WHC 6: Forgiven

840 72 29
                                        



"Bakit ka nandito?" Humugot muna si Maine ng malalim na paghinga bago siya sumagot. Naroroon pa rin naman an respeto niya dito.

"Kamusta ka na, Ma?" Pigil ang kaba at sama ng loob na pagbati ni Maine. Alam niyang may tampo ito sa kanya pero yung magtitikisan sila at palagi na lang itong galit sa tuwing makikita siya siguro naman ay tama na.

"May mukha ka pa talagang magpakita dito?" Mahal ni Maine ang ina pero minsan wala na rin sa lugar ang pagiging maanghang nitong magsalita. Kung wala lang sila sa publiko ay baka kanina pa niya ito tinalikuran.

"Ma, wag naman dito. Okay naman kung ipapahiya n'yo ako sa harap ng kahit na sino at sa ibang lugar, wag lang dito. Respeto na lang sa alaala nila Lolo at Lola." Mababang tono niyang sagot sa ina. Kinakabahan at natatakot sa kung ano ang kalabasan ng pagpunta niya dito ngunit pilit na nilalakasan ang loob.

"Marunong ka palang mahiya." Mataray na saad ng ina, humalukipkip pa ito. Mahina man ang boses nito, pakiramdam ni Maine ay nakasigaw ito. Walang pinagbago. Naisip niya.

Humugot siya ng malalim na paghinga. Kailangan niyang kalamayin ang loob niya dahil kung hindi ay mahuhulog na naman sila sa pagbabangayan na baka ikaatakeng muli sa puso ng ama.

"Minda, tama na." Matiim at seryosong saway ng kasama nito. Umirap lang ang Mama ni Maine.

"Hello, Pa." Bati ni Maine dito. Bahagya lang itong yumukod ng walang ngiti. Humugot ng malalim na paghinga si Maine at kahit alam niyang labag sa kagustuhan ng ina ay inakap niya ang ama.

"Why are you here, Nicomaine." Mataray pa ring tanong ng ina.

"Kakain po." Simple niyang sagot. "Hindi naman siguro Ma ipinagbabawal ang kumain dito?" Pinilit niyang tinitigan ang ina sa mata. Sana nga lang ay hindi nito mabasa na kabang-kaba talaga siya.

"You can come here and eat here anytime you want, my little Mengginita." Saad ng ama. Napangiti si Maine dito at muli itong inakap. Isa lang ang ibig sabihin ng pagbati ng Papa niya sa kanya.

"Am I forgiven Papa?" Mahina niyang tanong dito na naiiyak. Pinipilit niyang wag tumulo kahit isang patak lang ang luha niya dahil kapag nangyari yun, paniguradong hindi na siya matatapos sa pag-iyak.

"There's nothing to forgive, anak. You didn't do anything wrong and Papa was never mad at you. All I wants for you is to be happy?" Napakalambing na saad ng ama. Kahit na pabulong pa iyon, ramdam niya ang bawat salitang nanggaling mula sa Papa niya, paniguradong nabuwag na ang pundasyon ng tapang na inipon niya mula sa parking lot, sigurado siya na narinig yun ng Mama niya.

"Nice to see you again, hija." Mabuti na lang at binati siya ng isa sa kasama ng mga magulang. Alanganin man siyang sumagot dito pero pinilit na rin niya ang sarili.

"Hi, Tita Lorie." Nakangiti niyang bati dito kahit na nag-aalalangan siya,napigil noya ang pag-iyak. Hipag ito ng Nanay niya na asawa ng Tito James niya. Kahit sabihin pa na mabait ito, kasangga pa rin ito ng Nanay niya. Yan nga ang nagiging dahilan lagi ng pag-aaway nito at ng Tito James niya dati. Anytime now, she will start to spew fire like her Mom.

"It's nice to see you again." Saad nito ng nakangiti.

"It's nice to see you po ba talaga o baka ngayon lang yan?" Mataray na sabat ni Jackee. Nilingon niya ito at pinandilatan ng mata ngunit hindi naman sumagot ang Tita Lorie niya. Hindi ito kumibo at para pa ngang napahiya dahil napayuko ito.

"Sino yan? Bago mong lalaki?" Napapikit ng madiin si Maine bago niya sinubukang maglakas loob na magsalita na muli.

"He's a friend and he's not any of the things you are thinking, Ma." Mahinahon niyang pahayag.

When He CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon