Challenge # 05

43.9K 2.2K 296
                                        

Small world

Leina's

"Hi can I stay here for a while?"

Halatang nagulat si Mcbeth nang makita akong nakatayo sa labas ng pinto ng bahay nila ni Pia. Karga pa ni Mcbeth si Shakespeare habang tulala lang siyang nakatitig sa akin. Hindi siya sumasagot, kaya pumasok na ako sa bahay nila. May dala akong overnight bag. Wala akong balak umuwi sa bahay dahil hindi ako komportableng naroon si Angelo Jorge De Angelo. Hindi ako makatulog knowing that he's just in the other room. Napakaraming agam – agam ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung saan baa ko lulugar, everyone in the house – except for Popsi – is giving him good treatment. Kilala siya ni Momsi, alam niyang ex ko si Jorge, akala niya nag-break lang kami sa kung ano. Gustong – gusto kong sabihin sa kanya ang nangyari noon, pero ayoko siyang mag – alala. Ayokong makita sa mukha niya ang takot at sakit na nakita ko noong halos mamatay ang tatay ko.

"Hello, Pia." Nagulat rin si Pia nang makita ako pero nginitian niya ako.

"Kumain ka na ba?" She asked me. "Hindi ako sing sarap mo magluto, Leina, pero nagluto ako ng spicy pork and tofu."

"Thanks, masarap iyon sa gin." Wika ko. Natawa naman siya. "Anyway, pwede bang dito muna ako kahit mga ilang araw lang habang naghahanap ako ng malilipatan?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit? Anong nangyari sa bahay ninyo?" Mcbeth joined us. We were all in the living room now. Si Hamlet ay naglalaro ng lego niya. Ibinaba si Shakespeare ni Mcbeth para makipaglaro sa kuya niya. "Nag-away ba kayo ni Titi Axel?" He asked me.

"Hindi naman. Hindi lang ako komportable sa bahay." I said. "Nandoon kasi si Jorge."

"Sinong Jorge?" Pia asked.

"Oh, he's just an ex – boyfriend who broke my heart and soul. Medyo may problema lang sa buhay niya, Popsi offered to help, now I am not really okay with this, injured pa siya. I don't have the heart to send him off."

"Kailan ka pa bumait?" Tanong ni Mcbeth sa akin. Inirapan ko siya. Natawa na lang si Pia sa amin. Kinuha niya ang mga anak nila at papatulugin na raw niya. Nakasunod lang kami ng tingin sa kanya I sighed. Si Mcbeth ay gumalaw na at kumuha ng dalawang bote ng beer. He opened the bottle and gave me one. I sighed. Kinuha niya rin ang spicy tokwa't baboy ni Pia at inihain sa akin. Magkaharap kami habang nag-iinuman.

"Ano bang problema mo?"

"Remember the guy I was telling you about? Iyong muntik nang pumatay sa pamilya ko? Siya iyon. And now he's telling me that everything I believed in is a lie. Sinasabi niyang hindi siya, sinasabi niyang ganito, ganyan, tang ina, Mcbeth! You don't expect me to believe him!" Napasigaw ako.

"Wala namang nagsasabi sa'yong maniwala ka." He said to me. "Tama lang na ilayo mo roon ang sarili mo. Kung hindi ka naman komportable diba? Basta nandito lang kami para sa'yo and you can stay here until you want." Pinisil ni Mcbeth ang pisngi ko. Nangigigil na tinabig ko ang kamay niya. We stayed for the night, we drank until dawn, kung ano – ano lang ang pinag-uusapan naming dalawa hanggang sa pareho kaming dalawin ng antok. Nagpaalam siyang aakyat na kay Pia, ako naman ay nagkusa nang iligpit ang pinagkalatan naming dalawa.

At four am, I was lying on the guest room's bed, I was looking at the ceiling, thinking about Jorge. I don't want to give in yet, pero alam ko sa sarili kong naniniwala ako sa kanya. Pinili kong maniwala sa kanya dahil alam ko sa sarili kong may pagmamahal ako sa kanya. Putang ina ng sarili ko, anim na taon ang nakalipas, dapat ginamit ko iyong panahong iyon to get better and be braver, akala ko ganoon nga ang nangyari sa akin, pero pagdating kay Jorge, duwag pa rin ako, siya pa rin talaga ang kahinaan ko...

Hard to HandleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon