Tell all
Leina's
Parang nagulat pa si Jorge dahil sa bilis nang pagmamaneho ko. Nakahawak siya sa seatbelt at sa edge ng upuan. Parang hindi na nga siya makahinga kaya lang kailangan kong bilisan ang pagmamaneho dahil sinabi ni Popsi na bilisan ko. Masunurin akong anak kaya talagang bibilisan ko. Sa bahay kami ni Uncle Judas magkikita – kita. Alam kong seryoso ang pag – uusapan nila ngayon, hindi ko lang alam kung saan papasok si Jorge roon, pero hindi ko naman siya iiwanan.
"Can you slow down?" He asked me. "Baka mahuli tayo ng pulis!"
"Shit! Wala pala akong dalang license!" I said.
"Eleina!" Sigaw niya.
"Leina nga sabi, nakakabwisit ka ha!"
"Stop the car! Stop! Stop!" Hininto ko naman sa gilid. Lumabas siya ng kotse, lumabas rin ako. Akala ko lilipat siya pero natagpuan ako siyang nakatayo sa gilid ng sasakyan. Nakatukod ang kamay niya sa pinto at humihinga siya nang malalim. Jusko, nahilo yata. Kaya lang kailangan ko talagang magmadali.
"Okay ka lang ba?" I asked him. Tiningnan niya lang ako. Nakasimangot siya. Tinitingnan ko kung si Jorge ba siya kasi baka mamaya may switching na naganap, mukhang si Jorge pa rin naman talaga siya. "Huy." Dinutdot ko ang pisngi niya. Masama pa rin ang tingin niya sa akin.
"You kissed James." He said. I was taken aback. Expected ko namang matatandaan niya iyon, sabi kasi ni Ronni, minsan na lang daw talaga makalimot si Jorge sa mga nagaganap sa buhay niya, madalas, nagpa-flash sa memories niya ang nangyayari kapag may switching na nagaganap but sometimes, it may take two or three days before he finally recovers the lost memories, pero ngayon, natandaan niya agad. I made a face. "Don't make faces. I am asking you."
"Hindi naman tanong iyon. Statement iyon. Oo, hinalikan ko si James." Namaywang pa ako. "Anong problema? Nagseselos ka?"
"Ibang tao iyon!" He hissed.
"No. He is a part of you. I love you and I love every part of you. Napagdesisyunan kong jowain lahat ng parte mo, maski si baklita kahit nagsusumigaw siya kasi hinahalikan ko siya kagabi." Iiling – iling ang mokong. Hinawakan ko siya sa kamay. "Makinig ka sa akin at intindihin mo ang sinasabi ko. Jowa kita, marami ka mang pinagdadaanan, mula kagabi nagkabalikan na tayo, wala akong pakialam sa hindi mo matandaan, we will cross the bridge when we get there but this time, I will never let anything come between us anymore. Mahal kita, jowa kita, jowa ko rin si James, jojowain ko si Race, at si Ronni – kahit palagi niyang feeling na pinagsasamantalahan ko siya, at iyong natitira pa diyan sa'yo na nahihiya pa sa akin, aangkinin ko rin iyan. Jowa kita at jojowain ko kayong lahat. Tandaan mo iyan. Wala kang dapat ikaselos, kasi kahit sino ka pa, sa puso ko, ikaw lang si Jorge."
Natulala ang mokong. Ngumiti lang ako sa kanya at hinalikan siya sa labi saka ako bumalik sa sasakyan. Hinintay ko siyang sumakay muli tapos pinasibad ko na ang kotse. Twenty minutes later ay nasa bahay na kami ni Uncle Judas. Hawak – hawak ko ang kamay niya hanggang sa makapasok kami sa loob ng round table room.
Naroon ang lahat – si Uncle Jude kasama si Cindy at si Eli, si Uncle KD and kuya KS, si Uncle Simoun at Kuya Red na katabi si Kuya Adonis at si Ninong Ido, at siyempre si Popsi at si Avery na may suot na hoodie kahit pagkainit – init ng panahon. Parang aalarma si Kuya Don nang makita si Jorge. Agad siyang tumuwid ng upo at hinawakan ang kamay ni kuya Red na binitiwan rin agad noong huli.
"Don, tigil – tigilan mo iyan." Narinig kong sabi ni Ninong. "Nakakahiya kayo ni Red. Mga putang inang ito."
"Nandito na ang star ng show." Sabi ni Avery. Naupo ako sa tabi niya. Si Popsi, tiningnan lang ng masama si Jorge pero hindi man lang pinaupo. Siniko ko siya. Popsi looked at me.

BINABASA MO ANG
Hard to Handle
Aktuelle LiteraturGabrielle Eleina have always been the "good Gabrielle". She embodies this name she gave herself as she intends to always be the good daughter to her parents. She only wanted to make her parents proud but she met love along the way and it fucked her...