thank you." pasasalamat ko.
Umiinom kami ng wine habang masayang nagkwekwentuhan. Kay 'tagal din simula noong magkasama kaming lahat. Noong namamasyal kami sa probinsya. Doon sa maraming bulaklak na nakatanim. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Sobrang saya lang noong wala kaming ibang iniisip kundi ang pamamasyal namin. Ang dali lang talaga ng panahon.
"Happy birthday! My pretty fraulein." napatigil ako sa boses na narinig ko galing sa likuran ko.
Hindi ako nagkakamaling sa kanya galing ang boses na iyon. Nakatingin ako kay Pum na ngayon ay sinisenyasan ako na nasa likuran ko si Luhence. Anong gagawin ko?
Bumilis ang tibok ng puso ko at pinapawisan ako dahil sa limang taon na ang nakalipas ngayon ko lang ulit siya nakita. Bakit ba ako kinakabahan e wala naman akong kasalanan.
"Thank you, tito Luhence." wika ni Seri.
Hindi ako lumingon kahit alam kong naging tahimik ang lahat dahil sa kanya. Alam kong nakatitig siya sa akin kahit nakatalikod lang ako.
YOU ARE READING
Fly High, Kat (TJOAP Series #1)
RomansaThe Journey of a Probinsyana Series #1 Introducing Katrilia Rico also known as Ligaya. Ang babaeng gustong lumipad para maging malaya. She wanted to fly high like a kite. But little did she know, that kites also has a string to keep them from freedo...