CHAPTER 6
MY DREAMS WITHOUT YOU
Author: Andrez"Besh ano na? Its already seven o'clock" sabi ni Kate na may kasama pang irap. Kita mo 'tong ipis na 'to inirapan pa ko. Halata din sa itsura ni gaga ang pagmamadali.
"Mga kating-kati teh? Kung tinulungan niyo ko, ade nadali tayo tss" pag tataray ko din. Di ata ako papatalo pag dating sa katarayan. Weh? Baka isang sampal lang sayo iyak ka? Luhh nababaliw na ata ako. Parang narinig ko na kinakausap ako nung konsensya ko.
Sabado na kasi. Kagaya nung napag usapan last time, pupunta kami kila Pam para mag stay for one whole day and night. Alas siete ang usapan na kailangan ay nandoon na kami sa bahay nila Pam para mas mahaba ang oras sa bonding pero na late ng gising ang pinaka magandang babae na namumuhay sa balat ng lupa.
Tinutulungan na ako nila Pam at Kate na maglagay ng damit ko na gagamitin for just one whole day and night. Natigil saglit ang pag iimpake ko dahil may bagay na pumukaw ng pansin ng dalawang impaktita at bitchesa kong kaibigan.
"Ay wow taray 'teh ahh, tinabi mo pala itong tatlong rose na binibigay nung admirer mo sa school na umuurong ang talong at hindi magawang magpakilala sayo" wika ni Kate na medyo natatawa at hawak yung tatlong rose na nakalagay sa drawer ko na nahalungkat naman ng babaitang ipis na 'to.
Yes, tuloy parin nag bibigay ng rose yung unggoy na di malaman kung sino. Tatlong araw niya akong sunod-sunod na binigyan ng rose simula nung Wednesday until Friday. Nahihirapan nga akong itago ito pag uwi ko ng bahay eh. Baka kasi makita nung kapatid kong pinaglihi sa ingrown na sobrang galing mamuwisit.
"Shh just shut your mouth bitch. Baka marinig tayo nila Amber. They didn't know that im receiving a rose from stranger" pag suway ko kay Kate at tumahimik naman siya at nag kibit bakikat nalang. Inaasahan kong tapos na kami sa part na yon at tuloy na kami na mag lalagay ng gamit ko ng biglang nagsalita si Pam
"'Bat hindi mo ipaalam? Something wrong if malaman nila?" Nagtatakhang tanong niya.
Gaga talaga 'to abe malamang magtatakha sila nanay duhhh...
"Gaga! Malamang hindi nila pede malaman 'no. Baka kung ano pang isipin non. Nung nakaraan nga, nakita nila yung isa, iba na agad yung tingin sakin eh. Akala mo nakapatay ako ng Mayor." Pag papaliwanag ko na medyo pabulong lang.
Wala dapat akong kinakabahala kung wala naman nagbibigay sakin nung rose eh! Actually nung natanggap ko nga yung tatlong bulaklak. Minsan gusto ko silang sunugin, baka pede sila gawing inihaw na rosas, im craving for inihaw eh. Naloloka na din ako dahil hindi ko alam kung saan itatago ang mga rose. Buti nalang talaga at may maliit na drawer sa baba ng kabinet na hindi naman binubuksan nila nanay at ng mga kapatid kong pashnea kaya dun ko nalang minabuting ilagay. Hindi ko lang talaga maisip kung ano pumasok sa kukote nitong ni Kate at binuksan yon. Pak shet talaga.
"Hoy mga ingrown. Maglinis kayo diyan ng bahay habang nasa palengke si nanay. Wag din kayo gagala. Uso ngayon yung kukuhanin yung atay tas ibebenta, kukuhanin din nila dugo niyo. Pero di ko lang sure kung pwede yung dugo niyo, kulay kanal kasi eh" bilin ko pa sa mga kapatid kong pinaglihi ni nanay sa ingrown nung ipaktita naming kapitbahay na walang ginawa kundi chumika magdamag. Pede na maging DJ sa radio.
![](https://img.wattpad.com/cover/219973091-288-k74728.jpg)
YOU ARE READING
My Dreams without You (On going)
Teen FictionAng istoryang ito ay patungkol sa isang babaeng walang ibang inisip kundi ang iaahon sa hirap ang pamilya niya at kung paano papasayahin ang taong mahal niya kahit hindi niya alam kung yung taong minamahal niya ay siyang talagang itinakda ni tadhana...