Injured
Leina's
Another morning came to our household, naroon pa rin si Jorge at hindi na yata nauubos ang ipinapalinis sa kanya ni Popsi. Kahapon ng umaga ay pinaglinis niya ito ng bubong kahit na hindi ito masyadong makagalaw dahil sa kamay niya. Mukhang pagod na nga siya noong gabing makita kong pinapalinis ni Popsi ang garahe naman. Nakakaramdam ako ng awa sa kanya dahil sa inury niya pero pinipigilan ko ang sarili kong lapitan siya dahil kahit na gaano na katagal na ang nakalipas na taon, malinaw ko pa ring naaalala iyong ginawa niya nang gabing iyon.
Nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa tuwing naaalala ko iyon. Hindi ako komportableng nandito siya but my guts told me to trust my father. Naisip ko rin naman na tama rin ito, mas madali para sa akin ang harapin siya. Mas madali ang road to recovery.
I have been facing my demons for a long time now. Noong una kong nakilala si Doc Cynthia ay binabalewala ko siya. I knew that I needed therapy. I cannot sleep, I cannot eat, hindi ako lumalabas ng bahay, gabi – gabi akong umiiyak at umiinom para malunod ang lahat ng boses sa utak ko. I almost took my own life. I am a wreck. Kahit na gumaling si Popsi, kahit naka-recover siya matapos ang ilang buwan ay hindi noon ako napabuti. Ilang beses kong pinagtangkaan ang buhay ko. Ilang beses akong lumayas, kapag nasa layasan ako, sa daana ko tumitira...
I almost gave up on everything, but one day, Ate Reese barged in my room. Sinampal niya ako nang paulit – ulit hanggang sa magpanting ang tainga ko – iyong wala na akong naririnig kundi iyong tunog ng malutong niyang sampal. Umiiyak ako nang walang tunog, nagmamakaawang tigilan niya ako pero hindi, kinaladkad niya ako pababa ng hagdanan hanggang sa makarating kami sa swimming pool, tinulak niya ako roon. Tumalon siya at pinagsasampal na naman ako.
"Putang ina ka." Galit na galit siya. "Wala kang awa! Akala mo ba nakabubuti kay Momsi iyang ginagawa mo? Puro na lang sarili mo ang iniisip mo Leina! Gago! Magpapakamatay ka? Sana sinabi mo, ako na lang ang papatay sa'yo! Ano, sasagasaan ba kita?! Ano?! Wala kang awa! Walang sumisisi sa'yo sa nangyari! Putang ina ka!"
Noon ako nagising sa katotohanang hindi naman dapat ako nalulugmok ng ganito. I was given a second chance in life and I need to make the most out of it. Kinabukasan, kusang loob akong nagpunta kay Doc Cynthia para manghingi ng tulong, one by one, I was able to get away from those demons.
Noon, hindi ako makasakay sa kotse. Natatakot ako. Hindi ako makahinga. I was so afraid of loud noises. Naalala ko kasi ang mga putok ng baril nang gabing iyon. I always have nightmares about that night. Nagigising akong umiiyak at sigaw nang sigaw dahil paulit – ulit kong nakikita kung paano binarily ni Jorge si Popsi. Iyak ako nang iyak...
Pero dahil sa paniniwala kong makakaya ko ang lahat at dahil na rin sa therapy ko, naibsan lahat ng takot ko at hindi ko napansing unti – unti na akong bumabalik sa dati. But this one is a toughie. Siya kasi ang puno't dulo ng lahat ng ito.
Nag-aayos ako noon dahil pupunta na ako sa restaurant ko. Hindi raw kasi makakapunta si Mcbeth dahil may check – up ngayon si Pia. Six months na ang dinadala ni Pia, and they are getting ready. Noong huli kong nakausap si Hamlet at Shakespeare – by the way, babae si Shakespeare, ay excited na raw sila. Hindi pa nila alam ang gender ng baby, magkakaron kasi sila ng gender reveal sa susunod na linggo, ang nag-aayos ay ang matalik na kaibigan ni Kuya Paolo.
"Si Momsi?" I asked Avery when I got out of my room. Nagulat akong lumabas siya, kung pwede lang na sa room na siya hanggang sa mamamatay siya doon na talaga siya titira.
"Tulog. Kauuwi lang kaninang 4 am. Pasok ka na?"
"Yep. Si Popsi ba? Magpapaalam ako."
BINABASA MO ANG
Hard to Handle
Ficción GeneralGabrielle Eleina have always been the "good Gabrielle". She embodies this name she gave herself as she intends to always be the good daughter to her parents. She only wanted to make her parents proud but she met love along the way and it fucked her...
