CHAPTER 17MY DREAMS WITHOUT YOU
Author: Ink_of_Andrez[Anjela's POV]
"Hoy, mapupunit na mukha mo jan kakangiti. Anong meron 'teh? Ba't happy?" Nagtatakhang tanong saakin ni Kate. Nandito kami ngayon sa sulok ng classroom namin. Absent kasi yung teacher namin sa first at second subject, kaya ayon naubusan na kami ng topic kakachikahan at kanina parin ako nakangiti. Hindi kasi mawala sa isip ko yung nangyari kagabi nung nagsimba kami ni Gio. Totoo ba? Gusto niya ko? Nag 'i love you' siya tas ganon din ako, so mutual understanding na ba kami netey? Alam kong sobra pang bilis nang mga pangyayari pero kasi... Argg, ewan ko din.
"Hoy, tinatanong kita" kalabit saakin ni Kate. Hindi ko napansin na napatulala din pala ako. Mukhang nawiwirduhan na tuloy si Kate at Pam sakin, baka iniisip nila napupurat na ko.
"Ah, eh, masaya lang ako. Sino ba naman ang hindi sasaya kung dalawang oras kayong walang ginagawa kasi absent yung teacher niyo diba?" Palusot ko naman. Kung alam niyo lang talaga kung bat ako sobrang saya...
"Okay? Sabi mo eh" tugon agad naman ni Kate, hindi ko alam kung satisfied siya or what, pero bahala na.
Medyo natahimik kami sandali. Nakatutok kaming tatlo sa cellphone namin. Scroll dito, scroll doon, kulang nalang mahalukay na namin ang buong social media.
"Nag update ka pala?" Napatingin ako kay Pam sa sinabi niya at ganon din si Kate. "Ikaw kausap ko 'teh, ikaw lang naman gumagawa ng story sa Wattpad" pagiging specific ni Pam. Napansin siguro niyang nalilito kami kung sino tinutukoy niya kaya tinuro niya ko.
"Ah, oo. Kagabi nga lang ulit ako nakapag update, para kasing nawalan ako ng gana nung mga nakakaraan. You know? Nawawalan ng idea ganon" paliwanag ko naman. Kagabi lang ako nakapag update ng maayos at hindi nahihirapan isa-dialogue ang nasa isip ko. Siguro dahil masyado akong napasaya ni Gio?
Oh, siguro siya ang kailangan ko sa pangarap na nais ko.
"Sabagay. Pero bes, ang ganda nung update mo ah, hugot na hugot. Siguro luma-love life ka ka na" pang eechos pa ni Pam. Sinundot-sundot pa niya ako sa aking tagiliran kaya pati si Kate ay inechos na rin ako.
"Hoy, hindi, ah. Sadyang sinipag lang ako kagabi. Tsaka wala pa sakin yung love life na yan, sakit lang sa ulo yan"
weh? Di nga self? Talaga ba? Eh hakos mamatay ka nga sa kilig kagabi eh.
NANDITO ako sa parking lot ng school. Ala-singko na nang hapon at uwian na namin. Hinihintay ko lang si Gio kasi sabi niya ihaatid niya ako pauwi. Hindi na rin ako tumanggi sakaniya dahil gusto ko rin siyang makasama.
"Kanina ka pa?" Napalingon ako sa aking likuran matapos kong marinig ang boses na nanggagagling sa likod ko. "Sorry kung nag tagal ako, babe" hirit pa niya. Agad tumaas ang presyon ko matapos kong makilala kung sino yung nagsalita.
"Bwisit ka, ang kapal mo para tawagin akong 'babe'! Wag ako landiin mo tse!"singhal ko sa kaniya. Nakita ko ang unti-unting pagkurba ng kaniyang labi. Kita mo 'tong mokong na 'to, nakuha pa niyang tumawa.
"Kalma, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita sinusungitan mo pa ko." Nagbeautiful eyes pa siya. Akala siguro niya makukuha niya ko sa kakaganon niya, mukha siyang aso
![](https://img.wattpad.com/cover/219973091-288-k74728.jpg)
YOU ARE READING
My Dreams without You (On going)
Teen FictionAng istoryang ito ay patungkol sa isang babaeng walang ibang inisip kundi ang iaahon sa hirap ang pamilya niya at kung paano papasayahin ang taong mahal niya kahit hindi niya alam kung yung taong minamahal niya ay siyang talagang itinakda ni tadhana...