Mabilis na lumipas ang limang araw at limang gabi na magkasama sila Alden at Maine sa apartment ng dalaga. Ang dalawang unang gabi niya sa apartment ni Maine siya umiiyak.
Ibinuhos na ni Alden ang lahat ng sakit ng pangalang gabi niya sa bahay apartment ni Maine. Gusto ni Doc Alden na wala nang natitirang sakit at pait sa puso niya kapag pinagtuunan niya ng pansin ang dalagang guro. Yun nga lang, ilang araw na lang ay babalik na siya sa sarili niyang apartment dahil matatapos na itong i-repair. Kailangan na lang palitan ang buong wood flooring, which will take maybe a day or two. After that, goodbye Miss Maine na.
Ayaw na niya yatang umalis pa sa apartment ng dalaga, masaya siya dito, magaan ang pakiramdam niya,mabilis na nawala angalit, poot at pagkadismaya sa sarili. Nawala ang ang sakit ng nabugbog niya pride dahil sa pagtalikod ni Vanessa.
Ano ang gagawin niya sa apartment niya sa pagbabalik niya doon? Mag-isa lang naman uli siya sa sariling apartment? Tapos ano? Dadalawin na naman siya ng lungkot at sakit na tagumpay niyang naitawid tatlong gabi na ang nakakaraan? Ayaw na niya ng ganun dahil alam niyang okay na siya ngayon.
Tatlong gabi nang hindi siya umiiyak o nagwawala man lang. Tatlong gabi na siyang masaya, as in, masayang-masaya and he owed it all to Maine. Natatakot siya na baka sa oagbabalik niya sa kanyang apartment ay magbalik uli siya sa dating self pity party. He will not let that happen but the can not drag his stay here.
Oo nga at masakit ang ginawa sa kanya ni Vanessa. Nakapag-propose na siya't lahat-lahat dito, na mabilis naman nitong tinanggap, pero bakit kung kelan ikakasal na sila tsaka pa ito nagdeklara na hindi pala siya nito mahal ha tunay, na napilitan lang pala itong sumagot ng oo at sa kanya isinisisi ni Vanessa ang lahat. Hindi niya matanggap na siya ang itinuturo nitong may kasalanan kung bakit ito pumayag na magpakasal sa kanya kahit hindi a nito gusto.
Gabi-gabi niyang inuulit-ulit panuorin ang video ng proposal niya dito. Hindi niya ito nakitaan ng pag-aalinlangan ang babae. Sa bawat frame, eksena o scene ay hindi niya makita ang mukhang napipilitan lang, bagkus masaya pa nga ito at ubod lapagd ng ngiti. Tuwang-tuwa pa itong halos magtatalon sa tuwa habang nakatunghay sa singsing na bigay niya. Binili pa niya yun sa Tiffany - Italy dahil yun ang palagi nitong sinasabi.
Sa tuwing nilalato niya ang video ay bumabangon ang galit sniya sa babae. Gusto niya itong saktan, pilipitin ang leeg nito at pigain ang buhay mula sa dalagang mapanlinlang.
Kung paano siya napunta sa sitwasyong ito na halos masira na ang ulo niya ay alam niya. Medyo matagal na rin, halos may sampung buwan na ang nakakaraan.
Tatlong linggo bago ang kasal nila ay bigla nawala si Vanessa na parang bula. Nagpakita lang ito sa pamilya dalawang araw bago ang kanilang kasal na parang walang nangyari, walang paliwanag at masaya pa. Sino ang mag-iisip o makakapagsabi na napilitan lang ito?
Araw ng pagbalik nito ay nagkita-kita pa sila sa bahay ng mga magulang ni Vanessa, nag-dinner sila kasama ang mga parents ng dalaga at ang kanyang Auntie Joanne, Uncle Romero, Ate Dianne at Ate Stephie. Masaya silang nagkukwentuhan at ang sweet nila sa isa't isa.
Nakatuwaan pa silang biruin ng Daddy ng dalaga at ng Tito Rome niya na mabilisi silang mamakbuo ng anak sdahil napaka-sweet nila. Nagbiro din ang Auntie Joanne niya na baka hindi pa sila nakakarating sa reception ay didretso na sa honeymoon na sinang-ayunan naman ng ina ng dalaga. Saan diyan ang napipilitan.
Masaya silang nagsalo-salo sa hapunan na yun. Naglabas pa si Vanessa ng champagne para ipagdiwang ang nalalapit nilang kasal at napag-usapan din ang gagawing honeymoon sa Galapos kaya nagulat siya at ang mga magulang nito pagdating ng araw ng kasal nila ay gumawa ito ng eksena na ikinagulat din ng lahat. Parang pelikula lang.
BINABASA MO ANG
When He Cries
FanfictionPalagi nating nakikita, nababasa at napapanood na ang lalaki ang knight in shining armor na tagapagligtas ng mga babae nanganganib o nalulugmok at ang mga babae naman ang damsel in distress na kailangan ng tagapagligtas sa kapahamakan at tagabuo ng...