Kabanata 30

41 2 1
                                    

Kabanata 30

Farewell

Naghahanda ako ng damit para sa susuotin sa burol ni Lolo. Huling araw na niya ngayon at kailangan na namin siya ihatid sa huling hantungan niya. Sobrang sakit na maiwan sa taong mahal mo, sa taong mahal ka. Minsan iniisip ko nalang na sana panaginip nalang lahat 'to. Na sana hindi nalang ito nangyari.

Masakit sa akin na wala na si Lolo, sobrang sakit. Lalo't ako ang kakanta sa burol niya. Ako ang huling kakanta sa kanya sa huling araw niya dito sa amin.

Umuwi ang Papa at Kuya ni Luhence kaya kompleto sila ngayon. Nandito rin si Senyora upang makiramay. Kulay puting dress ang susuotin ko dahil alam kong sa liwanag uuwi si Lolo. Sina Seri ay nasa baba na upang tumulong sa mga dapat gawin.

I also prefer my song na kakantahin ko sa burol niya. Mga kanta na gusto ni Lolo pakinggan. I need to be brave dahil hindi natin alam ang takbo ng buhay natin. Kung mahina ka madali ka lang matatalo pero kung malakas ka umulan o bumagyo hindi ka matitinag.

"Are you ready?" tanong ni Luhence.

"Magbibihis muna ako." wika ko. Niyakap niya ako sa likuran habang kaharap ang isang salamin.

"I'm tired." he said.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Then, rest." sabi ko.

"Mamaya na." sabi niya.

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako hanggang sa magsawa siya. Nang lumipas ang ilang minuto pumasok ako sa banyo upang magbihis ng damit. Pagkatapos kong magbihis nakita ko si Luhence na mahimbing na natutulog sa kama.

Pagkatapos kong mag-ayos binigyan ko siya ng limang minuto para magpahinga. Hindi pa naman kami tinawag sa baba. Tinititigan ko ang maamo niyang mukha. Mas gwapo siya pag natutulog. Ninakawan ko siya nang halik dahil naaakit ako.

"Ligaya, aalis na raw tayo." tawag ni Seri sa akin.

"Sege, susunod kami." sagot ko.

Dumating din noong nakaraang araw sina Malachi and Niana. Kahit sila hindi makapaniwala na wala na si Lolo. Tinoon ko ang atensyon ko kay Luhence saka ito ginising.

"Aalis na tayo?"

"Oo." sagot ko.

Sabay kaming bumaba sa hagdanan habang hawak kamay. Nang makapasok na kami sa sasakyan ay tahimik lang walang nagsasalita. Inilagay ni Luhence ang ulo niya sa balikat ko saka pumikit. He really need to rest. Ilang araw na kasi siyang kulang sa tulog.

Nang makarating na kami sa lugar kung saan ilibing si Lolo sinimulan na namin ang pagdasal at pagpasalamat sa bawat pamilya na dumalo. Ilang kanta na ang kinantan ko, at ito na ang panghuli. Lahat ng tao rito ay may dalang bulaklak para ibigay kay Lolo bilang pagpa-alam sa kanya.

"Take my mind and take my pain,
Like an empty bottle takes the rain.
And heal, heal, heal, heal."

Nagsimula nang nag-iyakan ang mga tao na dumalo sa burial ni Lolo. Si Lola Cia ay kanina pa iyak nang iyak pero hanggang ngayon hindi pa rin nauubusan ng luha. Madami kasing tao ang dumalo kaya maraming nakapila upang maglagay ng bulaklak sa kabaong ni Lolo.

"And take my past and take my sins,
Like an empty sail takes the wind.
And heal, heal, heal, heal.
And tell me--------" napatigil ako sa pagkanta dahil may bumara sa lalamunan ko. Napatigil ako sa pagkanta dahil tumulo ang luha ko. Napatigil ako sa pagkanta dahil akala ko mapipigilan ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Hinayaan kong dumaloy ang luha sa pisnge ko. Pero kahit na gano'n pipilitin ko, pipilitin kong tapusin ang huling kanta para kay Lolo fino. Pipilitin ko.

Fly High, Kat (TJOAP Series #1)Where stories live. Discover now