15: Set Aside

750 63 32
                                    







Tahimik ang biyahe nila hanggang sa makarating sila ng apartment complex. Bago pa man siya makalabas ng kotse ni Doc Alden ay nasa harap na niya ito para pagbuksan siya.

Nginitian niya ito at nagpatianod na lang dito. Hawak ni Doc Alden ang kamay niya, hindi lang siya sigurado kung hindi ba napapansin ng binata na pinagpapawisan ang kamay niyang hawak nito. Tahimik nilang binabay ang daanan mula sa parking lot patungo sa unit niya.

Tahimik lang sila at walang kibuan, hindi tuloy niya alam kung ano ang pwede nilang pag-usapan kasi parang napakakapal ng tensyon na bumabalot sa kanila hanggang nahinto sila sa tapat ng pinto niya, tsaka pa lang bumitaw ang binata sa kamay niya.

Kinapa niya ang kanyang bulsa para sa susi ng kanyang apartment. Hindi niya ito makita hanggang sa may naalala siya. Napasapo siya ng kanyang noo. Ay, ang tanga mo, Maine! Singhal niya sa sarili.

"What happened?" Tanong ng binata na nag-aalala. Napapikit siya ng madiin para kahit papaano ay kumalma siya kahit konti lang. Pero ganun pa rin, abot-abot langit pa rin ang kanyang kaba na kahit papaano ay idea na siya kung bakit, ang tanong kung kelan mawawala? Basta ang alam niya tinatambol ang dibdib niya ng sobra. Susi lang yun Maine! Singhal niya sa sarili.

"Naiwan ko ang bag ko sa teacher's lounge." Mahina niyang sabi. Nandoon ang lahat niya. Wallet, credit card, atm card, cellphone, susi ng apartment niya at ang susi ng kanyang kotse. "My car!" Bigla niyang bulalas nang maalala ang kotse niya.

"Don't worry. I'll call Jackee to bring it over." Malambing na saad ni Doc sabay haplos sa buhok niya. Wala siyang nagawa kundi tumango na lang dahil wala naman siyang choice eh. Hindi na siya pwedeng magsalita dahil baka pumiyok siya.

"I uhm... I'll call her m-myself." Saad niya nang makabawi na. Nagsalubong ang mga kilay nito. Agad naman niyang napansin kaya nagtaka siya. "W-what?!" Nalilito niyang tanong dito dahil ngumiti ito ng malapad at napailing.

"You will call her?" Alanganin siyang ngumiti at tumango.

"Yes." Simple niyang sagot

"Okay. With what phone?" Natatawa nitong tanong. Labas ang nag-iisa nitong dimple. Muntik siyang napamura dahil doon. Ikaw ba naman ang banatan ng ngiting makalaglag pa...nga. Hindi ka kaya mapamura? "Here." Simple, malambing ngunit seryoso nitong saad sabay lahad ng phone nito sa kanya.

"Salamat." Wala naman na siyang pwede pang sabihin kahit na ang utak niya ang layo na ng narating na komento nito. Wala nga pala sa kanya ang bag niya.

"706151." Saad nito bago pa niya tuluyan mabuksan ang phone ng binata. Napatingin siya dito.

"Bak..." Ngumiti ito sa kanya.

"That's my password." Nangunot ang noo niya.

"Pero... nevermind." Sabi na lang niya. Naiinis siya sa binata dahil parang iniinis pa siya nito. Para bang tinutukso siya nito dahil sa katangahan niya. Eh sino ba ang may kasalanan na maiwan niya ang gamit sa faculty lounge kundi itong lalaking nagpapa-cute-cute sa harapan niya. Naku! Kung hindi ka lang tlaga cute! Ipinilig niya ang ulo dahil sa mga naiisip niya.

Kapag hindi ito umayos ang lalaking ito, susunggaban ko ito ng halik eh. Sa isip-isip niya. Humugot siya ng malalim na paghinga bago i-type ang number ni Jackee.

Ang dami mo pa kasing arte, sunggaban mo na. Gusto mo naman siya? Tanungin mo kung gusto ka rin niya. Hindi yung ikaw ang nagpapaka-damsel in shining armor diyan sa knight in distress na yan. Nabubwisit na siyang makipagtalo sa kabilang bahagi ng isip niya. Ayaw tumahimik, ang daldal.

Mas magaling pa ang isip niya sa kanya di ba? Ganun naman palagi, ang puso ang natatameme kapag umarya ng ang utak, ngunit sa kanya ay hindi. Dati kasi puro puso ang umaariba kaya nga naabuso siya Dirk. Hindi nababalanse kahit kelan.

When He CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon