Chapter 4
MY DREAMS WITHOUT YOU
Author: Andrez"Oh anak, baka makalimutan mo 'tong ginawa kong puto. Sinarapan ko to para kay Kate, dinag-dagan ko na din ito para kay Pam at para sayo. Sabihin mo din na maraming salamat at napaka laging bagay na nung iniabot satin ni Kate." Wika ni nanay habang inaayos at ibinibilin saakin ang mga pagkaing niluto niya para kila Kate.
Malapit na kami pumasok, at proud to say na hindi ako nahuli ng gising. Maaga din kasi kami nakatulog kagabi. Hindi na din ako nagpuyat kase for me enough na muna yung naidagdag ko sa scene na gusto ko for chapter 1.
"Yes nay, i will send them your 'thank you'" sagot ko naman kay nanay na may kasamang kindat.
Nung matapos na ang paghahanda ni nanay sa mga pagkain namin ay agad na kaming umalis ng bahay at sumakay na ng tricycle.
"Nay alis na po kami!" Hiyaw ko hudyat ng pagpapaalam. Pagkatapos kong magpaalam sa aming nanay, nakita ko naman na agad siyang pumasok sa loob ng bahay, marahil batid ko na nag mamadali din siya dahil kailangan pa niya pumunta sa kanyang tindahan sa palengke para mag tinda ng gulay.
"Hoy mag iingat kayo! Pag may nang-away sainyo, just tell me. Papamanahan natin yan ng black eye" pag bibiro ko sa mga kapatid ko habang medyo nagyayabang ang tindig at nagpapaputok ng kamao.
"Ay wow himala! Concern ang ate natin ngayon! Ano nakain mo 'teh? Nag shabu ka?" Pang aasar naman ni Amber sakin kaya naman napahalagpak ng tawa ang tatlo.
"Eh kung ikaw kaya ang lagyan ko ng black eye Amber? Want?" I said to her then i rolled my eyes. Hihirit pa sana ako ng pang aasar eh, kaso naalala ko inaantay nga pala ako ng tricycle. Medyo nag feeling ako na akala ko may sarili na akong kotse hehe.
Habang papalayo ang sinasakyan kong tricycle, abot tanaw ko naman ang mga kapatid kong mapang-asar na patungo na sa gate ng school nila upang pumasok.
"Ahh manong, eto po bayad. Sixty pesos po" pagbabayad ko kay manong driver.
"Thank you hija"
"Thank you din po manong" wika ko sabay talikod sakanya habang papunta sa gate ng school namin.
Hinahalungkat ko yung bag ko kasi hinahanap ko yung ballpen ko. Kailangan kase namin mag sign sa guard house upang nakatiyak na nakapasok na kami at mag sa-sign ulit kami pagkatapos ng uwian. Habang hinahanap ko yung ballpen kong leche na hindi mahanap hanap eh nakabangga ako.
"Aray! Ang sakit huhu. Pasensya na talaga" paghingi ko ng tawad sa nabunggo ko. Hindi ko matanaw ang kaniyang mukha dahil nagpupulot ako ng mga libro na nalaglag nung lalaki na nakabangga ko. Hindi pa ako nagtatagal na nagpupulot ng libro, agad din nagpulot yung lalaki habang patuloy parin ako sa paghingi ng tawad.
"Ahh no, its okay, i can manage" wika niya habang kaunting tinatabig ang kamay ko na tila pinapahiwatig na siya nalang ang magpupulot. Dahil sa eksenang iyon ay napatingin ako sa mukha nung lalaki. Hindi ko inaasahan kung sino ang aking nabunggo at kaharap ko ngayon...........
S-si G-gio.......
Napatitig ako ng matagal sakanya. Ngayon ko masasabi kung bakit patay na patay talaga ang mga kababaihan sa buong St. Isidore. Napansin ko ang kaniyang mga mata na brown ang kulay, matangos na ilong, singkit na mata, mapupulang labi at higit sa lahat makinis na mukha na dinaig ang babae. Natauhan nalang ako nung nagsalita muli si Gio
"Uhmm m-miss okay ka lang? Something wrong with my face?" Tanong niya sakin na medyo nagtataka siguro kung bakit ako titig na titig sakanya. Ramdam ko din ang pamumula ng mukha ko. Shit shit Anjel! Bat ganyan ka! No! Dapat di ka ganyan sa harap niya! Kase pag nakita ka nila Kate na ganyan ang nangyari sayo nung nabunggo mo si Gio ay tiyak na aasarin ka nila! Kaya dapat gigil ka kay Gio na mukhang bakla!
YOU ARE READING
My Dreams without You (On going)
Novela JuvenilAng istoryang ito ay patungkol sa isang babaeng walang ibang inisip kundi ang iaahon sa hirap ang pamilya niya at kung paano papasayahin ang taong mahal niya kahit hindi niya alam kung yung taong minamahal niya ay siyang talagang itinakda ni tadhana...