Indenial
Leina's
Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiiyak sa rooftop ng Varress Medical City. I find it hard to believe that Jorge has a twin and that his twin was the one who ambushed us that night. It was him. Wala nang iba, kaya hindi ko maintindihan kung bakit nngayon niya lang sinasabi sa akin ang mga bagay na ito. After all these years? Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan gusto kong lumaya mula sa masasamang alaalang iyon ay saka niya pa sasabihin iyon. Tapos na ang lahat, ano naman kung kakambal niya iyon? Pareho lang silang walang ginawang maganda sa buhay ko, pareho lang silang sinaktan ako.
Saka naging magkarelasyon kaming dalawa. Bakit kahit kailan hindi niya nabanggit sa akin ang kakambal niya? Hindi ko maintindihan kung bakit basta na lang naniwala si Popsi sa kanya, it's so unfair. Alam niya ang pinagdaanan ko, pero bakit ngayon, parang lumipad na lang iyion basta sa bintana?
Napakaraming tanong sa isipan kong kahit ano yatang gawin ko ay hindi masasagot na lang basta. Pinahid ko ang aking mga luha at nagdesisyong harapin na si Jorge. Sa dami ng tanong ko, alam kong siya lang ang makakasagot, wala na akong pakialam kung takot ako o kung anuman, basta kailangan niyang masagot ang mga tanong ko.
Bumalik ako sa fifth floor, nakita kong nasa labas ng suite si Popsi, kasama ang apat niyang best friends, si Uncle Jude, Uncle KD, Uncle Simoun at ang pinakagwapo sa lahat, si Ninong Ido. Hindi ko sila pinansin, nagtuloy ako sa loob ng silid ni Jorge at sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon tumayo ako sa harapan ni Jorge tapos ay sinampal ko siya. Nagtataas – baba ang dibdib ko dahil sa aking matinding paghinga. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero kailangan ko nang tapusin ito.
"Leina..."
"Kambal? And you expect me to believe that?" Ang sana – sama ng loob ko sa kanya. Niloloko niya lang ako, idadamay na naman niya ang pamilya ko. "Hindi ka na talaga titigil. Sisiran mo ang pamilya ko, Jorge! Hanggang kailan mo ba ako sasaktan?!" I slapped him again. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin at tahimik na umiiyak. Hinampas ko siya sa dibdib nang paulit – ulit. Hindi pa rin siya nagsasalita. "Ano?! Sumagot ka, tang ina ka!"
"Leina..." He finally spoke. He looked at me, with those sad eyes. Hinding – hindi niya ako madadala sa ganoon. I know better, hinding – hindi na niya ako madadaya muli. Tama ang kasabihan, nakakabulag ang ningning, ang ningning ay nagpapanggap na liwanag ngunit mas nakakasugat at mas nakakasira.
"Leina, I'm sorry... but that night.... That night, Leina, hindi ko iyon alam. I have no recollection of what happened that night. Hindi ko talaga alam. I tried to tell you pero ayaw mo nang lapitan kita, iyak ka lang nang iyak, tapos nalaman ko ang nangyari sa Daddy mo, people are telling me that it's my fault, pinabugbog ako ng Ninong mo, hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong naiintindiha, Leina. I'm so sorry, Leina. I'm so sorry..." Napaiyak siya, itinakip niya pa sa kanyang mukha ang mga palad at saka umiyak nang umiyak. Naging hagulgoln ang mga impit niyang hikbi at paulit – ulit niyang sinasabi sa akin na hindi niya alam, na wala siyang matandaan nang gabing iyon.
"Hindi ko alam, Leina. Please... please... maniwala ka sa akin. I will never do anything to hurt you. Leina, please..." Hinawakan niya pa ang mga kamay ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala, but it was him, he knew my name, he knew my dad – but then, according to him they were twins... hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Imbes na maibsan ang lahat ng agam – agam ko ay lalo pa akong naguluhan. Iniwanan ko na lang siya. Paglabas ko ng suite na iyon ay nakahilera sa hallway si Popsi at ang mga uncles ko.
"You believe him?" Hindi ako makapaniwala. They all looked at my father. Si Uncle Simoun ang unang nagsalita.
"Anak malaki ang possibility..."

BINABASA MO ANG
Hard to Handle
General FictionGabrielle Eleina have always been the "good Gabrielle". She embodies this name she gave herself as she intends to always be the good daughter to her parents. She only wanted to make her parents proud but she met love along the way and it fucked her...