Chapter 1

31 2 0
                                    

Chapter 1

My Dreams Without You
Author: Andrez

"ANAK GISING NA MA LE-LATE KA NA SA SCHOOL! BAKA DI KA NA PAPASUKIN NIYAN SA GATE BAHALA KA! PURO KA PA KASE PUYAT KAGABI EH!" hiyaw ni nanay saakin, dahil daw malelate na ako, kaya agad naman akong bumangon at tama nga si nanay, malapit na ko ma-late dahil 6:30 na ng umaga at alas siete ang pasok ko.

Ughhh Anjela thirty minutes nalang ma le-late ka na huhu.

Agad ako bumangon at kinuha ko ang tuwalya ko upang sana ay dumiretso na sa pagligo.

Napadaan ako sa lamesa at nakita kong nakahanda na aking mga kapatid para pumasok at tanging ako nalang ang hindi pa nakagayak "Anjela di ka na ba kakain? Naghanda pa naman ako ng paborito mong Hotdog" tanong sakin ni nanay nung makasalubong ulit niya ko sa gawi ng kusina papunta sa banyo.

"Ahh, hindi na po nay, anong oras na po, ma le-late na kami, kumain naman na po ako kagabi, mga bandang alas dose habang nag susulat ng story" i answered.

"Hay nako ate, dalian mo nalang maligo, hindi ako pede ma-late, may kailangan pa ko gawin sa room namin bago magsimula yung klase" wika ni Amber with irap pa na kasama habang nagtataray sakin. Napaka taray talaga nitong kapatid ko, kala mo mas matanda sakin eh pangalawa lang naman siya hmp!

"Eto na nga po oh, bibilisan ko na sa pagligo mahal na señorita" tugon ko naman kay Amber at talagang pingalandakan ko yung part na mahal na señorita para mas lalong mainis ang bruha kong kapatid WAHAHAHAHAHA.

"Hay nako nagtalo muna sila, ma le-late na tayo pare-parehas niyan, kung may extra pamasahe lang talaga ako ate, mauuna na kami ni Alexa sa inyo" pagsabat naman ni Andy, ikatlo kong kapatid, at yung sinabi naman niya na Alexa ay ang bunso naming kapatid.

Yes apat kaming magkakapatid at ako ang panganay. Arts and design ang napili ko na TRACK upang bumagay sa akin, nais ko kasi maging isang professional writer or Author someday, actually may mga natapos na ko na story sa wattpad pero hindi ito ganong kasikat katulad ng mga gawa ng ibang author.

Hindi ko na sila pinansin at naligo na ako ng matulin upang hindi nga kami ma-late.

"Oh Anjela, ikaw na bahala sa mga kapatid mo ah, lalo na kay bunso, alagain pa. At ikaw naman Andy, tutal maaabutan mo ang uwian ni Alexa, ikaw na ang sumundo sakanya papauwi, maglakad nalang kayo mamaya at wala akong pera. Pasensya na mga anak, alam nio naman ang sitwasyon ko, nagtitinda lang tayo sa palengke at ngayon ay sarado pa dahil may event na gagawin pansamantala si Mayora don, kaya habang walang ginagawa eh tatanggap muna ko ng labada." Wika naman ni nanay.

Si nanay nalang ang nag aalaga samin dahil ala na si tatay, namatay siya sa isang aksidente past 3 years ago, at simula nung mawala siya, naghirap kami ng sobra.

"OPO NAY!" sabay-sabay na sagot namin kay nanay at tuluyan nang pumasok sa school. Ang aking mga kapatid ay sa pampublikong paaralan nag aaral at ako naman ay sa pribadong paaralan, wala naman mabigat na puproblemahin si nanay sa tuition ko dahil may PEAC na na tinatawag na kung saan may voucher ang bawat students at maari nila itong magamit pagdating ng Senior Highschool, at nagamit ko nga ito.

Kasabay ko ang mga kapatid ko sa pagpasok dahil madadaanan ko din naman ang kanilang pinapasukang school at para din hindi gaanong mahal ang pamasahe.

***

"Oh Anjela 'buti di ka na-late, saktong-sakto pasok mo ngayon, anong nakain mo at maaga ka pumasok? Haha." Pabiro na wika ni kuya Berting. Guard namin sa school.

Hay nako, oo na, lagi akong na le-late nitong isang buong linggo, kase abala ko sa paggawa ng story at dahil doon ay lagi akong napupuyat, kaya naman tanghali na ako kung magising. Nais ko kase na ipublish yung ginagawa kong story para naman kung saka-sakali eh makatulong ako kay nanay sa pag papaaral saamin.

"Nako kuya Berting, actually di ako kumain, kase 6:30 na, nagmadali nalang akong naligo kase ayaw ko na nga ma-late. Ang mahal mo kaya maningil." Pagbibiro ko kay kuya Berting. Yes nagbabayad kami ng sampung piso pag late kami pumasok, yun ang pinaka punishment namin. Si kuya Berting ang naniningil paminsan-minsan kapag busy ang presidente at ang treasurer ng SGO.

Napaka taray pa naman nung dalawang yon, akala mo pinaglihi sa bulldog, pano ba naman laging naka kunot ang noo, di naman maganda hmm!

"Nako, ikaw talaga Anjela lagi mo ako binubully, sige na pumasok ka na at baka singilin pa kita" sagot naman saakin ni Kuya Berting kaya naman napatawa nalang ako.

"Besh!!!! Isa ba 'tong milagro! Di ka late ngayon! AMENNN HOOO!!!" hiyaw naman ni Kate na akala mo naipit ang bataan sa sobrang ingay.

Bestfriend ko si Kate since Grade 9 ako at hindi kami nagkakahiwalay ng section until now.

"Sira! Sadyang nagmadali lang ako. Di ko na nga nagawang kumain eh, nag iinarti na kase yung bruha kong kapatid na si Amber, kase daw ma le-late na sila" wika ko naman na medyo naiinis pa habang iniisip ko si Amber.

"Wow ha? Kanino ba magmamana yung kapatid mo? Edi sayo tse!" Wika naman ulit ni Kate na nambubuwisit pa. Hindi ko na siya pinatulan kase nga inaantok pa ako haysss.

"Tara na nga sa loob ng room. Ano ba kase ang ginagawa mo rine sa labas? Bat ala ka sa room?" Pag aaya ko naman kay Kate kasunod ng mga tanong na kinakunit ng bruha kong kaibigan.

"Bibili kase sana ako ng pagkain kaya lang sarado pa yung canteen, kaya back off bitch ang beauty ko" sagot naman niya with rolled eyes pa na halatang nabubuwisit. WAHAHAHAHA buti nga napagod ang beauty niya AHAHAHAHAHA.

"Ang panget naman nung pangalan nung babae! Palitan mo naman! Gamitin mo yung name ko ganon!" Panlalait ni Kate sa gawa ko. Pinabasa ko kase sakanya yung prologue ng ginagawa kong story "Grabe to! Hindi 'man lang suportahan! At tsaka baka pag ginamit ko yung name mo, ayawan nanaman ng ibang publishing company ang gawa ko 'no kaya shut up ka nalang besh!" Wika ko naman with rolled eyes sa bitchesang kaibigan.

Nagsisimula na ang klase. May pinapasulat si Sir sa board. Nagsusulat naman ako pero 'di pa din mawala sa isip ko kung anong pwedeng eksena sa Chapter 1 ng story ko. Huminto muna ako sa pagsulat at dumukdok para magisip. Habang naka dukdok, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa klase dahil nga kulang pa ako sa tulog........

-*-*-*-*-


A/n

Hoping na may magbasa at mag vote hihi, hart hart <3.

-Andan (my real surname, at dito ko din kinuha ang ANDREZ. 'AND' for ANDAN at 'REZ' for secret reason AHAHAHAHAHA kase nga wala talaga akong maisip that time na gumagawa ako ng acc sa wattpad AHAHAHA. Skl, alam ko naman na ala kayong pakialam AHAHAHAH)

My Dreams without You (On going)Where stories live. Discover now