Challenge # 17

42.7K 2.5K 1.1K
                                    

Hindi ako

Leina's

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Pinakikiramdaman ko si Popsi. Alam ko kasing ngayon kukuhanin ni Kuya Don at Kuya Narcing ang Tatay at kapatid ni Jorge. Sigurado akong mamaya – maya ay aalis na si Popsi, gusto kong sumama, gusto kong makita ang mangyayari kaya lang nagtataka ako kasi mag-aalas doce nang hatinggabi na ay wala pa ring galaw si Popsi. Paulit – ulit kong sinisilip kung umalis na ba si Popsi, pero nasa ibaba pa ang Jaguar niya. Naririnig ko pa nga sila ni Momsi sa silid nila sa dulo na nagbabasahan ng linya sa script.

Hindi na ako nakatiis, lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa silid nila. I barged in pero bigla akong nagsisi at bigla kong naramdaman ang pagkasunog ng mga mata ko. Nadatnan ko lang naman ang mga magulang kong naghahalikan.

"Parents!" Sigaw ko. Naglayo naman sila.

"Bakit, anak?' Momsi asked me. "Ikaw itong hindi kumakatok at basta pasok nang pasok tapos ikaw pa iyong galit. Anong problema?"

"Pops, bakit nandito ka pa? Diba may lakad ka ngayon kasama sila Uncle, bakit hindi ka pa umaalis?" Nakapamaywang ako habang sinasabi iyon. Tumaas ang kilay ni Momsi.

"Eleina, bakit ganyan ka makipag – usap sa Popsi mo?"

"Bakit naghahalikan kayo?"

"Nasa script iyon!" Sabi ni Popsi. "Pero anak, hindi pa nagtetext ang Kuya Dondon mo kaya hindi pa ako umaalis. Dapat nga kanina pang alas once nangtext iyong mga pangit na iyon. Tumayo si Popsi para kunin ang phone niya sa may bedside table. Kinuha ko rin ang akin mula sa bulsa ko para tingnan kung nag-text na si Jorge, baka tapos na siya kay Doc, pero wala akong message na natanggap. I looked at Popsi. Nakatapat na sa tainga niya ang phone.

"Ano, Ido, wala pa ba ang mga anak mo?" Iyon agad ang tanong ni Popsi. Hindi ako talaga mapakali. Matagal na tahimik si Popsi, matapos siguro ng dalawang minuto ay tinapos niya ang tawag.

"Ano?! Popsi naman! Pa-suspense ka pa!"

"Dumating naman sina Dondon sa highway nang mas maaga pa sa itinakdang oras, pero pagdating nila roon, nakataob na ang van na kinalalagyan noong mag-ama at namatay na ang mga pulis na escort nila." Sabi ni Popsi. Nanlalaki ang mga mata ko. "Kung may plano tayo, may plano rin sila. Sa tingin ni Ido, minuto lang ang pagitan. Na-traffic kasi iyong dalawa."

"Anong gagawin natin ngayon, Popsi?" I asked. Ang lakas – lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Si Avery, ipapahanap natin sila sa cctv sa kalakhang Metro. Nasaan ba ang kapatid mo?"

"Hahanapin mo pa ba, Axel?" Natatawang tanong ni Momsi. Napailing na lang ako. Lumabas si Popsi ng silid nila tapos pumunta kami kay Avery sa kwarto niya. As usual, nakaupo na naman siya sa harap ng computers niya at naglalaro na naman.

"Mamaya na iyan." Wika ni Popsi. Avery just sighed.

"Sige, practice lang naman. Mamaya may tournament kami, kalaban namin Malaysia, walang eepal ha." Sabi niya pa. "Ano ba iyon?"

Tiningnan kong muli ang phone ko. Wala pa ring message. Paano kung napahamak si Jorge? Nakatakas pala ang tatay niya, paano kung natunton niya si Jorge? Kinakabahan ako.

"Nak, hanapin mo muna iyong mga putang inang De Angelo." Sabi ni Popsi. Lalo akong hindi mapakali kasi kanina pa nagva-vibrate ang phone ko pero wala akong natatanggap na message. Nilabas ko ulit, papatayin ko sana nang biglang mag-appear iyong app tracker na si Avery ang naggawa. Iyon siguro ang dahilan kung bakit vibrate nang vibrate ang phone ko. I clicked the app, may pulang dot roon, nakahinto sa kung saan. Pinakita ko kay Avery iyon.

Hard to HandleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon