Game over
Leina's
I just don't feel like going to work today. Alas ocho nang umaga pero nasa kama pa ako at pinagte-text ko ang mga tao sa restaurant para sa mga gagawin nila ngayon. I called Mcbeth to tell him to go to the resto, minsan ko lang siya mapakinabangan kaya dapat magtrabaho naman siya ngayon. Si Mcbeth iyong tipo ng taong mayaman na kahit na tumatae, kumikita ng pera. He invested his money right. May family business sila na si Kuya Paolo ang namamahala. May isa pa silang kapatid, si Yves na siya namang COF ng company na iyon. Si Mcbeth lang ang panay free style, panay gala, pero mayaman iyon.
Mukhang wala siyang balak na pumunta sa resto, imbes kasi na yes, pupunta ako, ang sagot niya pupuntahan kita. Sinabi ko na lang na dalhan niya ako ng Jollibee spaghetti, tuna pie saka chicken joy, Saka na ako magda-diet kapag nasa mood na ako. I stayed in bed, natulog ulit ako at nagising lang dahil sa tunog ng phone ko. Si Mcbeth ang tumatawag, malamang sasabihin niyang nasal abas na siya. Hindi ko sinagot. Kinuha ko iyong silk robe ko kasi naka-maikling shorts lang akong maluwag saka sando – wala akong bra at panty, ganoon talaga ako matulog. Habang naglalakad ay itinatali ko ang buhok ko. I owre my glasses that time kasi natatamad pa akong mag-contacts, saka ko binuksan ang pinto. I was right, iyong brown paper bag ng Jollibee ang sumalubong sa akin. Nakatakip iyon sa mukha niya, kinuha ko at niluwagan ang pinto para makapasok siya.
"Bakit, Leina, may sakit ka ba?" He asked me.
"Wala naman. It's just one of those days na sobrang ganda ko pero kulang ako sa energy." Naupo ako sa dining chair habang nilalabas ang pagkaing binili niya sa akin. He went straight to the balcony, binuksan niya muna siyempre iyong glass door. Pumasok ang mainit na hangin ng city, ako naman kain nang kain. Nagsasalita siya at nakikinig lang naman ako.
"Tumawag sa akin si Tito Axel kagabi, tinatanong kung nag-usap tayo, sabi ko okay ka naman. Nag-aalala siya na baka galit ka raw kaya ka nagdesisyong umalis."
"Hindi naman ako galit sa kanya, Mcbeth. Ayoko lang munsa sa bahay, hindi ako makahinga. Saka noon pa naman dapat ako umalis sa amin. I love my parents and they love all the Gabrielles too much na kung pwede lang na habambuhay nila kaming buhayin, gagawin nila, this time, I need to get on my feet, maiintindihan niya rin ako, mamaya, uuwi ako, kakausapin ko siya." Nilantakan ko na iyong spaghetti saka iyong tuna pie. Ang sarap, napakasarap talaga ng spaghetti ng Jollibee kahit na anong gawin kong paggaya sa sauce nito, hindi ko magawa, there is always something missing."
"Nagpunta ka ba kay Doc Cynths?" He asked. Pumasok na muli siya sa loob. Naupo siya sa silyang katabi ko. Kinuha niya iyong isang tuna pie at kumain na rin. Bumili rin siya ng hot chocolate para sa amin.
"Hindi pa. Sa Lunes na lang. Marami akong ikukwento sa kanya. Ikaw ba? Dinadagdagan niya pa ba ang gamot mo?"
"Just some pills, pero wala na akong sleeping pills."
I looked at him. "He's on the other unit."
"Sino?" Nakakunot ang noo niya. "Gosh?! Si Piolo Pascual, kapitbahay mo?!" Bigla siyang napasigaw. Binatukan ko si Mcbeth sa noo.
"Ulol! Putang ina mo." Inis na inis ako pero napatawa ako bigla. "Ambakla mo kamo pagdating kay Piolo. Anyway, si Jorge De Angelo. Nandyan siya sa kabila, kagabi ko lang nalaman na magkapitbahay kami. Umalis siya kinabuksan pag-alis ko sa bahay. Hindi ko alam, feeling ko sobrang liit ng mundo, pinagtatagpo talaga kami."
"O baka naman sign ito." Wika niya. Napatitig ako sa kanya. Natatawa siya habang ngumunguya. "Remember when Pia came back, and you told me it was a sign? Tama ka roon, Leina, sign nga iyon, pero ako, naduwag ako. Noon kasi overwhelmed ako sa feelings ko kaya inaatake ako, but you told me to go for it. I listened and it was the best thing that ever happened to me. Alam mo, minsan, Leina, kailangan nating bitiwan ang sakit, indeed, pain changes people, but sometimes, things just stay the same..."

BINABASA MO ANG
Hard to Handle
General FictionGabrielle Eleina have always been the "good Gabrielle". She embodies this name she gave herself as she intends to always be the good daughter to her parents. She only wanted to make her parents proud but she met love along the way and it fucked her...