"Binunot ni Paolo ang mainit na plantsa mula sa pagkakasaksak at paplantsahin niya daw ang Nanay niya ng tumuwid." Patuloy nitong kwento. "Mabuti na lang at tumawag ng baranggay si Ruby kaya ayun, napaalis si Mercedita. Bago pa siya naialis ng mga tanod sa harap ng bahay namin, napektusan pa siya ni Pia." Dugtong pa nito. Nandilat ang mga mata ni Maine.
"Damn! This is not good." Pabulong niyang sabi. Napatingin si Mang Joe sa kanya dahil magkatabi lang sila nito.
"Talagang it is not good." Sagot naman nito. Ipinaling niya ang atensyon sa lalaki dahil kung hindi, magiging isa tulalang duktor sa harap ng dalaga. I need to sort this out. Sabi niya sa sarili.
I am doomed!
NAGPATULOY ng kwento si Mang Jose habang ang utak naman ni Doc Alden ay kung saan-saan naglalakbay, tumbok nito ang babaeng nakaupo sa harap niya.
"Hala! Magulo palang talaga?" Saad nito. Napakisap-kisap ang mga mata niya. Naagaw ng tinig ni Maine ang naglalayag niyang diwa sa kung saan hindi niya alam at hindi siya sigurado. "Eh bakit naman kasi ginanun ni Kuya Pao ang Mommy niya?" Tanong nito bbago limagok ng juice mula sa baso. Baliw na nga yata siya dahil kung ano-anong malalaswang kaisipan ang pumpasok sa utak niya
Ipinilig niya ang kanyang ulo ng palihim. Nagagalit siya sa sarili dahil sa kung ano-ano at kung saan-saang parte ng katawan ng dalaga napunta ang kanyang imahinasyon. Kailangan niyang alisin ang dalaga sa utak niya. Hindi pwede ang iniisip niya, hindi dapat.
Magkaibigan lang kayo, Richard Alden Faulkerson!
"Yun na nga, Meng. Hindi talaga ako sang-ayon sa ginawa ni Paolo sa Nanay niya, pero naiintindihan ko rin naman siya." Mabilis na sagot ni Mang Joe. Napalingon si Doc Alden nang May ma-realize sa takbo ng usapan.
"Teka, magkapatid kayo pero iba ang Nanay niya?" Mas maganda pang sumali na lang sa usapan ng dalawa kesa naman kung ano-anong kahalayan na nagawa niya kay Maine sa kanyang utak. Malala na ang imahinasyon niya.
"Yes. Magkapatid kami sa ama. Lumandi kasi ang Papa noong akala niya ay hindi na siya mahal ng Mama. Yun pala ang nagme-menopause lang si Aning." Game naman na sagot ni Mang Joe.
"Ah. Okay." Sagot niya. Ngumiti si Mang Joe at nagpatuloy ng kwento.
"Noon ay lihim na sinusustentuhan lang ng Papa yang si Paolo. Bata pa lang kami alam na namin ang tungkol sa kanua, pero syempre hindi namin ipinaalam sa Papa at Mama na alam namin dahil ayaw naming masaktan si Mama. Hindi rin naman nagalit si Mama kay Papa nung malaman niyang May naging babae ang Papa sa kabilang bayan dahil saksi kami sa topak ng Mama, aminado naman siya. Bandang huli nalaman na rin ni Aning ang tungkol kay Paolo." Ang sarap magkwento ni Mang Joe. Sakop na sakop ang atensyon nilang dalawa ni Maine kaya natuwa na rin siya nang mailayo sa dalaga ang isip at panggigigil niya.
"I bet your Mom was so mad, when she found out about Paolo." Napangiti si Mang Joe sa pakikiosyoso niya.
"Ingglisero talaga ito 'no?" Natawa si Maine sa pagpuna ni Mang Joe sa kanya. Nagdilim ang tingin ni Doc Alden kay Maine, puno ng pagnanasa. Ugh! Don't laugh like that or I will lunge from here and devour you to pieces. Nagtagis ang bagang niya. Successful na sana eh. Nagsalita pa.
"Hindi naman nagalit si Mama." Biglang nagsalita uli si Mang Joe. Napakurap si Doc Alden. "Bagkus naawa pa nga siya kay Paolo." Patuloy na salaysay ni Mang Joe. Nasa mood talagang magkwento.
"Bakit naawa?" Tanong niya. Hinarap na niyang tuluyan si Mang Joe.
Wala sa kwentuhan nila ang isip niya at ayaw niya ang tumatakbo sa kanyang utak. Alam niya kung bakit ganun ang daloy ng isip pero ayaw niya sa kung saan ito patungo.
BINABASA MO ANG
When He Cries
FanficPalagi nating nakikita, nababasa at napapanood na ang lalaki ang knight in shining armor na tagapagligtas ng mga babae nanganganib o nalulugmok at ang mga babae naman ang damsel in distress na kailangan ng tagapagligtas sa kapahamakan at tagabuo ng...