MIYERKULES ng hapon, nasa hosptial si Doc Alden, nasa school naman si Ma'am Maine.Ito ang huling gabi ni Doc Alden na makakasama si Maine sa unit ng dalaga. Bukas off si Doc Alden, babalik na ito sa unit niya. Hindi niya maintindihan na parang naiintindihan niya kahit paano kung bakit ayaw niyang umuwi sa sariling apartment. Ayaw niyang makita ang sariling naghahakot ng mga gamit niya para lilipat ang mga ito.
Pakiramdam ni Doc Alden ay bibitayin na siya. Hindi siya makapag-concentrate ng maayos sa isang pasyente, pinangangapusan siya ng hininga, hanggang sa nakiusap na lamg siyang irelyebo ng isang duktor.
Matapos bumalik sa pribadong opisina sa loob ng hospital pa magpapahinga na lang sana ngunit hindi naman nangyari. Balisa ang sistema niya kahit nung nasa parking lot siya ay hindi pa rin niya mawari ang sarili.
Pilit siyang lumalanghap ng simoy ng malamig na hangin ay mas lalo lang nanikip ang kanyang dibdib. Napaupo na lang siya sa loob ng kanyang kotse at pinaandar ang AC nito ngunit ganun pa rin. Aligaga ang kanyang kaisipan at walang nagawa kundi ang tumitig na lang sa kawalan.
One thing for sure... I can't live the way I used to.
SA FACULTY room, hindi mapakali si Teacher Maine. Para siyang pusang di maanak, aligaga siya. Nandiyang uupo siya couch, tapos tatayo, lalapit sa bintana, dudungaw, tapos magpapabalik-balik ng lakad. Tapos uupo uli sa harap ng desk niya at pag-upo naman ay alumpihit siya sa kinauupuan. Nandiyang, kukunin niya ang kanyang lesson plan, bubuklatin at maglaon ay isasara din lamang. Tapos tatayong muli, maglalakad at dudungaw sa bintana na parang naghihintay ng manghaharana sa kanya.
Ilan beses pa niyang ginawa yun sa loob lamang ng napakahabang limang minuto. Limang minuto na puno ng pagkainip at pagkainis sa hindi maintindihang bagay at kaganapan.
"Maine, ano ba ang nangyayari sa iyo?" Tanong ng isa nilang co-teacher. Nilingon niya ito na napapangiwi. Kilala niya ang isang ito, pro-Dirk ito eh.
"Ah, wala. Hinihintay ko lang si Ja—" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil tumaas ang kilay nito.
"Wag mo nang hintayin si Papa Dirk. Masaya na yun sa bago niyang jowa." Saad nitong nakangisi. Para pa itong nangungutya sa kanya. "Kaya nga nakipaghiwalay na siya sa iyo di ba?" Maanghang nitong tanong. At least, yun ang dating sa kanya. Napataas ang isa niyang kilay.
"Mina, saan mo naman nakuha yang impormasyon na yan?" Seryoso at pataray niyang tanong.
Kahit may ilang buwan na ang lumipas simula nang maghiwalay sila ni Dirk ay wala pa silang nasasabihan ni Jackee na kahit na sino sa mga kasamahan nila sa mga nangyari sa kanya. Una, bakit? Pangalawa, bakit? Pangatlo, bakit uli?
Nagtaas ng tingin si Mina at hinarap siya. Pinasadahan niya ng mapanukat at panuring tingin at mapang-uyam itong ngumiti bago muling nagsalita.
"Kanino pa ba? Eh di kay Papa Dirk." Sabay rolyo ng mata nito. Patirikin mo nga Lord ang mata ng babaeng ito, please lang. Pipi niyang dasal. Patawad, Lord. Dugtong niya. Takot siyang mapektusan ng Diyos kaya binawi niya kaagad ang masamang inaasam para sa co-teacher.
"Papa Dirk?" Pag-ulit niya. Natawa pa siya dahil ni minsan ay hindi niya naisip na mukha o pormang papa si Dirk. "Hindi ko alam na si Dirk pala ang tatay mo." Pangungutya niya dito. "And FYI, ako ang nakipaghiwalay sa kanya, hindi siya sa akin." Dugtong pa niya. It's time to stand up for herself. Hindi pwedeng puro na lang si Jackie ang magtatanggol sa kanya.
Napupuno na rin siya kasi a babae. Ito ang number one, top notch basher niya at message relayer, if that is even a word, ni Dirk. In short, espiya, taga-hatid mensahe, tsismosa primera de kalidad dahil may bachelors degree in secondary education pa itong hawak. Ipinapahiya lang nito ang mga matitinong guro na dedikado sa pagbibigay dunong sa mga kabataan at hindi tsismis ang sagap.
BINABASA MO ANG
When He Cries
FanfictionPalagi nating nakikita, nababasa at napapanood na ang lalaki ang knight in shining armor na tagapagligtas ng mga babae nanganganib o nalulugmok at ang mga babae naman ang damsel in distress na kailangan ng tagapagligtas sa kapahamakan at tagabuo ng...