Kabanata 24

42 2 0
                                    

Kabanata 24

Girlfriend

"L-Luhence?"

Salubong ang kanyang dalawang kilay na tumingin sa'kin. Umiigting ang kanyang panga dahil sa galit. Hindi ko inakala na malalaman niya kung nasaan ako. Hindi ko inakala na mangyayari 'to ngayon.

Nanginginig ang kamay kong humarap sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit na nakikita ko sa kanyang mga mata.

"Follow me." malamig na utos niya.

Susunod na sana ako ng hawakan ni Zalan ang kamay ko. Dahil sa kaba na nasa dibdib ko ay umiiling ako sa kanya upang bitiwan ang palapulsuhan ko. Ngunit, hindi siya nagpatinag. Bagkus, mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak niya sa palapulsuhan ko.

"Nandito siya dah---" sabi ni Zalan.

"I don't need your f*cking explanation." sigaw ni Luhence. Kumuyom ang kamao niya habang tinititigan niya ang kamay ni Zalan na nakahawak sa'kin.

Pilit akong kumawala kay Zalan na mahigpit ang hawak sa kamay ko.

"Bitiwan mo siya." malamig na sabi niya.

"Hindi mo siya slave para utusan ng ganyan si Katrilia, Luhence." singit naman ni Alen.

Wait?

They know each other?

"Luhence, wala kaming ginagawa sa kanya." nakisali na rin si Harry.

"Ba't mo ba siya sinusundan? Ha! Luhence!" giit ni Zalan.

Hinawakan niya ang bewang ko na mas lalong nagpaigting sa kanyang panga. Bago pa maabot sa suntukan ang pangyayaring ito ay buong lakas akong kumawala kay Zalan. Ayaw kong mag-away silang dalawa ng dahil sa'kin.

"I'm his girlfriend, Zalan." sabi ko.

Nagulat naman silang dahil sa sinabi ko. Yes! I'm really his girlfriend.

"Oh! I'm sorry, hindi ko alam." sabi niya.

Bumuntong ako ng hininga saka humarap kay Luhence.

"I'm sorry." bulong ko.

"Let's talk outside." sabi niya.

Tumango ako saka humarap sa kanilang lahat. I took a deep breath saka tiningnan silang lahat.

"I'm sorry for what happened." sabi ko.

Kakatanggap ko lang bilang isang vocalist, bilang isang membro ng banda nila. Pero may kagulohan na akong dinadala. Hindi ko talaga inakala na mangyayari 'to ngayon. Nahihiya talaga ako sa kanila lalo na kay Jes. Siya ang dahilan ba't ako natanggap kaya sobra akong nahiya sa kanya.

Tumayo siya sa harapan ng kotse niya habang nakatalikod sa'kin. Rinig kong kumawala siya ng hininga. Sobra ko talaga siyang ginalit.

"Ba't hindi mo sinabi?" panimula niya.

I know kasalanan ko 'tong lahat. Kasalanan ko kung bakit nagalit siya sa'kin. Kasalanan ko.

Kung sinabi ko lang sa kanya ang tungkol dito hindi sana mangyayari 'to.

"I'm sorry." sabi ko.

Napakamot siya sa kanyang batok habang pinipigilan ang galit na namumuo sa puso niya.

"Ba't pa kailangan mong magtago sa'kin? Wala ka bang tiwala sa'kin?" tanong niya. Kita ko sa mata niya ang disappointment.

"Gusto kong sabihin sayo pag natanggap na'ko. Natanggap ako at isa akong vocalist sa banda. I'm sorry kung inilihim ko." sabi ko.

Fly High, Kat (TJOAP Series #1)Where stories live. Discover now