Challenge # 07

43.3K 2.1K 567
                                        

Whose who? 

Leina's

I went home that Friday night. Nasa garahe pa lang ako ay naririnig ko na si Popsi na sinasabi kay Anne na maghain na dahil dumating na ako. May pasalubong akong carrot cake para kay Popsi, ito kasi ang cake of the day namin sa restaurant, at isa rin ito sa paborito niya. Umakyat ako sa hagdan ng garahe paakyat sa kitchen. Nakita ko nga si Annie ang naghahain. Nagsasandok siya ng kanin mula sa rice cooker. Inilapag ko ang carrot cake at kinuha ang bandehado sa kanya.

"Naghugas ka man lang ba ng kamay?" I asked her. She just smiled. Kinain niya iyong kanin na nasa daliri niya.

"Ate, doon ako matutulog sa condo mo minsan ha." Sabi niya sa akin,

"Sure. Weekends para pwede tayong mag-movie marathon. Bawal kang magpuyat ng weekdays eh."

"Annie! Sabi ko ikaw ang maghain! Bakit si Leina ang nagsasandok ng kanin?" Parang gigil na gigil si Popsi. Kinuha ulit sa akin ni Annie ang bandehado. Naiwan kami ni Popsi sa kitchen tumatawa ako kasi ang tahimik niya tapos mukhang kinakabahan pa siya.

"Pops, ang art emo kamo. Parang ikaw ang artista sa inyo ni Momsi. Oh, may dala akong carrot cake."

"Hindi ka galit sa akin?"

"Hindi nga, Popsi. Umali slang ako kasi hindi ako makahinga."

"Umalis na rin naman si Jorge. Umuwi ka na rito."

"Eh, Pops naman, nagbayad na ako sa inuupahan ko, 1 month advance 2 months deposit. Sayang naman iyon." Napapalatak si Popsi. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko pero wala naman siyang magagawa. Inakbayan niya na lang ako at hinalikan sa noo saka niyakag kumain na. Si Momsi raw ang nagluto ng kare – kare. For sure, masarap iyon.

Masaya akong magkakasama na naman kami ngayon. Naroon ang fiance ni Aelise na si Sabello at sa pagkakaintindi ko, he's going to sleep over tonight, ayaw na kasi siyang pauwiin ni Aelise dahil masyado nang gabi. Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain, as usual, si Popsi ang bangka at ngakukwento siya ng mga kagaguhan nil ani Uncle Ido noong kabataan nila. I love their friendship so much, kaya solid rin kaming magkakapatid dahil nakita namin iyon sa kanila.

After eating, we watched a movie while having coffee, pero hindi nagtagal ay isa – isa na kaming nagsiakyatan hanggang si Popsi at Momsi na lang ang natira. Kinalabit ko si Pops, pero pinanlakihan niya ako nang mata kasi tulog pala si Momsi na nakadantay sa dibdib niya. Umalis na lang ako. I looked back at them, hinahaplos – haplos pa ni Pops ang ulo ni Momsi saka niya ito mas inilapit sa kanya. I sighed. It's been decades and yet their love for each other never faded.

I want a love like that.

Pagdating ko sa silid ay naroon na si Annie. Naligo muna ako at nagsuot ng pantulog bago ko sinimulan ang skin care routine ko. Dalawa kami ni Annie ngayon at habang ginagawa iyon ay nagkukwentuhan kami.

"Did you talk to Jorge?"

"Yes, I did." Sagot ko kay Annie habang nilalagyan ko ng Laneige sleeping cream mask ang mukha niya. "Apparently, he lives on the unit next to mine."

"Talaga? Akala ko sabi niya sa akin kaya raw siya aalis kasi kailangan raw siya sa province nila sa Nueva Vizcaya." Napatingin ako kay Annie.

"Sure ka? Hindi ba Mindoro ang sinabi niya – ay Calapan, Oriental Mindoro. Kailangan palang sabihin nang buo kasi baka may hindi sanay rito."

Hard to HandleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon