Eleina
Leina's
Maaga kaming gumising kinabukasan. Excited ako kasi sabi ni Jorge sa akin ay dadalhin niya raw ako sa farm niya sa Pinalamayan mamaya. Excited akong makita iyong lugar niya roon, sabi niya sa akin may bahay rin siya doon at naroon raw iyong mas marami niyang painting na puro ako. Jusko, siyempre gusto kong makita iyon. Biniro ko nga siya, tinanong ko kung may painting siyang hubad ako, ang loko, namula ang mukha. Considering nakaka-chorva lang namin kaninang umaga at noong tinanong ko iyon sa kanya, nasa ibabaw niya pa ako, namumula pa siya. Nakakaloka, parang siya ang virgin sa aming dalawa.
Sa dalawang araw namin sa Mindoro – ay Calapan, Oriental Mindoro pala – napansin kong mas at ease siya saka walang switching na nagaganap. Totoo pala talaga iyong sinasabi niya na kapag kalmado siya ay hindi nagpaparamdam ang iba. Masaya naman ako. It means na talagang sa isla na ito niya nahanap ang kapayapaang kailangan niya.
"Love, pwede kayong maligo sa dagat. Wala naman tao masyado ngayon." Habang naghihintay ng almusal ay nakaupo kaming dalawa sa kubo. He was reading the paper, I was checking on my people in the restaurant. Nasinghalan ko na nga rin si Mcbeth kasi mukhang wala siyang balak puntahan ang restaurant alam naman niyang bukas pa ako uuwo. Nakakagigil, nakasanayang maupo habang iyong pera niya ang nagtatrabaho para sa kanya. Kailangan murahin pa nang paulit – ulit bago sumunod. Epal talaga itong asawa ni Pia.
Kahit hindi yata sabihin na pwede kaming maligo, naligo na si Anne. Nakita ko siyang pabalik na sa kubo. Naka-two piece ang luka, kasunod niya si Avery, nakajogging pants, hoodie saka pita mask again.
"Anne, magdamit ka nga. Nakalitaw iyang dede mo. Nakakahiya ka." Sabi ko. Tiningnan ko kung nakatingin si Jorge – oo, nakatingin siya pero sa akin, iyong tingin niya pa, may maliit na ngiti sa labi na para bang pinapangarap na naman niya ako.
"Ate kung nakalitaw ang dede ko, wala akong bra. Naka-bra ako, saka what do you expect? Mag-swimming akong naka-gown? Diba no, Kuya Jorge."
"Ha?"
"Hakdog." Sabi ko. "Magbalot ka ng something." Nakit kong binigyan ni Avery ng t-shirt si Annie. Nag-make face muna siya saka siya nag-suot ng damit. Kumuha siya ng hotdog at sinubo iyon nang buo saka siya naupo sa tabi ko. "Kuya, saan ka nagpunta kagabi?" Biglang wika niya. "Nagising ako ng bandang mga ala – una, hindi na ako makatulog kaya lumabas ako, nakita kitang lumabas ng bahay nang tumatakbo, saan ka nagpunta? Inantay kitang bumalik pero nainip na ako."
I looked at Jorge. Hindi ko alam na umalis siya. Nagising naman ako ng five am na nasa tabi ko na siya.
"Ah, tahol kasi nang tahol si Fluffy – iyong St. Bernard ko, kaya tiningnan ko lang." Napatango naman ako.
"You have a St. Bernard? Where?!" Na-excite ang luka kong kapatid. Tiningnan ko si Avery na busy sa pagce-cellphone na naman.
"Sa may tool shed. Mamaya papakita ko sa'yo."
"Nice." Kumuha na naman siya ng hotdodg at sinubo ng bio. Di bale sana kung normal size na hotdog lang iyon, jumbo hotdog iyon at nasusubo ni Annie ng buo. Maria Masiba talaga.
"Nag-text si Popsi. Kinakamusta tayo. Bukas raw ng gabi, susunduin na nila ang tatay at kapatid mo sa crame." Biglang nagsalita si Avery. I looked at Jorge again. Sumeryoso naman ang mukha niya.
"Anong gagawin nila?"
"Hindi ko alam. Pero sure iyon, magluluksa ka kapag natapos na sila." He just nodded. Kinakabahan ako.

BINABASA MO ANG
Hard to Handle
Fiction généraleGabrielle Eleina have always been the "good Gabrielle". She embodies this name she gave herself as she intends to always be the good daughter to her parents. She only wanted to make her parents proud but she met love along the way and it fucked her...