1268 groton st.
MATAPOS ang hapunan, nagkwentuhan pa sila ng may katagalan sa gitna ng kape na pinagtulungan ni Paolo at Maine na itimpla. Nagkakilanlan ng mabuti si Mang Joe at Doc Alden. Tuwang-tuwa ang ginoo dahil sa kauna-unahang pagkakakataon sa buhay nito, sa dinami-dami niyang duktor na nakilala, si Doc Alden pa lang ang masasabi niyang kaibigan. Napangiti naman si Maine dahil nagkakamabutihan na ang dalawa lalaki habang silang dalawa ni Paolo ay na-uusap ng tungkol sa pag-a-apply na maging guro.
Nagulat siyang malaman na graduate pala ng Seconday Ed si Paolo at pasado din sa teacher's board. Hindi nga lang nakapag-apply dahil nga palaging nagkakasakit ang ama nila at siya ang umaalalay sa Mama Ana niya. Kaya napagbuntunan nito ang maging makeup artist kung saan-saan hanggang sa maging sikat ito dahil sa isang starlet na na-makeup-an niya sa isang Santa Cruzan na hindi sinipot ng makeup artist nito. And that was the start of his other career.
"I'll talk to my Uncle. He's the district superintendent sa district na ito." Singit ni Doc Alden sa usapan nila Maine at Paolo. Nanlaki ang mga mata ni Paolo.
"You mean, ang asawa ni Madam Joanne ay isang DS? Ang heavy n'yo pala." Pabakla nitong turan na ikinabungisngis ni Maine.
"Ay sa wakas, magkakatrabaho na rin ng matino itong kapatid ko. Tiyak matutuwa ang Mama." Nakangiting saad ni Mang Joe na labas ang parehong dimple nito. Ngumiti din si Paolo.
"I actually didn't know na si DS at si Tito Rome ay iisa." Saad ni Maine. Napatitig tuloy si Doc Alden sa kanya. Napansin niya na kakaiba ang dating ng titig ng duktor sa kanya. Binalewala niya yun.
"You didn't know? Huh." Saad naman ni Doc Alden. Napaisip ito. "I wonder why?" Dugtong nito. Naguguluhan.
"Oo nga. Di ba kapag may mga importateng okasyon sa mga eskwelahan ay dapat siya ang guest of honor n'yo?" Tanong ni Mang Joe. "Kasi sa amin sa probinsiya, kapag graduation ay nagpupunta ang superintendent at ibang opisyal ng school district.
"Well, they do, pero usually kasi nagpapadala sila ng representatives nila dahil naka-commit sila sa iba at nagkataon nagkasabay ang mga importanteng programa." Paliwanag ni Maine. Napatango-tango si Mang Joe. "Pero minsan ay napinta si Mr. Williams, wala naman ako sa school dahil nasa kung saan ako dinala ni Dirk noon. I know his but didn't pay much attention to find out kung sino talaga siya." Dugtong pa niya.
Matiim lang na nakikinig ang tatlo sa kanya. Iba-iba ang expression ng mga mukha nito. Si Mang Joe ay parang sinasabi nito na "ah, okay.", ang Paolo naman nagsasabing "really, girl?", dahil nakaarko ang kilay nito. Doc Alden's expression is somewhat stoic pero may bahid ng sakit. Parang nagsisis tuloy siyang nabanggit pa niya ang pangalan ng ex niya. Maaaring naalala lang nito si Vanessa.
"Sabagay. Sa dami ba naman ng eskwelahan na nasasakupang ng distrito nila, dito sa kalakhang Maynila, malamang sa alamang na may nagkakasabay-sabay ga talaga." Saad ni Mang Joe. Nagpatango-tango silang dalawa ni Paolo ngunit si Doc Alden ay madiin na nakapinid ang mga labi nito. Natahimik na rin sila pagkatapos.
"Anyway, may bakanteng position sa school namin pero elementary department." Siya na rin ang bumasag ng katamikan. Nasasakal kasi siya eh. "Naghahanap sila ng qualified na maging PE teacher din para sa high school. Ano ba ang major mo?" Tanong ni Maine kay Paolo.
"Triple major. Math, Chemistry at Physics, minor PE." Sagot nito. Namangha si Maine sa narinig mula kay Paolo.
"Wow! Ang talino mo pala?"wala sa loob na nasabi ni Maine tahimik na paghanga sa kapitbahay.
"Babakla-bakla lang yan si Pao, pero proud kami nila Mama at Papa, pati sila Ruby at Pia proud sa kanya. Palgi nga kaming salitang lima sa pag-akyat sa intanladopara isupt ang award sa kanya nung nag-aaral pa yan." Kita ang kislap ng pagmamalaki sa mata ni Mang Joe. Napangit si Maine ng maluwag.

BINABASA MO ANG
When He Cries
FanfictionPalagi nating nakikita, nababasa at napapanood na ang lalaki ang knight in shining armor na tagapagligtas ng mga babae nanganganib o nalulugmok at ang mga babae naman ang damsel in distress na kailangan ng tagapagligtas sa kapahamakan at tagabuo ng...