Kabanata 39

44 2 0
                                    

Kabanata 39

Still into you

Noong bata pa ako kahit buong araw pa akong naglalaro sa ilalim ng araw hindi ako napapagod. Inuubos ko ang araw sa paglalaro sa labas ng bahay. Inuubos ko ang sigla ko sa paglalaro. Hindi ko dinadamdam ang pagod sa aking sarili.

Hindi ko inakala na ang pagtago ni Luhence ay ang magbibigay pagod sa akin. Hindi ko inakala na mapapagod ako sa paghahanap sa kanya. Akala ko mananatili akong malakas sa kakahanap sa kanya. May hangganan pala ang pagiging taya ko.

Hindi dahil nakita ko na siya kaya natapos na ang katayaan ko. Kung hindi, ako na mismo ang titigil sa kakahanap sa kanya. Ako na mismo ang tatapos sa katayaan ko. Hindi ko na siya hahanapin. Bagkus, ay maghihintay nalang ako sa kanya.

Kumikinang ang mga bituin sa kalangitan. Ang mga bituin ang nagpapatunay na kahit anong dilim ang dumating sa buhay mo may kinang pa rin ito. May kinang na nagbibigay ng kaunting liwanag. Liwanag na nagbibigay pag-asa para sa kinabukasan.

Ang simoy ng hangin na nanggagaling sa labas ng bintana ay nagbibigay gaan sa aking pakiramdam. Sa lamig ng hangin ay parang gusto kong may yakapin. Ngunit, dahil wala na ang taong gusto kong yakapin ay wala akong magawa kundi ang yakapin ang aking sarili na mag-isa.

"I'm so excited!" giit ni Seri.

Nandito kami sa isang room kung saan ako mag-aayos para sa concert ko. Ngayong araw ako kakanta sa maraming tao. Hindi ko inakala na maraming tao ang humahanga sa akin, humahanga sa aking talento.

Malapit nang matapos ang make up na ginawa ni khali sa akin. Hindi ko talaga inaasahan na ganito kabongga ang magiging concert ko. Medyo kinakabahan ako pero alam kong keri ko na 'to. First time kong magconcert sa pilipinas kaya medyo kinakabahan ako.

"I'm so nervous." sabi ko.

Tumingin sina Seri sa salamin kung saan ako nakatingin.

"Don't be nervous, Ligaya. Just do your best! We know you can do it!" cheer up ni Seri sa akin.

"Thank you." ani ko.

Masaya ako ngayon dahil sa suot kong kulay itim lahat. Isang cocktail dress na kulay itim pero my glitters like sa kalangitan ngayon. Isang maitim na boots na may takong ngunit hindi masyadong mataas, it also has a fur sa bandang itaas niya.

My make up is not thick ang medyo kinapalan lang ay ang sa eyelids ko. Ang buhok ko ay hindi nilugay at may mga accessories akong suot na nababagay sa suot ko ngayon.

"What's up! Manila!" sigaw ko sa mic ko.

"AHHHHHH!!!" sigaw ng mga tao sa loob ng concert hall.

I put a smile on my lips. Sobrang saya ko dahil marami ang sumusuporta sa akin. Sumisigaw sila habang sinasabihan ako ng 'Mahal ka namin, Lia Rico!'

Tinatawag nila ako sa stage name ko. Masaya naman ako kahit papaano ay may nakakakilala sa akin.

"Gusto niyo na ba akong kumanta?!" nakangiting sigaw ko.

"Oo!" sigaw nila.

"Kuya! Hit it!" sabi ko sa bandang nasa likod ko.

Lumapit ako sa mga taong nakaupo sa VIP. Nakita ko si Seri, Pumela at ang iba pa. Even my Inay at Papa ay nandito. Si Niana na sumisigaw dahil sa saya. Masaya ako dahil nandito sila sinasamahan ako sa concert ko. They supported me with my career.

"Oh, hush, my dear,

it's been a difficult year

And terrors don't prey on

Fly High, Kat (TJOAP Series #1)Where stories live. Discover now