Situation
Leina's
"May kilala ka bang psychiatrist na Dyosa ang pangalan, Kuya Don?"
Kaaalis lang ni Jorge sa bahay. Wala pang fifteen minutes iyon. Naisip kong puntahan si Kuya Dondon sa bahay nila Ninong Ido. Alam ko kasing naroon siya dahil biniwisit niya ako kagabi. Putang ina talaga niya, minsan gusto ko na lang isigaw sa mukha niya kung gaano siya kapangit pero ayoko namang palaging nasasaktan ang feelings niya.
Nakita ko siyang nasa garden at nagbabantay ng mga anak niya, si Uno, saka si Alas, si Ate Ganda ay nasa loob, kasama si Ninang Gina, pinatutulog kasi nito ang bunso nilang si Unica Hija.
"Teka, bakit mo kilala si Dyosa?" Tanong niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Kilala nga niya! Tama ang hinala ko! Naisip ko kasing sa Varess rin siya nagtatrabaho at malaki ang possibilities na magkakilala sila and I am so right! So pretty and so right!
"Kilala mo nga siya?! Pwede ko ba siyang kausapin?!"
"Bakit nga?"
"Bakit ka ba nangingialam? Gusto ko lang siyang makausa---" Nag-hang ang sasabihin ko dahil bigla akong hinawakan ni Kuya Dondon sa magkabilang pisngi. He looked so worried but ridiculous. Hindi ko siya maintindihan.
"Sabi ko na nga ba." Wika niya. "Leina, lumayo ka sa liwanag. H'wag kang lalapit sa liwanag. H'wag kang mababaliw! Hindi ikaw ang tunay na baliw!" Sinigawan niya ako sa mukha. Naamoy ko ang ulam niya kaninang umaga. Sa inis ko ay sinampal ko naman siya sa tainga.
"Napakapangit mo!" Sukat ba namang ibiniling niya ang mukha ko sa kanan kaya muntik na akong masubsob!
"Putang ina ka. Kagabi ka pa. Inaano ba kita?! Bakit niyuyurakan mo ang kagandahang lalaki ko?!" Sigaw niya sa akin.
"Kinakausap kita ng maayos ha!" Sigaw kong muli.
"Mga putang ina kayo, ba't ba kayo nag-aaway?!" Sigaw ni Ninong Ido. Hindi ko napansing naroon na siya sa may garden. Dinuro ko si Kuya Dondon.
"Ito, Ninong, muntik na akong isubsob! Napakapangit mo!" Sigaw ko kay Kuya Don.
"Mas pangit ka!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Pinitik ko siya sa tainga.
"Nakaka-offend ka!"
"Tama na!" Sigaw muli ni Ninong.Tumahimik naman ako. "Nakakabawas ng kagwapuhan at kagandahan ang pakikipag-away!"
"Ay, hindi naman kami nag-aaway, Tay." Biglang sabi ni Kuya Don. Napatango naman ako.
"Naglalaro kami ng charades." I smiled. Pagtalikod ni Ninong ay pinakyu ko si Kuya Dondon saka ako umalis. Akala ko pa naman may makukuha akong information sa kanya tungkol kay Dyosa pero wala. Nakakabwisit siya. Sana pala hindi na ako nagpakahirap, sana pala, kay Avery na lang ako nagtanong.
Gusto ko lang naman makausap iyong doctor ni Jorge. Oo, naniniwala na ako sa kanya na may iba – iba siyang katauhan. Base sa nangyari kagabi, iyong mga ginawa ni Ronni, hindi magagawa iyon ni Jorge. Naging mag-boyfriend kami ng halos magta-tatlong taon pero kahit kailan hindi niya inayos ang kilay ko tulad kagabi.
The Jorge last night knew his make – up well. Ang galing niyang mag-blend ng shades, mag- contour, tapos kilala niya si Bretman Rock, James Charles at si Jefree Star. Sinabi niya sa akin may make – up vlogs siya but he had to take it down kasi ayaw raw ni Jorge. Hindi raw kasi siya pwedeng gumawa ng isang bagay na ikagagalit ni Jorge. Hindi ko alam kung bakit, siguro kasi double standard si Jorge? But then, I realized that Jorge didn't like it because it will compromise his privacy. Hindi nga naman madaling ipaliwanag kung bakit siya ang nagme=make up sa youtube tapos sa personal, ibang iba siya.
BINABASA MO ANG
Hard to Handle
General FictionGabrielle Eleina have always been the "good Gabrielle". She embodies this name she gave herself as she intends to always be the good daughter to her parents. She only wanted to make her parents proud but she met love along the way and it fucked her...