Jojowain
Leina's
"Ang tagal ninyo naman. Gutom na gutom na ako."
Nagrereklamo na hindi lang si Anne kundi pati na rin ang tyan niya nang makapasok kami ng restaurant. Closing na halos pero kapansin – pansin na marami pa rin ang tao sa loob. Naupo si Annie sa table malapit sa bintana, nilapitan naman agad kami ng waiter ko. Bumati muna siya sa akin saka naglapag ng menu.
"Si Mcbeth ba nandito?"
"Dumaan kanina, Boss, pero umalis rin po agad. Nagbilin naman po kay Ma'am Michelle para mag-inventory mamaya. Babalik raw po siya ngayong closing." Tinanguan ko ang waiter. Si Annie ay nag-order na. Medyo marami siyang kakainin. Kapansinpansin na tahimik pa rin si Jorge. Nakatingin lang siya sa labas at hindi nagsasalita, even when the food came, he just played with his salad. Kung si Annie ay Maria Karpentero kung kumain, si Jorge, Maria Clara talaga. Napahinga ako nang malalim at kinuha ko ang plato niya. Napatitig siya sa akin.
"Leina, ako na lang." I shook my head.
"Eat up." I said. Tinapat ko sa bibig niya ang salad spoon. "Ahh, say ahh." He just looked at me, ibinuka naman niya ang bibig niya habang nakatingin sa akin. Nang kumain na siya ay ngumiti na ako. Ipinagpatuloy ko lang ang pagsubo sa kanya kahit na pinipilit niyang kuhanin sa akin ang kutsara ay hindi ko ibinibigay.
Maybe he's tired. Halata sa mukha niya iyon. Maybe he's thinking about what happened earlier. Maybe he's scared. Ang dami – dami siguro niyang iniisip ngayon at naiintindihan ko iyon. I just want to make him feel better.
"Yuck." Narinig kong sabi ni Annie. Dahil roon ay kinuha ni Jorge sa akin ang kutsara at siya na lang ang kumain mag-isa. Pinanlakihan ko siya nang mata. Bumalik na naman si Jorge sa paglalaro ng pagkain niya kaya kinuha ko na naman iyon, bigla ay tinabig niya ang kamay ko. I was shocked, of course, mukhang nabigla rin naman siya. Nagtitigan kaming dalawa tapos nagbuntong – hininga siya, kinuha niya ang kamay ko at saka nilagay ang kutsara, ibinuka niya rin ang bibig niya na tila ba naghihintay talaga ng pagkain – I smiled widely and fed him again.
"Thank you." Wika niya. I just smiled again, pagbaling ko kay Annie ay inirapan ko siya. She made a face.
"Gabrielle." Biglang lang nagsalita. Annie and I both answered.
"Yes?" Nang lumingon kami ay nakita ko ang isang matangkad na binatang pamilyar sa akin. Napangiti agad ako sa kanya.
"Uy, si Jestoni!" Sigaw ko. "Kamusta?" Nakipagkamay ako sa kanya.
"Okay naman. Kanina pa ako. I was thinking of saying hi, pero nahihiya ako kasi wala naman si Senyor Axel."
"Pinanindigan talaga." Sabi ni Annie. "Baka naman mas malaki ang hacienda natin kasy kina Sabello ha."
"Ay, si Jorge ng apala. Jorge, si Jestoni, supposed to be boyfriend ni Avery pero hindi nag-work kasi hindi naman lumalabas ng bahay ang kapatid ko."
"Wala naman sa akin iyon." Tumawa si Jestoni. "Binibiro lang ako ni Senyor noon. Anyway, kasama ko iyong ka-brod ko, si Adriano Kaligayahan." May tinuro si Jestoni pero hindi ko naman nakita, kunwari na lang kumaway at tumango ako. "Pakikamusta na lang ako kay Senyor. Mauna na kami."
Nang tumingin ako kay Annie ay naubos na niya lahat ng nasa plato niya, ni wala siyang itinara para sa akin. Mukhang nahiya lang siya kay Jorge kaya hindi niya ginalaw iyong chicken sa tapat na plate nito. She was smiling so wide. Napapailing ako. Maria Masiba talaga itong batang ito. Siniguro ko munang tapos nang kumain si Jorge saka ako nagbayad at nagyayang umalis.

BINABASA MO ANG
Hard to Handle
General FictionGabrielle Eleina have always been the "good Gabrielle". She embodies this name she gave herself as she intends to always be the good daughter to her parents. She only wanted to make her parents proud but she met love along the way and it fucked her...