Ilang linggo ang lumipas. Nagkakasalubong sila ni Doc Alden sa compound parking lot, minsan hi, minsan naman ay hello lang Batian nila.
Mabibilang lang sa daliri ng isa niyang kamay ang mga kamustahan nila na kadalasan ay sa umaga nangyayari. Yun bang tipong papasok na sila sa trabaho at nindi pwede magkwentuhan ng matagal dahil male-late si Ma'am Maine sa school at si Doc Alden naman sa ospital.
Hindi na sila nagkausap simula nung hapong kasama nila si Jackee, pero ganun at ganun pa rin ang kakapit-apartment niya, minsan tahimik, minsan naman ay... well, depend sa kung anong ingay ang magaganap.
May mga kalampagan pa rin ng kung anong bumagsak o di naman kaya ay inihagis na bagay ang maririnig sa kabila.
Meron pa ring mga nababasag o binabasag na kung ano, maaaring baso o bote, hindi siya sigurado pero meron pa rin.
Pero nitong ilang gabing nagdaan ay kakaiba. Walang ingay ng nababasag na kung ano at wala na rin ang mga gamit na bumabagsak o inihahagis, puro na lang pag-iyak at paghikbi, puro impit na pagtangis at paninisi o pagsisisi ang naririnig niya.
Para tuloy nilalamutak ang puso niya sa sikip na magpapaiyak na rin sa kanya. Kadalasan ay hindi siya makahinga kaya baba siya para uminom ng tubig.
Minsan naiisip niya na napakaswerte ni Vanessa dahil iniiyakan pa rin siya ni Doc Alden. Samantalang siya, parang basahang ginamit lang at nang wala ng pakinabang ay binalewala na lang basta. Ganyan kasi ang ginawa sa kanya ni Dirk.
Oo nga at makikipaghiwalay na siya nang umagang yun pero hindi naman niya inaasahan na totoo pala ang sinabi ni Jackee at ng iba pa nilang co-teachers at kakilala na may pa-attendance ba ito.
Naiinis siya sa sarili dahil napag-isipan pa niya ng hindi maganda si Jackee noon, ang tanging kaibigan na hindi siya iniwan.
Muntik pa itong mawala dahil sa pagiging makitid ng pang-unawa niya at ipinagtanggol pa niya si Dirk, mabuti na lang at matigas ang ulo ni Jackee at hindi siya iniwan.
Weekend ngayon, nag-aayang maggala si Jackee kaya naglilinis siya ng kanyang apartment unit. Konting walis at lampaso lang naman ang ginawa niya dahil nakapag-vacuum siya kahapon bago naghapunan.
Itinapon niya ang mga dapat na itapon sa basurahan. Nang maipon na ang lahat ng kalat at mapuno ang 13 gallon niyang basurahan ay inalis na niya ito at pinalitan ng panibagong trash bag para dalhin sa dumpster.
Buhat ang plastic bag ng basura, binuksan niya ang pinto. Di pa man siya nakakalabas ay may narinig siyang pagbagsak ng pinto sa kabila.
Mabilis siyang lumingon para alamin kung sino yun. Nakita niya ang binatang duktor na may bitbit na dalawang malalaking itim na bag ng basura.
Pasimple niyang isinara ang pinto ng kanyang unit at tahimik na sumunod dito.
Maingat nitong itinapon isa-isa ang basura at isinara nito ang dumpster ng tahimik. Nagulat pa ang binata nang pag-ikot ay nasa mismong harapan na nito nakatayo si Maine.
"M-maine..." Nauutal nitong sambit sa pangalan niya. Magkasalubong ang kilay, halatang galit. Galit nga ba o nagulat lang?
"Hi, Doc." Pinasigla ni Maine ang boses para hindi siya mahalatang sinadya niya ang pagsunod dito hanggang dumpster at isang matamis na ngiti ang ibinigay niya dito.

BINABASA MO ANG
When He Cries
FanfictionPalagi nating nakikita, nababasa at napapanood na ang lalaki ang knight in shining armor na tagapagligtas ng mga babae nanganganib o nalulugmok at ang mga babae naman ang damsel in distress na kailangan ng tagapagligtas sa kapahamakan at tagabuo ng...