19: I'm Leaving

1K 70 55
                                        



"Maine." Pukaw sa kanya ng isang tinig na nakalimutan niyang kasama pa pala niya . "Don't cry, please." Pabulong nitong sabi sa kanya sabay pahid nito ng luha niya.

Nasa lalim siya ng pagbabalik-tanaw sa nakakainis na nakakatawa niyang kahapon nang magsalita ito na ikinagitla niya panandalian. Isang matipunong braso ang yumakap sa kanya mula sa tagiliran at ipinatong pa ang baba nito sa balikat niya. Napapikit siya. Ang sarap sa pakiramdam.

Ilang linggo na rin ang nakaraan simula ng matapos ang apartment ng binata at nakabalik na ito doon. Nanghihinayang siya nang ito ay umalis na sa apartment niya. Gusto niyang pigilan ito noon pero hindi naman niya kaya gawin kaya nanahimik na lang siya.

Simula ng bumalik ang binata sa unit nito ay hindi na siya muling pumasok pa sa kwarto na ginamit ng binata. Ayaw niyang makita kung ano ang maiiwan nito doon dahil natatakot siya sa maaari niyang mararamdaman sa pag-alis nito. Nasanay na siyang kasama ito sa bahay niya.

Nung umagang aalis ang binata sa unit niya ay umalis siya. Mag-isa siyang pumunta ng mall at naglakad-lakad doon hanggang inabot siya ng gabi. Iniwan niya ito sa paglilipat nang kung pang gamit na dinala nito sa unit niya. Ayaw niya kasing makitang isa-isa nang naaalis ang bagay na alam niyang panandalian lamang sa bahay niya. Pakiramdam niya kasi, parang aalis na rin ito sa buhay niya. Ang weird.

Sa totoo lang, simula nung hapunan sa bahay ng tiyahin nito ay ngayon lang niya talaga uli nakita ang binata. Nakakapanibago, nakakalunod ang presensiya nito.

"Bakit nandito ka?" Sabay pagharap niyang tanong dito.

"I can't sleep. It's been weeks since I last saw you. I miss you much, I have to see you." Malamyos ngunit walang pakundangan nitong sagot. Umayos pa siya ng upo para mas maharap ito. Niluwagan naman ni Doc Alden ang pagkakayap kay Maine para magawa niya ang gustong gawin. Pero ang totoo ay gusto niyang tumayo palayo dito dahil nalulunod siya kapag malapit ito sa kanya.

"Doc, why are you doing this?" Tanong niya sa binata. Naguguluhan siya, ayaw niyang mag-assume, hindi dahil sa natatakot siya, kundi dahil sa totoong nalilito siya. Maaaring natutunan niya nang mahalin ang binata pero h indi pa siya handa. Hindi pa sila handa. Hindi pa nga ba, Maine?

"I don't know. I just really miss you." Muli nitong sagot. Mahina na halos paanas, ramdam niya ang init ng hininga nito sa pisngi niya. Nag-init ang pisngi niya na parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa likod na kakaiba ang dulot nito sa buo niyang sistema, malamig na mainit na may kiliting nakakakuryente. Damn!

"You miss me? Why?" Kahit na nagtanong siya ay ayaw niyang marinig ang sagot nito. Natatakot siya dahil baka masaktan lang siya . Pero sa kabilang banda ay gustong-gusto niyang marinig ang sagot nito kahit na masaktan pa siya. This is so conusing.

"I don't know. All I know is that I am missing you." Sagot nitong titig na titig sa kanyang mga mata. Nakikita niya ang katotohanan sa sinasabi nito at ang pananabik na sinasabi nito. Nakikita din niya ang pangungulila at pagkagustong mahawakan siya. She sees desire in his eyes. Why?

"Why? I thought you said that there will never be an "us"." Mapait na lumabas ang mga salitang yun sa bibig niya, kasing pait ng pinigaang amplaya at apdo. Inilapat nito ang noo sa kanyang noo bago madiin na pumikit. Hawak siya nito magkabilang pisngi na halos na sakop ng kamay nito ang batok niya. Kinikilig siyang hindi mawari. Konti na lang at bibigay na siya. I Can't. I have to stop myself, if I can.

"I'm sorry. I wanted to say something else and that's what came out of my mouth. I was confused and not thinking straight. Please forgive me, Maine." Malungkot ang tinig na iyon na para bang hindi na kayang maging masaya pa. Nakita ni Maine ang pagtagas ng mga luha nito. "I said what I said in hopes that I won't hurt you but I did anyway in the process. Unknowingly, it wasn't my intention to hurt you, please forgive me." Dugtong pa nito. Sa ngayon ay pareho na silang naluluha.

When He CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon